I quote ko nalang dito yung sinabi ko sa kabilang thread.
Im from Davao pero di ko nagustuhan yung ginawa niya.
My father is also a Sheriff here in Davao, pero isa isip natin na iba ang Sheriff ng Pilipinas sa Sheriff sa ibang bansa tulad ng US. Sa US kasi may power ang Sheriff na humuli, dito sa atin wala. Their job is to just deliver the court order, Yes they have the power but still they are just the representative of the court. Kumbaga sila lang yung kartero ng korte. Tama yung punto ni Mayor na hintayin nalang muna siya para maging peaceful yung demonstration and I admire the Dutertes for having that kind of charisma sa masa na maniniwala sa kanila yung masa.
Isipin mo yung part ng Sheriff pag hindi na serve on time yung court order siya pa yung pwede makasuhan ng judge at mawawalan pa siya ng trabaho, pag di naman niya sinunod yung pakiusap ng Mayor siya rin ay mapapagalitan at yun nga nasapak pa. In short, wala namang ginawang kasalanan yung Sheriff, hindi naman siya kriminal. Sa tingin ko lang hindi siya dapat sinapak at pinahiya sa harap ng maraming tao dahil ginawa lang niya trabaho niya. Akoy naawa lang sa Sheriff kasi tintrato siyang parang kriminal.
Mas lalo akong naawa sa sitwasyon niya ngayon kasi di siya kayang i defend ng Judge na nag hain ng order, di rin siya makapag file ng kaso dahil sa Mayor nga naman kalaban niya, at mawawalan lang siya ng trabaho. Siya na yung napahiya siya pa yung naiipit ngayon.
Additional info lang, father-in-law ni Mayor Sarah Duterte-Carpio yung judge Carpio na naghain ng court order.
Im a fucking Duterte supporter all the way, pero di ko nagustuhan yung ginawa ni Mayor Sarah. And before mag comment yung mga ka espiya natin about dun sa Sheriff, give yourself a time at alamin ang duties and responsibilities ng Sheriff sa Pilipinas. At remember, there is a thing called SEPARATION OF POWER sa ating bansa. Sa mga hindi nakakaalam, it is the Judicial, Executive, and Legislative. Kaya kung titingnan mo ang batas the command na dapat sundin ng Sheriff is from the Judge not from the Mayor.
I may have been too technical on explaining my point, pano na yung mga idedemolish san sila titira? Di na ba pwedeng mapakiusapan nalang eh 2 hours lang naman yung hinihingi eh. Tama! Pero does it give the Mayor the license na sapakin at ipahiya yung tao? Well, kung si Digong (Rodrigo Duterte) yun maraming Putang Ina Gago etc. lahat ng mura matatanggap ng Sheriff pero hanggang dun lang yun, iba na pag physical at binaboy ka sa harap ng maraming tao.
Pano naman kung sinunod ng Sheriff yung pakiusap na maghintay ng 2 hours? He will then be questioned by the Judge why the execution was late, alangan naman i rarason niya na nakiusap yung Mayor eh may separation of power nga na tinatawag, invalid reason parin yun.
Punto ko lang naman dito eh, wag natin isisi sa Sheriff yung nangyari, kung tutuusin trabaho lang nila ginagawa nila. Baka may komisyon? itataya mo ba buhay mo para sa kakarampot na komisyon lang? Eh baka yung judge pa possible magka komisyon.