Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Istorya ng puta  (Read 1768 times)

kurugu

  • Active - Three Stars
  • ***
  • Posts: 303
  • Karma 11
  • Gender: Male
  • i hate myself, i want to die
Istorya ng puta
« on: September 14, 2008, 12:55:58 am »
nabasa ko po, share ko lang...

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako.Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako daw angpinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Angbango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko nga alamkung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.

Halika at makinig ka muna sa kwento ko.

Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit.Sikat ka sa lahat, virgin eh! Tinanggap ko namansilang tao, bakit kaya nila ako ginago? Masakitalalahanin, iniisip ko na lang na kase di sila tagarito, siguro talagang ganoon. Tatlong malilibog naforeigners ang namyesta sa katawan ko, na-rape dawako?

Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang diko makakalimutan. Parang maski di ko ginusto ang mganangyari, hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan nya kasiakong makalimutan yung mga sadistang Hapon atKastilaloy. Kase, ibang-iba ang hagod niya. Umiikotang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. Ibang klasesiya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at angmga naging anak ko.

Parating ang dami naming regalo - may chocolates,yosi, at ano ka… may datung pa! Nakakabaliw siya, alamkong ginagamit nya lang ako pero pagamit naman akonang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-Ingles, dilang magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, satuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhanko. 'Yun nga lang, lahat ng bagay may kapalit. Nunginasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal nasosyal kami.

Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya.Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun palaunti-unti niya akong pinapatay. P*** ng I**! Sa daming lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik naakong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tangako. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga anak ko,napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula.

Masyado na kaming nasanay sa sarap ng buhay nanaranasan namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sautang, kulang ata pati kaluluwa namin para ibayad samga inutang namin.

Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay namin.Ayun, mga nasa Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anakko. Yung iba nag-US, Europe. Yung iba ayaw umalis saakin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya daw sapiling ko, maski amoy usok ako.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan angkalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko nanamamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi kopara sa punyetang kinabukasan naming lahat. Dumatingang panahon na di na kami halos makaahon sa hirap ngbuhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa atsarap.

Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, angtuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin namalinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magigingkasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mga anakko. Hindi pala. Ang tanga ko talaga. Binugaw ako ngsarili kong mga anak kapalit ng kwarta atpansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa.

Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko saaking mga anak. Wala akong ibang yaman kundi ganda ko.Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, bastamaginhawa lang ang mga anak ko.

Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. Maynanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kase angisang magandang tulad ko.

 Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kasoang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ngpalaki. Kulang na kulang. Paano na lang ang mga anakko naiwan sa aking punyetang puder? Baka di na akobalikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak.Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko,madama ko lang ang pagmamahal ng mga anak ko. Malamannila na gagawin ko ang lahat para sa kanila.

Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda parin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapagusapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sasalamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na langang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling ngang mga anak ko, namamayagpag kahit saan sila pumunta.Mahusay sa kahit anong gawin. Tama man o mali. Proudako sa kanila. Kaso sila, kabaligtaran angnararamdaman para sa akin.

Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakitsa akin. May malasakit man, nahihilaw. Ni di nga akokinikilalang ina. Halos lahat sila galit sa isa't isa.Walang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Ang dami kong pasakit na tiniis pero walang sasakit pa nungsarili kong mga anak ang nagbugaw sa akin. Kinapitalang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay sasarap ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, nihindi ko na nga kilala ang sarili ko.

Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ngmga anak ko. Ilang buwan pa, magbabagong taon na.Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usapusapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mgaanak ko. Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglabannaman nila ako. Gusto kong isigaw: "INA NINYO AKO!MAHALIN NYO NAMAN AKO!"

Salamat ha, pinakinggan mo ako.

Ay sorry, di ko pala nasabi pangalan ko.

PILIPINAS nga pala pangalan ko...

Kabute

  • Proud member of K.K.K.E. Clan
  • Banned - Terms Violation
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3115
  • Karma 157
  • Pagkakaisa ng lahat ng magka-Brad
Re: Istorya ng puta
« Reply #1 on: September 14, 2008, 01:22:31 am »
well...well...well... toast::


rAvEnShAwNâ„¢

  • The One and Only Grim Overlord of PinoySpy
  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 543
  • Karma 5
  • Gender: Male
  • "The True Blooded Espiya"
Re: Istorya ng puta
« Reply #2 on: September 14, 2008, 01:38:28 am »
very well said.  toast::. kawawa naman talaga ang Pilipinas. Kailan pa ba tayo aasenso

My Gears:
Nikon D300s + 18-105mm VR + 18-200 VR II + 85mm f/1.8 +  Tokina 11-16mm f/2.8
MB-D10 Battery Grip
Nikon SB900 Speedlite
Tamrac Velocity 5767 Camera Bag
Vivitar II Tripod

leightot

  • Pioneer VIP
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 7234
  • Karma 270
  • Gender: Male
  • BEA SUZY! ftw
Re: Istorya ng puta
« Reply #3 on: September 14, 2008, 02:55:25 am »
medyo luma na to hehe

kurugu

  • Active - Three Stars
  • ***
  • Posts: 303
  • Karma 11
  • Gender: Male
  • i hate myself, i want to die
Re: Istorya ng puta
« Reply #4 on: September 14, 2008, 06:08:38 pm »
medyo luma na nga cguro yung kwento pero buhay na buhay pa rin ung issue hehe.

Erotomania

  • Espiya Drummer
  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 8606
  • Karma 288
  • i wish i had an angel
    • www.moderndrummer.com
Re: Istorya ng puta
« Reply #5 on: September 14, 2008, 06:19:54 pm »
hay naku.... kahit anong gawin natin, hanggat anjan ang mga makakapal ang mukha katulad ni gloria, lubog na lubog pa din ang pilipinas  >:( >:( >:( >:(

kurugu

  • Active - Three Stars
  • ***
  • Posts: 303
  • Karma 11
  • Gender: Male
  • i hate myself, i want to die
Re: Istorya ng puta
« Reply #6 on: September 14, 2008, 06:26:24 pm »
hay naku.... kahit anong gawin natin, hanggat anjan ang mga makakapal ang mukha katulad ni gloria, lubog na lubog pa din ang pilipinas  >:( >:( >:( >:(

Nga e, halos sipsipin na nga ni gloria ung ass ni bush pra lang makakuha ng suporta sa U.S. wawa naman ang pelepens..tsk.tsk.tsk

mollusk

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 104
  • Karma 0
Re: Istorya ng puta
« Reply #7 on: September 14, 2008, 09:44:06 pm »
True story... smoking::