@yamatoyukihiro
I'll share the way I see this whole thing.
Nung bumalik si Floyd after his retirement, kung tama pagkakaalala ko ang sabi niya na siya daw ang tunay na pound for pound king kaya gusto makalaban yung current na may hawak nung title na yun which is Pacquiao. His comeback fight against Marquez was probably just to gauge where his skill level was, which proved to be not the same as how it was before he retired but he might thought that it wasn't off by that much.
Bakit ko naisip yun na ganun iniisip niya? Dun kasi nag-umpisa ung pangttrashtalk niya kay Pacquiao after ng laban niya kay Marquez. Tapos nagkaroon ng negotations kaso di nagkasundo dahil nga sa Olympic style drug test. Hindi na natuloy ang laban at si Mosley na lang kinalaban ni Floyd (Clottey naman kay Pacquiao). After nung laban niya kay Mosley, maganda nga na hindi natuloy yung laban kasi kung natuloy yun malamang talo si Floyd. Then after nung laban na 'to, wala na akong maalala na nagtrashtalk pa si Floyd. At tingin ko dahil yun sa laban niya kay Mosley na naisip niya na hindi pa siya handang harapin si Pacquiao. Sumunod na nga yung long vacation niya. Correct me if I'm wrong ang narinig ko na lang sa kanya ay yung $100m demand niya.
Base dun sa mga observation ko, maaaring ung long vacation niya ay hindi talaga vacation kundi preparation for Pacquiao along with fighting a southpaw. As I've said in an earlier post, I'm looking forward to see the Mayweather-Ortiz as it would probably confirm or gave a hint on whether Floyd is really making preparations or not for his
possible fight against Pacquiao.
And that last part, ano ba ginagawa/ginawa ni Floyd? Insulto ba? Sa nakikita ko, trashtalk lang yun (insulto = personal, trashtalk = laro). Ngayon lang ba sila nakaranas ng trashtalk? Kung trashtalk lang din ginagawa nila, then my apologies. Kaso ung iba dito, personal na ang atake na di nila matanggap kapag di nagyayabang si Floyd. Ano hindi nakakasuka sa ganyang ugali?
--
@subicboy
Hindi natalo si Pacquiao ni Marquez? Lol. Panoorin mo nga ulit. Panalo dapat si Pacquiao sa unang laban (imbes na draw) at
talo si Pacquiao sa pangalawa. At tungkol dyan sa weight class, pumunta pa dito sa Pinas si Marquez para bigyan siya ng rematch after nung 2nd fight nila. Kung tama pagkakaalala ko, pumayag din siya na umakyat ng weight class kung saan komportable si Pacquiao pero di siya pinagbigyan.
Mas mabilis si Pacquiao kaysa kay Floyd? Malakas sumuntok si Floyd? Lol. Hindi ka nga talaga bias.
--
@gardov
Kung sa tingin mo ay hindi tama ang nabasa mo, e di ibigay mo ang opinyon mo at rason kung bakit sa palagay mo ay hindi tama ang opinyon nila. Pero ang sabihing makikitid ang utak dahil sa ang opinyon mo ay hindi kaparehas ng sa iyo ay panlalait. Isipin mo na sa isang diskusyon, may mga opinyong nagkakaiba. Para maging hindi bayolente ang paguusap, dapat mga salitang may respeto ang ibigay mo at hindi mga salitang alam mong makakapag umpisa ng argumentong puro personalan at nawawala sa punto ng usapan.
Sinabi ko na ang opinyon ko kung bakit sa tingin ko mali ang iniisip nila (yung tanong na nilagay ko). At wala akong sinabi na makikitid ang utak nila dahil lang iba ang opinyon nila sa opinyon ko. Ang sinabi ko lang mag-isip kahit minsan lang wag puro pride pairalin (sinabi ko ito as an advice and not as an insult). Kung respeto lang din ang pag-uusapan, sila ang sabihan mo wag ako. Sila etong kung umasta ay parang ininsulto buong pagkatao nila na ganun na lang galit nila kay Floyd.
Obviously, magkakaalaman na lang kung mangyari na...pero hindi ito mangyayari.
Sa 16 months na yon, bakit kung kailan pumirma si Pacquiao para kalabanin si Marquez, saka naman ang pirma ni Floyd para kalabanin si Ortiz.
16 months na naghintay si Pacquiao para pumirma si Floyd sa kontrata. Also, 65 million dollars was offered to Mayweather para labanan si Pacquiao. What did Mayweather do? The usual, he made some ridiculous demands ulit... like instead of 65 million, he asked for 100 million dollars.
Para siguro subukan muna kung nasa kondisyon na siya na kayang labanan si Pacquiao (na sa tingin ko ay dahil dun sa laban niya kay Mosley na hindi niya kaya si Pacquiao kung ganun lang kaya niya). Tulad ng sabi ko, magkakaalaman na lang pagkatapos ng laban niya kay Ortiz (kapag natalo siya kay Ortiz, mas maganda kung wag na lang niyang labanan si Pacquiao).
At yang $100m na demand, that was made last March pa (
link). Yung sinabi niya na lalabanan niya si Pacquiao (excluding the first one) ay nung last week lang ng June.
At yang pag-iwas niya kay Pacquiao (with that offer), was his best option. Kitang-kita sa laban niya kay Mosley na hindi pwedeng ganun ang attitude niya (maging bara-bara) kay Pacquiao. Mas magandang subukan niya muna sa iba kasi baka masayang lang.
--
@juan pablo
Ang pinupunto ko lang kay Diaz ay dun pa lang sa comeback fight niya ay parang sinabi niya na agad na wala lang siya at ang laban niya kay Pacquiao ay parang
formalities lang. At ginagamit ko yang puntong yan na maganda na hindi natuloy ung dapat sana ay laban ni Pacquiao at Mayweather DATI kasi sobrang sayang lang ang matchup nila kung ang kahahantungan ng laban nila ay yung katulad ng kay Pacquiao at Diaz (hindi kasama ung issue nung pagiging undercard niya).
As for being biased, I define it as being inclined on one side with complete disregard of the other. In my case, I considered both but I find the other to be quite unreasonable. As far as definition is concerned, I'm not being biased.