Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Nightmare.. Get rid of it!  (Read 2076 times)

Kade Lara

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 310
  • Karma 1
  • Gender: Male
Nightmare.. Get rid of it!
« on: September 23, 2009, 09:49:56 pm »
Hi guys! magshare lang ako ng nangyayari sakin.. at alam ko espiya to the rescue lang ang kailangan! para mabawasan ang ganitong nangyayari sakin..

Way back in to 2nd year high school, sabihin natin ito ang mga edad na nasa kasalbahihan ako.. lagi ko kaaway mommy ko, lagi ako wala sa bahay after school.. dito na din nagstart mga bisyo ko like sigarilyo  smoking:: at alak  toast::..

Isang araw.. habang umiinom kami ng bestfriend ko sa labas ng kanilang bahay, may grupo ng mga kalalakihan na tinatawag nila ang kanilang grupo na "3rd eye" ayun sa pagkakasabi sakin ng bestfriend ko.. so syempre bata pa ako noon at natawa sa nalaman ko, may impluwensya na ako ng alak kaya naisipan kong pagtripan sila sinigawan ko sila ng "Mga 3rd eye! nakakakita ba talaga kayo ng multo?" sabay tawa ng malakas.. hindi namin nakita ng kaibigan ko na sobrang dami pala nila.. hanggang sa sumugod sila sa bahay ng friend ko ang problema dalawa lang kami ng kaibigan ko at wala na iba kahit pamilya niya.. sumugod sila at pinag babato ang bahay ng kaibigan ko..

Hanggang sa nakipagsundo na lang kami na makikipag suntukan ako sa leader nila one on one (natatawa ako sa ugali ko nung bata pa ako hahaha..  laffman:: laffman:: laffman::) ayun nakipagsuntukan ako nung una hirap ako gawa ng mabilis pero nakapitan ko at pinag heheadbutt ko.. nahilo at hindi na makapalag hanggang sa tinutukan niya ako ng pen gun sa mukha, ang hindi niya alam ay nakapgsilid ako ng 38 revolver sa likod ng aking pantalon.. walang dalawa dalawang isip ay nailabas ko ito at naitutok sa kanya at pinutok sa my hita nya, napa igtad din ako gawa ng lakas ng impact.. nagtakbuhan silang lahat hila hila ang leader nila, at ng oras din na yun kinuha ng isang lalaki ang hawak kong baril na pinsan pala ng bestfriend ko, tinago niya ang baril saka ako pinatakbo pauwi sa bahay..

Sa paguwi ko sa bahay ay kinuwento ko kagad sa nanay ko na nakabaril ako at ayun nakatikim ako ng sampal, nilagay niya lahat ng damit ko sa isang bag.. at pinahatid ako sa tito ko sa rizal.. kinabukasan meron na akong ticket papuntang probinsya namin.. tinago ako ng pamilya ko dun ng halos isang buwan..

Bago man ako umuwi sa manila.. gabi na noon at natutulog na ang lahat.. madaling araw, nagising ako na parang may tao sa labas, sinilip ko siya sa ilalim ng pinto.. may nakita akong guy na paikot ikot ang galaw.. ng buksan ko ito nawala na siya..

Umuwi na ako sa manila at hindi na kami nakatira sa dati naming tinitirahan.. dito na nagsimula ang aking BANGUNGOT.. ilang taon ko ng pinagdadaanan ito, sa pagtulog ko, magsisimula akong magising at hindi makagalaw.. at makikita ko na lang ang lalaki na parang anino na siyang nakita ko noon sa probinsya namin.. kagabi lang ay nandiyan siya sa tabi ko.. ng makakilos na ako nawawala na siya..

Guys, nahihirapan na kasi ako sa bangungot ko.. laging ganito, ok naman ako sa pagkain ko.. nakakatuwang isipin na isa akong nurse pero hindi ko maresolba ang problema kong ito at umabot pa ng taon..

Baka meron kayong ginawa para mawala ang inyong bangungot.. alam ko matutulungan niyo ako..

Maraming salamat at Godbless!
If you can fight, FIGHT.. HELP each other, and be PREPARED for everything..

Turon

  • The witness & the arbitrator of the scion.
  • 2009 Cavaliers
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1335
  • Karma 1
  • Gender: Male
  • My doctor told me not to dance again.
Re: Nightmare.. Get rid of it!
« Reply #1 on: September 23, 2009, 11:58:07 pm »
Patingin mo na yan pre. Hanap ka ng magaling na Psychiatrist. 

dragknot11

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 967
  • Karma 2
  • Gender: Male
  • Dont you wish you're boyfriend was hot like me...
Re: Nightmare.. Get rid of it!
« Reply #2 on: September 24, 2009, 12:02:31 am »
watch paprika in youtube...

you must let go on what you have (past)

nakatatak kasi sa utak mo ang nangyari, everything kahit ang pagkakwento mo ay detailed kaya hindi mahirap isantabi na iniisip mo na nasundan ka o hinahunting ka na...


pero pwede rin na sinumpa ka o pinapakulam ka talaga.

jpetrucci_02

  • Guest
Re: Nightmare.. Get rid of it!
« Reply #3 on: September 24, 2009, 12:04:57 am »
Oo nga pre.. baka sa nangyayari sa yo eh gumaganti na sila sa yo, yun nga lang sa kakaibang paraan.. basta next time pre wag ka na magsilid ng baril..

Master Dave

  • Staff
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 4421
  • Karma 153
  • Gender: Male
  • Master of none
Re: Nightmare.. Get rid of it!
« Reply #4 on: September 24, 2009, 01:00:26 am »
madalas ding mangyari sakin yan dati..

http://espiya.net/forum/index.php/topic,81794.msg498701.html#msg498701

stress lang yan.. do some fun activities, hangout with your girlfriend or your barkada.. mawawala din yan.. ;)

shavehead

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 541
  • Karma -1
  • Gender: Male
  • Hi to all fellow Espiya....
Re: Nightmare.. Get rid of it!
« Reply #5 on: September 24, 2009, 01:22:22 am »
baka nagmumulto sayo.........

tawag ka or punta ka 700 club asia...mag pa pray over ka sa kanila...

para mawala yung mga bangongot mo pre.....

pwede din.. before ka matulog.. mag pray ka muna...

neckromancer

  • Senator Sayote
  • Moderator
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3844
  • Karma 17
  • Gender: Male
  • Dungeon Master
    • Ang Aking Munting Blog
Re: Nightmare.. Get rid of it!
« Reply #6 on: September 24, 2009, 05:46:15 am »
According sa kuwento mo hindi bangungot iyan, dahil buhay ka pa. :) Kidding aside, may mga tanong lang ako:

1. Pumapayat ka ba nang sobra-sobra?
2. May napapansin ka bang unusual na marka sa iyong balat?
3. Naninigarilyo ka ba o gumamit (past tense) ng hallucinogen?
4. Ano ang ginagawa ng lalaki sa iyong panaginip?

Nasubukan mo na ba ang lucid dreaming?

Kade Lara

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 310
  • Karma 1
  • Gender: Male
Re: Nightmare.. Get rid of it!
« Reply #7 on: September 24, 2009, 06:13:19 am »
According sa kuwento mo hindi bangungot iyan, dahil buhay ka pa. :) Kidding aside, may mga tanong lang ako:

1. Pumapayat ka ba nang sobra-sobra?
2. May napapansin ka bang unusual na marka sa iyong balat?
3. Naninigarilyo ka ba o gumamit (past tense) ng hallucinogen?
4. Ano ang ginagawa ng lalaki sa iyong panaginip?

Nasubukan mo na ba ang lucid dreaming?

Hindi naman ako pumapayat sir sa katunayan nga e tumaba pa ako..

Wala ding anong marka sa aking balat..

X - smoker ako, wala din po akong iniinom na gamot maliban sa maintenance ko sa dugo (beta blockers)

Sa panaginip ko lagi lang siya nakatayo sa tabi ko or pag nagising ako ng hindi ako makakilos at makahinga.. alam ko nasa paligid ko na siya..

Pagkagaling ko province meron isang beses na nag lucid dream ako..
If you can fight, FIGHT.. HELP each other, and be PREPARED for everything..

ftc

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1282
  • Karma 10
  • Tugs tugs tugs.
Re: Nightmare.. Get rid of it!
« Reply #8 on: September 24, 2009, 08:45:53 am »
Sir, tingin ko stress nga yan dahil detalyado ang mga kwento, na ibig sabihin ay bothered ka nga ng problema na yan.. Patingin ka sa duktor, wag ka magdalawang isip kasi tutulungan ka nila, punta ka sa psychiatrist, tapos wag mo kalimutan na magdasal bago matulog at sa paggising. Ipray mo lahat sa Diyos yung mga nararamdaman mo, tutulungan ka nya.

captain

  • 2006 Vanguards
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 119
  • Karma 0
Re: Nightmare.. Get rid of it!
« Reply #9 on: September 24, 2009, 09:32:47 am »
sa tingin ko ung lalake sa panaginip mo ay isang representation ng problema sa buhay mo. ano ba ang nararamdaman mo pag nakikita mo cya ? tumaktakbo ka ba palayo? hinde mo ba pinapansin? nilalabanan mo?

kasi naniniwala rin ako na meron pinapahiwatig ung mga panaginip natin. kagaya ko, nung meron akong problema, nanaginip ako ng multo pro ang nakakatawa lng ay nilabanan ko e2 which coincided naman sa ginawa ko sa real life which was hinaharap ko talaga ung problema at hinde tinakbuhan. pero meron din minsan na ung panaginip ko ay puro lng ako takbo ng takbo at pag gising ko ay medyo pagod ako,  sa tingin ko naman e2 ung mga responsibilidad na hinde ko pa natatapos at hinahabol na ako. hehehe

so gawin mo nlng. isipin mo kng ano ung mga bagay na possibleng nakakadulot sau na matinding pangamba at dun ka magcmula. pro kng hinde mo naman maisip kng ano un, sa panaginip mo nlng cya labanan, panaginip mo yan, isipan mo yan, ikaw ang nag-kokontrol kaya wag ka magpatalo. kasi sa pagkakaalam ko pag tinalo mo na ung anino mo, hinde na yan babalik unless meron ka nanamang ibang kalokohan na ginawa.

captain

  • 2006 Vanguards
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 119
  • Karma 0
Re: Nightmare.. Get rid of it!
« Reply #10 on: September 24, 2009, 09:58:36 am »
sorry sa double post.

meron lng ako naalala. tol paghinde ka raw makagalaw dahil sa nightmare or sleep paralysis ang una mo daw dapat gawin ay pagalawin ang iyong mga daliri sa paa. wag mo ifocus ung lakas mo sa pag-galaw ng katawan mo ifocus mo lahat sa pag-galaw ng daliri mo sa paa

KaMushroom

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1648
  • Karma 24
  • Gender: Male
Re: Nightmare.. Get rid of it!
« Reply #11 on: September 24, 2009, 10:36:32 am »
tol, tinuluyan mo na kasi dapat. ayan tuloy
.

LenFuma

  • 2009 Cavaliers
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 291
  • Karma 1
Re: Nightmare.. Get rid of it!
« Reply #12 on: September 24, 2009, 11:38:48 am »

In an anatomical and physiological point of view, maaring meron kang obstructive sleep apnea ka-espiya. Humihilik ka ba nang malakas at madalas before pa mangyari lahat yan? Lagi ka ba inaantok sa umaga at meron kang fatigue? Kung ganun e baka may OSA ka nga - and it needs special medical attention.

Maaring nakaka-aggravate din yung naging experience mo sa nakaraan kaya mo nasasabing bangungot yan. Seek medical attention and at the same time e maghanap ka ng spiritual guidance. Walang imposible sa Panginoon.

Madarame Ikkaku

  • Ang Dakilang First Element
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2099
  • Karma 7
  • Gender: Male
  • I got no intentions of becoming a captain.
Re: Nightmare.. Get rid of it!
« Reply #13 on: September 24, 2009, 12:48:26 pm »
messing with the third eye people then getting nightmares... just a coincidence...

you seeing a mysterious person sa lugar ng exile mo (bukid) then getting nightmares.. maybe...

______________

rampant yung nightmares ko during high school days din and some sa college.. ngayon wala na...
di ko maexplain fully pero nagtataka ako bakit nawala na...
advise ko lang is when you're having nightmares... MOVE!
move a damn finger or anything, don't stop... believe me it will take all your strength to lift a finger..
wag mong e mind ung mga nakikita mo just *effin move...
nakikita ko rin yang shadow people noon during my nightmares.
after i moved and went back to sleep mauulit yan minsan...
when you can move, do something which relaxes you... praying, stretching o ano pa ba and clear your head before going back to sleep...

sana makatulong sa'yo pare...
I have a knack for delivering bad news.
Religion creates nothing except intangible emotional solace for those who require it.

Kade Lara

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 310
  • Karma 1
  • Gender: Male
Re: Nightmare.. Get rid of it!
« Reply #14 on: September 24, 2009, 02:05:18 pm »
malakas nga po ako humilik kung minsan, lalo na po pag pagod o nakainom.. tingin ko nga may OSA ako sir.. minsan kasi hinahabol ko hininga ko, maari din na puro stress ang isip ko..  i need medical treatment talaga ganun na din sa psychological at spiritual..
If you can fight, FIGHT.. HELP each other, and be PREPARED for everything..

charliehouse

  • Guest
Re: Nightmare.. Get rid of it!
« Reply #15 on: October 22, 2009, 09:50:03 pm »
Uminom ka. mag-yosi ka bago matulog helps you relax...

Kade Lara

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 310
  • Karma 1
  • Gender: Male
Re: Nightmare.. Get rid of it!
« Reply #16 on: October 24, 2009, 05:59:59 am »
Uminom ka. mag-yosi ka bago matulog helps you relax...

tinigilan ko na po magyosi, grabe palpitation ko after magyosi e..
If you can fight, FIGHT.. HELP each other, and be PREPARED for everything..

gobilam

  • 2006 Vanguards
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 132
  • Karma 1
Re: Nightmare.. Get rid of it!
« Reply #17 on: October 24, 2009, 07:47:56 am »
Bago ka matulog try mo magisip ng ibang bagay na pwede mong gawin para hindi mangyari yung sa panaginip mo. Gaya nung nakipagsuntukan ka sa leader ng "3rd Eye", bago ka matulog isipin mo nung magsusuntukan na kayo tumakbo ka nalang pauwi ng bahay mo.

May napanood akong documentary tungkol dyan, ang "dream" ay isang paraan ng utak para di tayo masiraan ng ulo, di ba pag nagka problema tayo pagkagising mo parang nabawasan at magaan na ang pakiramdam mo kahit na alam mong may problema ka pa rin?

Try mo panoorin yung "Science of Sleep", para di na ko mag elaborate.  ::lmao