Naniniwala kami sa mga gantong premonition like sukob, yung mga walang ulo sa picture or pagnakitang walang ulo ang isang tao. Well, dati nung inatake (high blood kasi father ko then that time kumain siya ng balot at kung anu-ano pagod pa sya that day) ang father ko ng madaling araw sa probinsya namin inabot siya sa isang medyo may kadiliman na lugar pero meron konting ilaw. Nung inaassist na siya para isakay sa sasakyan merong isang taong nagsabi na family friend namin na nung mga nangyayari na daw na medyo nahihirapang huminga at masakit dibdib ng erpats ko, nung pagtingin daw niya sa muka, walang itsura. As in parang binura ang muka. Then nung itinatakbo na daw sakay ng tricycle eh sobrang hirit/bilis na daw nung trike pero parang ambagal-bagal pa din. To cut my story, 36 hours later namatay erpats ko. July nun eh. Take note nung dumating yung kabaon ng tatay ko, umuulan that time hanggang sa libing niya. Nakidalamhati kasi ang langit dahil sobrang bait ng tatay ko. Way back, 2002 pa ito i'm only 12 y/o. At nagpakita din erpats ko sa mga pamangkin ko. Takot na takot mga kapatid ko. Sa mga kapatid ko naman, hanggang panaginip lang pero sakin NEVER kasi alam niya duwag ako. Hahahahaha!