Hi guys! magshare lang ako ng nangyayari sakin.. at alam ko espiya to the rescue lang ang kailangan! para mabawasan ang ganitong nangyayari sakin..
Way back in to 2nd year high school, sabihin natin ito ang mga edad na nasa kasalbahihan ako.. lagi ko kaaway mommy ko, lagi ako wala sa bahay after school.. dito na din nagstart mga bisyo ko like sigarilyo
at alak
..
Isang araw.. habang umiinom kami ng bestfriend ko sa labas ng kanilang bahay, may grupo ng mga kalalakihan na tinatawag nila ang kanilang grupo na "3rd eye" ayun sa pagkakasabi sakin ng bestfriend ko.. so syempre bata pa ako noon at natawa sa nalaman ko, may impluwensya na ako ng alak kaya naisipan kong pagtripan sila sinigawan ko sila ng "Mga 3rd eye! nakakakita ba talaga kayo ng multo?" sabay tawa ng malakas.. hindi namin nakita ng kaibigan ko na sobrang dami pala nila.. hanggang sa sumugod sila sa bahay ng friend ko ang problema dalawa lang kami ng kaibigan ko at wala na iba kahit pamilya niya.. sumugod sila at pinag babato ang bahay ng kaibigan ko..
Hanggang sa nakipagsundo na lang kami na makikipag suntukan ako sa leader nila one on one (natatawa ako sa ugali ko nung bata pa ako hahaha..
) ayun nakipagsuntukan ako nung una hirap ako gawa ng mabilis pero nakapitan ko at pinag heheadbutt ko.. nahilo at hindi na makapalag hanggang sa tinutukan niya ako ng pen gun sa mukha, ang hindi niya alam ay nakapgsilid ako ng 38 revolver sa likod ng aking pantalon.. walang dalawa dalawang isip ay nailabas ko ito at naitutok sa kanya at pinutok sa my hita nya, napa igtad din ako gawa ng lakas ng impact.. nagtakbuhan silang lahat hila hila ang leader nila, at ng oras din na yun kinuha ng isang lalaki ang hawak kong baril na pinsan pala ng bestfriend ko, tinago niya ang baril saka ako pinatakbo pauwi sa bahay..
Sa paguwi ko sa bahay ay kinuwento ko kagad sa nanay ko na nakabaril ako at ayun nakatikim ako ng sampal, nilagay niya lahat ng damit ko sa isang bag.. at pinahatid ako sa tito ko sa rizal.. kinabukasan meron na akong ticket papuntang probinsya namin.. tinago ako ng pamilya ko dun ng halos isang buwan..
Bago man ako umuwi sa manila.. gabi na noon at natutulog na ang lahat.. madaling araw, nagising ako na parang may tao sa labas, sinilip ko siya sa ilalim ng pinto.. may nakita akong guy na paikot ikot ang galaw.. ng buksan ko ito nawala na siya..
Umuwi na ako sa manila at hindi na kami nakatira sa dati naming tinitirahan.. dito na nagsimula ang aking BANGUNGOT.. ilang taon ko ng pinagdadaanan ito, sa pagtulog ko, magsisimula akong magising at hindi makagalaw.. at makikita ko na lang ang lalaki na parang anino na siyang nakita ko noon sa probinsya namin.. kagabi lang ay nandiyan siya sa tabi ko.. ng makakilos na ako nawawala na siya..
Guys, nahihirapan na kasi ako sa bangungot ko.. laging ganito, ok naman ako sa pagkain ko.. nakakatuwang isipin na isa akong nurse pero hindi ko maresolba ang problema kong ito at umabot pa ng taon..
Baka meron kayong ginawa para mawala ang inyong bangungot.. alam ko matutulungan niyo ako..
Maraming salamat at Godbless!