Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: describing my father  (Read 2792 times)

kcl_ivpush

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 141
  • Karma 0
describing my father
« on: June 04, 2009, 11:37:03 pm »
kung yung ibang tatay, ok na husband, ok na father..yung akin niether of the two, minsan narinig ko nga pinangalan niya ako sa mortal niyang kaaway eh! nagkataon lang na jeric din ang pangalan nun at sakin ay jeric kristoffer. ewan ko ah.. narinig ko lang naman eh..

kanina lang, sinabihan niya ako ng "lalagyan ko ng ekis ang mukha mo at lalagyan ng marka leeg mo!! tignan ko lang kung may mukha ka pang ihaharap pag alis mo!!" hehe kasi di ako nagpaalam para magdota sa kanya.. galit na galit siya pag dating ko! next time daw mag paalam ako.. paano ba naman.. dati kasi pag nag paalam ako sa kanya.. sinabi niya na..

"pumunta ka kung saan mo gusto pumunta, pag may nangyari sa yo, dun ka sa mga kasama mo mag pahospital!!"

oh diba.. ang sweet!! madami pa siyang nasabi sakin na masasakit, nakakadurog ng puso, pero nakalimutan ko na..

bata pa kasi ako noon, at minamaltrato niya ko, i have scars to prove it, im one of the kids who suffered this kind of fate, minsan after niya akong muntikan patayin (actually yung iba muntik ko nang ikamatay) pumunta ako sa banyo habang umiiyak sinabi ko sa sarili ko, "balang araw pag lumaki ako, at kung lalaki pa ako ng malaki pa sa iyo, ikaw naman ang bubugbugin ko, hanggat mag makaawa ka sakin.." yung ang nasa isip ng isang 5 taong gulang.. pero iba na ngayon.. i understand it very well and natanggap ko na.

makulit kasi ako nung bata eh, pero nga ayon sa develomental tasks natin, likas saatin ang pagiging makulit.. ako pag nagiging makulit, i end up getting beaten up by him, the one that i thought na magiging haligi ng aking pagtanda. siya pa mismo ang aking kinatatakutan, siya pa mismo ang di ko masabihan about boys stuffs, siya pa mismo ang hindi ko naramdamang tatay.

nung nalaman ko ang history niya, siya rin pala, binubogbog ng nanay niya, minamaltrato, yung mga old school na maltrato like tinatali sa langgaman, yan ang mga naranasan niya.. yung akin high tech na. uso na kasi ang sabitan noon, yes, sinabit niya ako sa may kisame na nakatali ang leeg ko, buti nalang dumating yung tita ko, oo kaya pa ko nakilala dahil sa tita ko..

noong 7 years old pa ko., where growth and developmental tasks were critical at these times, at kung saan ang ang anal sphincter ko ay hindi pa intak, madalas akong mag fecal smearing sa underwear ko, evertime na makikita yun ng tatay ko, im dead,. umabot sa worse case scenario na ginulpi niya ako sa school ko, sa harapan ng mga kaklase ko, pinakain ang shit ko tapos non pinatayo ako sa kanto namin ng hubad habang nakakwintas ang brief na may tae at pagkatapos ng 2 oras na nakatayo ako kuniha niya ko at akala ko tapos na, di pa pala.. nilublob niya ako sa drum na pinang huhugas ng makina ng saakyan.. napakalamig dun.. buti nalang nakita yun ng lola ko(yung bumobugbog sa kanya dati) at inahon ako..kaya nakilala mo pa ko..

verbal, physical and mental abuse.. name it.. ive been to it.. 

minsan i envy those people na wala ng tatay, or patay na, i wish mine was... pero careful what you wish for diba, pero bahala na,


laces522

  • KEEP IT NAUGHTY NOT TRASHY BUT NASTY!
  • Certified SpyGirl
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 4309
  • Karma 27
  • Gender: Female
  • Be wary cause i am a feline..sly,foxy and cunning!
Re: describing my father
« Reply #1 on: June 04, 2009, 11:44:45 pm »
wow....what a trauma you have gone through....when he is already weak and sickly ,marerealize nya mga ginawa nya masama...maybe it is too late na , by that time... pero i know he will suffer for all the things he had done....sabagay di natin mapipili ang magulang natin...ang prayers ko na lang for you is sana mag end na yung cycle na ito sayo....wag mo na gagawin to sa mga magiging anak mo...hope you will do the opposite to your kids...or future kids...

TakeYouDown

  • For Evil to Triump is for Good Man to Do Nothing
  • 2009 Cavaliers
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 896
  • Karma 0
  • Gender: Male
  • Live for Nothing Fight For Something
Re: describing my father
« Reply #2 on: June 04, 2009, 11:53:40 pm »
dude dont worry matatapos din yan!!

just pray and everything will end up fine..

si tropa na bahala mag parusa sa kanya!!

stay safe and godbless!!!

laitzu

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3254
  • Karma 23
  • Gender: Male
Re: describing my father
« Reply #3 on: June 05, 2009, 12:04:48 am »
siguradong ang lalim ng sugat na dala ng mga yan sayo.. whew..

i know someone who was also tough with his kids na dumating sa punto na everytime na nagkakamali yung mga anak nya eh napapaihi na lang sa salawal sa sobrang takot sa susunod na mangyayari.

ang nangyari naman sa kakilala ko eh, he learned from his mistakes at nakahingi ng forgiveness sa mga anak nya... sa ngayon ok na ang relationship nilang mag-ama.

sa kaso ng tatay mo, inulit nya lang sayo yung naranasan nya nung bata pa sya.. at yan ang sin ng inner vows.
( http://www.godspeak.net/teachings/teach10.html)

buti na lang narecognize mo at nalaman mo yung pinagdaanan ng tatay mo..

sana lang and i pray, na matigil na sayo yang pagmamalupit ng tatay mo.. ika nga ni maam laces.. break mo yung cycle.. kasi kung hindi hanggang sa kaapu-apuhan mo dala-dala yang generational sin na yan..
Get $50 to start/Earn up to $20/day/Earn $5 per referral


Khaye Garcia

  • Why be self conscious about something you can't change?
  • Certified SpyGirl
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 6161
  • Karma 2
  • Gender: Female
  • Maglaway ka!!
    • Khaye Garcia
Re: describing my father
« Reply #4 on: June 05, 2009, 12:18:46 am »


you really are a good writer. i love the way how you compose your posts and for that  finger4u thanks for sharing!!!


"Some live at peace with themselves and with those around them. Some on the other hand, have no peace within themselves, and they seem determined to ruin the peace of others.

boin_bias

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 870
  • Karma 0
  • Gender: Male
  • Be modest, humble, simple. Control your anger.
Re: describing my father
« Reply #5 on: June 05, 2009, 12:19:48 am »
sorry to hear your story tol..sabi gna nila pray mo lang.walang imposible sa kanya..then take what you been through para guide mo na maiwasan mo yun lahat pag ikaw na ang padre de pamilya..this is what life taught us.its up to us kung panu natin yun i aaply sa buhay natin..wag ka magtanim ng galit,cause hate leads into worst scenario..wag mo sirain ang buhay mo to stock up sa galit..ask special counseling para mas lalo ka malinawan..
You are stronger than you seem, smarter than you think...

kcl_ivpush

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 141
  • Karma 0
Re: describing my father
« Reply #6 on: June 05, 2009, 02:10:08 am »
laces522
-yah, ill break the cycle. gusto ko kasi yung anak ko.. bonding kami eh.. yung walang gap. masarap kasi eh pag ganon..

takeyoudown
-pinagppray ko lagi.. thanks pare

laitzu
- deep talaga.. thanks.. na inspire ako sa story.. pero malabo sa situation ko yan. mapagtanim ng galit ang erpat ko.. at hindi marunong humingi ng sorry. pero.. gagawa ng paraan si lord dyan

khaye garcia
-thank you..! :)

boin_bias
-thanks pre.. oo alam ko kung gaano kasakit.. kaya di ko ggwin sa magging anak ko yan




naalala ko sabi nya "..pasensyahan tayo.. ako naging tatay mo eh"

san ka pa pare!


â„¢Dj_FunkyBurnâ„¢

  • 2006 Vanguards
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 117
  • Karma 2
  • Gender: Male
  • I don't need your attitude i have one of my own
Re: describing my father
« Reply #7 on: June 05, 2009, 02:33:29 am »
pareho tau bro ng erpat, erpat ko masyadong perfectionist unting pagkakamali ko lang nakikita nya agad samantalang di nya muna tignan ung sarili nya kung my ginagawa siyang mali wala siyang pakialam sa mga anak nya kung nakakain na ba basta ang importante siya nakakain na.3 years na siya walang trabaho todo asa lang sa mom ko na nagpapakahirap magtrabaho sa ibang bansa minsan nga nasagot ko cya sabi ko "kung jan sa bisyo my kinikita ka eh d sana wala kang naririnig sakin ngayon" pero ayun dedma lang siya di naman makapalag mas malaki ako sa kanya eh! 

namster

  • Living under the ESPIYA blood in my veins....
  • Knights of PS
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3942
  • Karma 365
  • Gender: Male
  • Espiya Loyalista Forevah!!
Re: describing my father
« Reply #8 on: June 05, 2009, 02:36:24 am »
buti nga ikaw ganyan.. ako, walang kasalanan sa ama ko pero NEVER AKO ITINURING NA ANAK.. simula pagkabata ay di na niya ako itinuring na anak.. ang tawag nya sa akin ay "lalakeng lampa, bobo, tarantadong anak, inutil na anak".. lahat yan ay nakamarka sa dibdib ko..

year 2004, inatake sya sa puso.. sino ang tumulong sa kanya? WALANG KWENTA NIYANG ANAK!! AT AKO YUN!! umiiyak ang nanay ko sa harapan ko na kesyo inatake daw ang ama ko, ano ang sagot ko: bakit kayo umiiyak? buhay pa naman ang demonyo?" wag na kayong umiyak dyan, peke naman yan.. pera lang ang katapat ng iyak nyo! eto pera at manahimik na kayo, papasok pa ako sa opisina... sabay alis..

hanggang ngayon ay dala ko pa rin ang sama ng loob ko sa magulang ko.. kaya pinapalaki ko ng tama ang anak ko.. ayokong matikman niya ang pagdurusa na inabot ko sa kamay ng sarili kong magulang...

at para sa magulang ko: magiging masaya ang buhay ko pag nakita ko na ang mga lapida ninyo...
Let the real blood of an espiya live once again in my veins...

TakeYouDown

  • For Evil to Triump is for Good Man to Do Nothing
  • 2009 Cavaliers
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 896
  • Karma 0
  • Gender: Male
  • Live for Nothing Fight For Something
Re: describing my father
« Reply #9 on: June 05, 2009, 03:30:46 am »
buti nga ikaw ganyan.. ako, walang kasalanan sa ama ko pero NEVER AKO ITINURING NA ANAK.. simula pagkabata ay di na niya ako itinuring na anak.. ang tawag nya sa akin ay "lalakeng lampa, bobo, tarantadong anak, inutil na anak".. lahat yan ay nakamarka sa dibdib ko..

year 2004, inatake sya sa puso.. sino ang tumulong sa kanya? WALANG KWENTA NIYANG ANAK!! AT AKO YUN!! umiiyak ang nanay ko sa harapan ko na kesyo inatake daw ang ama ko, ano ang sagot ko: bakit kayo umiiyak? buhay pa naman ang demonyo?" wag na kayong umiyak dyan, peke naman yan.. pera lang ang katapat ng iyak nyo! eto pera at manahimik na kayo, papasok pa ako sa opisina... sabay alis..

hanggang ngayon ay dala ko pa rin ang sama ng loob ko sa magulang ko.. kaya pinapalaki ko ng tama ang anak ko.. ayokong matikman niya ang pagdurusa na inabot ko sa kamay ng sarili kong magulang...

at para sa magulang ko: magiging masaya ang buhay ko pag nakita ko na ang mga lapida ninyo...

Pre advised lang ... wag ka sanang magagalit .. pamilya tayo d2.. tol alisin mo na hatred sa parents mo hindi para syo kundi para sa mga anak mo.. para maging gud example ka sa kanila..

to tell you the truet di ko nakilala tunay ko erpat tapos lumaki ako sa di ko tunay na magulang .. kaya nung una galit ak sa kanila but nung namatay erpat ko sa states naiyak din ako for 1 reason only.. sabi ko bat namatay sya ng di ko manlang  nakilala..


MANI-AL

  • Guest
Re: describing my father
« Reply #10 on: June 05, 2009, 02:36:27 pm »
Forgiveness
Is the mightiest sword
Forgiveness of those you fear
Is the highest reward
When they bruise you with words
When they make you feel small
When it's hardest to take
You must do nothing at all...
-- Jane Eyre.


may paraan ang lahat, sa sakit na nadanasan
emosyonal o pisikal, mental o espiritwal
ating amang nagpatawad s'ating lahing makasalanan
kahit ABB detainee nabibigyan ng kapatawaran

kaya mga katoto wag ng malumbay
isa lang ang sagot ESPIYA.NET na ating bahay..


*BOW*

KaMushroom

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1648
  • Karma 24
  • Gender: Male
Re: describing my father
« Reply #11 on: June 06, 2009, 02:17:42 am »
pareho tayo nang sinapit... akala mo eh sinong perpekto
 balang araw ako din bubugbug sakanya..
.

leightot

  • Pioneer VIP
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 7234
  • Karma 270
  • Gender: Male
  • BEA SUZY! ftw
Re: describing my father
« Reply #12 on: June 06, 2009, 02:33:00 am »
bigla akong naawa. na iimagine ko pinag daanan mo. :(

solmyr

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1568
  • Karma 0
  • Gender: Male
  • Rockman!
Re: describing my father
« Reply #13 on: June 06, 2009, 02:48:21 am »
Kung katulad ng kay Namster ang nadanas ko, malamang ganyan din mararamdaman ko.

Swerte din pala ako kasi kahit babaero at may lihim ang ama ko samin (which i already knew), okay pa rin kasi naging Provider talaga siya. Pero sa aming magkakapatid, ako ang bugbog sarado verbally at physically. Ewan ko ba. Ganun lang talag siguro siya sakin. Masyado niya akong mahal. Wahehehe! ^_^

Pero ang totoo, plastik lang ako sa tatay ko ngayon. May ginawa kasi siyang katarantaduhan sa buhay ko na hinding hindi ko mapaparatawad.

asanti

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1250
  • Karma 7
  • Gender: Male
  • WHO DARES WINS
Re: describing my father
« Reply #14 on: June 06, 2009, 02:51:48 am »
marami pala dito ang hindi maganda experience sa father nila, father ko tulad din ng father nyo at ng ma diabetes at putulan ng paa ako ang nag paospital ..nag kasakit at mamatay ...on his bed at the hospital i serve him having just arrive from abroad , he ask me why .. i answered you are my only father the way you treat me only make me strong and for that i thank you

i understand him and maybe just maybe i forgive him but what is important is i will never be like him on my children    
**

GOD GIVE US TWO EARS, TWO EYES, and ONE MOUTH so that we may look and listen twice but talk only once

boin_bias

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 870
  • Karma 0
  • Gender: Male
  • Be modest, humble, simple. Control your anger.
Re: describing my father
« Reply #15 on: June 06, 2009, 05:28:39 am »
marami pala tayo dito na may mga issue sa father..father ko may family ng iba..pag nagkikita kami parang balewala lang..na stroke nga siya timing nakauwi ako ng pinas sinabihan ako ng lola ko puntahan ko daw kasi malala yung sakit niya..sabi ko oo,pero hindi ako pumunta..alam mo yung feeling na father mo nag aagaw buahy pero wala kang pakialam..siguro sa isip ko dapat ko puntahan pero sa puso ko parang wala lang..sa awa nakarecover naman erpat ko..accidentally nagkita kami before ako umalis,ayun nakita ko kalagayan niya but still parang wala lang talaga sa akin..kais ganun yung pinamulat niya sa amin,wala siyagn pakialam..hindi niya kami masisisi kung wala rin kaming maramdaman sa nangyayari sa kanya..kaya pag ako naging tatay..i'll make sure na gagawin ko lahat para maramdaman ng mga anak ko ung pagmamahal ng ama..
You are stronger than you seem, smarter than you think...

jpetrucci_02

  • Guest
Re: describing my father
« Reply #16 on: June 06, 2009, 05:39:30 am »
Thank you sa inyong Lahat.. Dito paLa sa Espiya, marami akong katulad.

Lam nyu bang pinangarap ko pang mamatay na lang ang tatay ko.  Sa sobrang inis ko.. Kung may pera Lang ako, ipapapatay ko na lang tatay ko.. Hope you dont mind me pero ganun talaga ang pakiramdam ko.. Hirap makisama sa taong sobrang talino, utak ang ginamit na sandata, hindi puso.. Ayaw nya makinig sa akin, ang gusto nya ay siya lang ang pakikinggan.  Tao rin lang naman ako ah, nasasaktan din ako.  Ang galing din manisi ng iba, Lahat ng kamaLian nya, sa amin sinisisi.  Pag gusto nya ako kaawayin, mama ko ang pupuntiryahin, kasi hindi nya ako kaya, kaya ang mama ko ang inaaway.  Sang tatay ka makakakita ng ganyan, inaaway ang aking nanay na mahina na, at babae pa siya.  Kayo, ano rin pakiramdam nyo?..


~Muska~

  • *:--☆--:*:--☆:*:--☆--:*:--☆--:
  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1390
  • Karma 9
  • Gender: Male
  • ┌∩┐(â—£_â—¢)┌∩┐
Re: describing my father
« Reply #17 on: June 06, 2009, 05:49:10 am »
Thank you sa inyong Lahat.. Dito paLa sa Espiya, marami akong katulad.

 Hirap makisama sa taong sobrang talino, utak ang ginamit na sandata, hindi puso.. Ayaw nya makinig sa akin, ang gusto nya ay siya lang ang pakikinggan.  Tao rin lang naman ako ah, nasasaktan din ako.  Ang galing din manisi ng iba, Lahat ng kamaLian nya, sa amin sinisisi.  Pag gusto nya ako kaawayin, mama ko ang pupuntiryahin, kasi hindi nya ako kaya, kaya ang mama ko ang inaaway.  Sang tatay ka makakakita ng ganyan, inaaway ang aking nanay na mahina na, at babae pa siya.  Kayo, ano rin pakiramdam nyo?..



Ganyan din erpats ko... Sabi ko nalang sa sarili ko hinding hindi ko gagawin lahat ng ginawa nya samin...  smoking::


kcl_ivpush

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 141
  • Karma 0
Re: describing my father
« Reply #18 on: June 06, 2009, 10:00:00 pm »
pareho tayo nang sinapit... akala mo eh sinong perpekto
 balang araw ako din bubugbug sakanya..

na iicp ko din to eh hahaha! pero parang di tama.. hayaan ko nalang ang conshensha nya ang kakain sa kanya..

kcl_ivpush

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 141
  • Karma 0
Re: describing my father
« Reply #19 on: June 06, 2009, 10:01:23 pm »
bigla akong naawa. na iimagine ko pinag daanan mo. :(



marami na nagsabi nyan.. hehe thanks

kcl_ivpush

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 141
  • Karma 0
Re: describing my father
« Reply #20 on: June 06, 2009, 10:04:29 pm »
May ginawa kasi siyang katarantaduhan sa buhay ko na hinding hindi ko mapaparatawad.

ano yun pare?

kcl_ivpush

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 141
  • Karma 0
Re: describing my father
« Reply #21 on: June 06, 2009, 10:06:19 pm »
..i'll make sure na gagawin ko lahat para maramdaman ng mga anak ko ung pagmamahal ng ama..

taas mo pare! yan din ang balak ko! gusto ko magka bonding at higit pa sa ama ang relation namin.. barkada, tropa, kapatid.. basta! dapat dikit kami

kcl_ivpush

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 141
  • Karma 0
Re: describing my father
« Reply #22 on: June 06, 2009, 10:09:51 pm »
Thank you sa inyong Lahat.. Dito paLa sa Espiya, marami akong katulad.

Lam nyu bang pinangarap ko pang mamatay na lang ang tatay ko.  Sa sobrang inis ko.. Kung may pera Lang ako, ipapapatay ko na lang tatay ko.. Hope you dont mind me pero ganun talaga ang pakiramdam ko.. Hirap makisama sa taong sobrang talino, utak ang ginamit na sandata, hindi puso.. Ayaw nya makinig sa akin, ang gusto nya ay siya lang ang pakikinggan.  Tao rin lang naman ako ah, nasasaktan din ako.  Ang galing din manisi ng iba, Lahat ng kamaLian nya, sa amin sinisisi.  Pag gusto nya ako kaawayin, mama ko ang pupuntiryahin, kasi hindi nya ako kaya, kaya ang mama ko ang inaaway.  Sang tatay ka makakakita ng ganyan, inaaway ang aking nanay na mahina na, at babae pa siya.  Kayo, ano rin pakiramdam nyo?..





gulat din ako eh. dami pala tayong iisa oh halos mgkkpareho ng situation...

we have the power to stop this chain..

pilitin natin!!

tayo ang simula.. tayo ang tatapos.