Tingin ko di ka connected wirelessly eh. Ang maganda siguro isolate muna natin ang problem. Open mo yung command prompt tapos type mo ipconfig /all, kapag ang IP mo sa wireless is 169.x.x.x di ka pa connected sa router wirelessly. Make sure din na dhcp enabled = yes. Kung connected ka naman most likely ang address 192.168.1.x, tapos check mo default gateway. Kung connected ka balik ka ng command prompt type ping 192.168.1.1 (pwedeng iba default gateway mo palitan mo na lang ang 192.168.1.1 ng tamang default gateway). Dapat makakuha ka ng reply from 192.168.1.1. Tapos post mo na lang dito ang results para matulungan ka ng mga kaespiya natin.