Well, pinaglumaan ng Russia yan so I guess, tinanggal ng Russia mga armaments nyan nun dineliver nila sa China. Para din yan yun pinaglumaan ng US na binili ng Pinas recently at ngayon eh pinangangalandakan ni Mr. Benigno Simeon na para bang malaki na nyang achievement ng pagpunta sa US.
Anyway, I am sure unti unti ng gumigising ang pagkamakabayan ng marami nating kababayan at naghahanda na rin upang makabili ng mga gamit pandigma ang armed services natin. Marami naman tayong pera pambili, ang problema lamang eh halos lahat ng opisyal ng gobyerno ay gustong makialam sa pagbili dahil sa inaasahang commission. Sa mga nagsasabi na wala tayong pera, dyan kayo mali. Napakaraming paraan ng pamahalaan ng paglikom ng pera nguni't di yata marunong mag isip ang marami nating "lider" daw. Maybe, one way is for the AFP to sell the present site of Camp Aguinaldo and transfer the camp to either Dona Remedios Trinidad or Norzagaray. Anyway, meron ng MRT na itatayo papunta sa mga lugar na ito. Mga 200 hectares ang Camp Aguinaldo and that is 2,000,000 sqm which at minimum P50,000/sqm is roughly USD2.2 Billion. Pwede na panimula yan bumili ng fighter jets maski segunda mano. Tapos, ibenta rin ang site ng National Penitentiary which at 200 hectares may fetch more than P50,000/sqm. Ngayon, kun ang desisyon ng pagbenta ay isangguni muna sa isang "research" or "pag aaral" (which is a euphemism na mag arrange muna ng komisyon sa prospective supplier), siguradong tapos na ang term ni Mr. Benigno ay di pa nakapag decide kun ano ang gagawin. Exigencies demand quick decisions. Kailangan ng ipakita rin sa China na di tayo nagpapabaya sa defense ng ating bansa and that will convey that political message.