Bastos tong si Willie at Joey eh... pero nag eenjoy naman ako kapag napapanood ko sila, kase okey na entertainer tong mga to...
Pero dapat hindi sila sa noontime show.., dapat pang hating gabi mga show nila ng sa ganun eh hindi sila napapanood ng mga bata...
Ang korni lang dito eh, ang SISTEMA natin kase porke gustong gusto natin ang isang programa eh sasabihin natin panget yong sa kabila.. Hanggang sa kung anu ano na sasabihin na kesyo bastos, tanga or bobo yong si ganto na taga kabila...
AYAW na lang nilang tanggapin na may PAGKAKAIBA tayo ng PANLASA...
Aaminin ko na mas gusto ko pinapanood WOWOWEE pero di ko sinasabi na mas maganda ang WOWOWEE kesa EAT BULAGA
kase alam ko na madaming mas gusto ang EAT BULAGA kesa WOWOWEE...
Aaminin ko rin bastos nga si Willie R. sa aking pananaw, pero di ko sinasabing MAS bastos si Joey kase marami din magsasabi na MAS bastos para sa kanila si Willie R.
Hanggat tayong mga tumatangkilik sa kanila ay di matutong rumespeto ang dalawang yan ay di titigil kase nga diba, TAYONG manonood daw INSPIRASYON nila...