Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Malakas ba ang depensa natin??  (Read 25575 times)

zaraki kenpachi

  • self improvement is masturbation...self destruction is the answer
  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1371
  • Karma 14
  • Gender: Male
  • pagmulat ng mata...langit nakatawa...
Re: Malakas ba ang depensa natin??
« Reply #25 on: July 28, 2007, 08:28:16 pm »
anong masasabi niyo sa depensa ng ating bansa???

mapapangalagaan ba tayo neto????      ??? ??? ??? ??? ??? ???

masasabi ko lang ay... meron pala tayong depensa militar???   
my country is the world and my religion is to do good

Ticonderoga

  • Pioneer
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 192
  • Karma 0
  • Gender: Male
Re: Malakas ba ang depensa natin??
« Reply #26 on: July 29, 2007, 02:50:53 am »
malungkot man isipin na ang ating mahal na Republika ay walang kakayahang ipagtangol ang sarili sa mga makabagong makenaryang pandigma ng ibang bansa...
"Sa Presinto Kana Magpaliwanag"

Zornhau

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1534
  • Karma 6
  • Gender: Male
  • Forever Alone
Re: Malakas ba ang depensa natin??
« Reply #27 on: July 29, 2007, 03:27:45 am »
Sa ngayon wala naman tayong kailangang alalahanin pagdating sa mga mananakop na bansa dahil US nalang at Russia ang kasalukuyang may kakayahang mag Island hop ng malawakang military operation at napaka-impraktikal naman kung tatangkain tayong sakupin ng China. At hindi rin kaya ng China na mag sagawa ng malawakang Amphibious assault sa ngayon dahil ayon sa sources ko kulang sila sa transport ships. Kaya man nilang mangbomba mula sa dagat at himpapawid. Para saan pa ito kung hindi mo rin naman kayang isecure ang sasakupin mo? Isa ring daw dahilan yun malamang kung bakit di pa sumusugod ang China sa Taiwan.

zaraki kenpachi

  • self improvement is masturbation...self destruction is the answer
  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1371
  • Karma 14
  • Gender: Male
  • pagmulat ng mata...langit nakatawa...
Re: Malakas ba ang depensa natin??
« Reply #28 on: July 29, 2007, 03:40:59 am »
ay dagdag din para kay mister zero1... ewan ko lang kung totoo to o hinde, pero since na mas may kaalaman ka sa history ng mga mandirigma natin at mga gyera...

totoo bang malapit na sana nating matalo ang mga kastila bago pa  tayo tinulungan kuno ng mga amerikano...

 may nabasa kasi akong artikulo na nagsasabing ang amerika daw ay binayaran na lamang ang mga espanyol para umalis sa pilipinas. hindi na tumanggi ang mga kastila sa dahilang ang intramuros na lamang ang hawak nila at nakahanda na ang mga barko nila para lumisan...
my country is the world and my religion is to do good

tigerwing

  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 950
  • Karma 54
Re: Malakas ba ang depensa natin??
« Reply #29 on: July 29, 2007, 03:50:59 am »
Sa ngayon wala naman tayong kailangang alalahanin pagdating sa mga mananakop na bansa dahil US nalang at Russia ang kasalukuyang may kakayahang mag Island hop ng malawakang military operation at napaka-impraktikal naman kung tatangkain tayong sakupin ng China. At hindi rin kaya ng China na mag sagawa ng malawakang Amphibious assault sa ngayon dahil ayon sa sources ko kulang sila sa transport ships. Kaya man nilang mangbomba mula sa dagat at himpapawid. Para saan pa ito kung hindi mo rin naman kayang isecure ang sasakupin mo? Isa ring daw dahilan yun malamang kung bakit di pa sumusugod ang China sa Taiwan.

The US is the only reason why Taiwan is still safe...

Kaya ng China mag "Island Hopping" sa mga karatig bansa... What is limited is China's capability to deploy its forces to europe or the US, pro kng within southeast asia lng I think kaya nila.. Meron na din silang mga Hi-tech wepons, kng matatandaan nyo dati nag test sila ng Anti-sattelite missile at may report din na may bagong ICBM daw sila.. Kanina lang sa Fox News pinakita na nababahala na ang US sa military build-up ng China.. and sinabi din na China might replace the US as the dominant force in the Pacific.. Also,  military analysts said (from onother show) that China has all the capabilities to isolate Taiwan.. The reason why they havent done it is because the US is backing Taiwan and that China do not want to risk a war with the US as of now..

Zornhau

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1534
  • Karma 6
  • Gender: Male
  • Forever Alone
Re: Malakas ba ang depensa natin??
« Reply #30 on: July 29, 2007, 05:20:16 am »
^^
They (People's Liberation Army Nay "PLAN") will probably not use their larger transportation vehicles on the first invasion wave to Taiwan and might only use it once they have secured the route to Taiwan, it was projected that they are going to use hundreds of their smaller transportation vehicles to minimize casualties on the water while ferrying the troops to Taiwan.
This will make it hard for China to send their MBTs on the front ASAP wherein once the invasion begins Taiwanese Battle tanks will most likely meet the invaders on the beach as Fire Support vehicles. I think China would still need to build up more on naval transportation to overwhelm the beach heads of Taiwan. They maybe are capable of Island hopping to Taiwan.. but with the help of the US to Taiwan... I believe China will still need to sit back and grow some more ships till they are ready.


ay dagdag din para kay mister zero1... ewan ko lang kung totoo to o hinde, pero since na mas may kaalaman ka sa history ng mga mandirigma natin at mga gyera...

totoo bang malapit na sana nating matalo ang mga kastila bago pa  tayo tinulungan kuno ng mga amerikano...

 may nabasa kasi akong artikulo na nagsasabing ang amerika daw ay binayaran na lamang ang mga espanyol para umalis sa pilipinas. hindi na tumanggi ang mga kastila sa dahilang ang intramuros na lamang ang hawak nila at nakahanda na ang mga barko nila para lumisan...

There was war between the Spanish and the Americans during that time... Spain's grip to the Islas Filipinas is loose due to the massive losses of the Spanish armada to the US.

Possible na kinulang na ng troops ang Spanish garrisons dito sa Pinas at na drain ang power ng Spain dahil sa gyera nila laban sa US.

But of course, ang mga revolutionaries ang lumaban dito sa Pilipinas laban sa mga mananakop na kastila... Naka-tikim ng Blitzkrieg ang mga Kastila noong panahon na yun sa mga pinoy noong matalo nila Dewey ang Spanish Navy. Siguro nawalan na ng moral ang mga Kastila, kaya naging sunod sunod ang talo nila sa mga pinoy noong padating na ang mga Kano.

Zornhau

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1534
  • Karma 6
  • Gender: Male
  • Forever Alone
Re: Malakas ba ang depensa natin??
« Reply #31 on: July 29, 2007, 05:29:41 am »
Quote
Landing Ship Tank (LST)

7 Type 072 Yukan class
9 Type 072II Yuting I class
9 Type 072III Yuting II class (+ more building)
Landing Ship Medium (LSM)

~31 Type 079 Yuliang class
13 Type 074 Yuhai (Wuhu-A) class
3 Type 073 I/II/III class
11 Type 073 IV Yunshu class


Ayan ang numbers ng mga Transport ships ng China, sa tancha ko... kung pagsasabay-sabayin ang deployment ng lahat na yan ay nasa 300+ lang na Main Battle tanks ang mapapadala ng PLAN sa Taiwan.. at nandoon pa ang risk na mapasabog ang mga transport ships na ito on the way. At napaka dami din ng mga Light and medium tanks ng Taiwan. at libo libo ang mga TOW launchers nila... sa tingin ko kahit pagsabay sabayin pa ang mga tanks na yan at iba bangga sa buong anti tank capabilities ng Taiwan ay mauubos lang ang 300+ na 1st wave ng MBT landing ng China.

At ang spekulasyon ay hindi balak gamitin ng PLAN ang mga transport ships na kayang magbuhat ng MBT imbis ay gagamitin ang mga mas magagaan at mas maliit na transport ships para makaiwas sa naval loss... pero ang tanong kung ganon ang plano ng China.. Paano nila lalabanan ang army ng Taiwan na may napakaraming Tanks at wala sila agad maipapadala na Main Battle Tanks?



« Last Edit: July 29, 2007, 06:01:02 am by Zero1 »

bj_predator_0919

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 15
  • Karma 0
Re: Malakas ba ang depensa natin??
« Reply #32 on: July 29, 2007, 05:39:37 am »
share ko lang point of view ko, sana walang magagalit (newbie lang ako, patawad in advance):


eto ang masasabi ko... the AFP is trying to modernize the entire armed forces through acquisitions of surplus military equipment coz they believe that it is more cost-effective... i have another suggestion: the reason kung bakit progresibo ang U.S. armed forces is because sinusuportahan ito ng mga civilian contractors who make the research and development and then pass on the new weaponry to the military. why not do the same thing dito sa pinas? i believe that would be a very viable option... it would be cost-effective, while at the same time it supports our own economy by purchasing locally made equipment... diba nga sabi nila, "tangkiliin ang sariling atin?"

aminin man natin o hindi, talagang mahina ang depensa (o kahit na nung offensive aspect) ng military naten. siguro sa training ng mga sundalo naten eh in general eh di tayo nagkukulang... pero military victory cannot be achieved by strategy and manpower alone... sa ganitong panahon, kelangan na ren ng teknolohiya... as citizens of the philippines, we are duty-bound to protect and serve our country in times of national crisis... on a broader aspect, we don't really need to join the military to accomplish that duty... we could support our own military by helping them out sa mga pangangailangan nila... im pretty sure na we only need a little bit of organization para mabuo ang ating military arms industry... i mean, meron tayong mga gumagawa ng baril, rifles, and other small arms (at kasama dyan ang mga gun fanatics na alam kahit ang nag-iisang turnilyo ng M-16...)... meron tayong mga armoring companies... we have aeronautics engineers! and when it comes to computers, di pahuhuli tayong mga pinoy! isa tayo sa mga bansa na madaling mag-adopt sa technology (and with that statement comes this fact: pinoys are really good hackers)... we could easily launch a strategic hack if we want to para maparalyze ang kanilang intelligence support systems... sa dami nating mga professionals na may know-how sa mga ganyang bagay eh we could easily organize an entire arms development industry to support the needs of our military... kesa naman sa kukuha tayo ng surplus or refubished.. oo nga, cost-effective.. pero what about the quality ng mga equipment eh nung mga huey helicopters nga eh nagbabagsakan nga dahil lang sa isang kite? and besides, bibili tayo sa ibang bansa, ibang ekonomya ang uunlad dahil sa mga purchases naten, hindi ang sarili nateng ekonomya... siguro we might have to build some industries from scratch: like siguro nung shipbuilding kasi wala akong alam ng pagawaan ng barko aside sa cavite, and nung mga missile systems (but these would be easy coz i know for a fact na pinoys love to optimize, customize, and improvise... like for example, nung coco-bomb nung 1970's...)

3 years ago, freshman pa lang ako sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (otherwise known as PLM)... mahilig akong tumambay sa PLM library. one time, napagtripan kong magbasa ng mga theses ng mga previous computer science at electrical engineering grads... i came across this one theses na nageexplain kung paano magkakaroon ng real-time misile defense system ang buong bansa... remembering that theses makes me wonder: we have brains naman... why not use it to fulfill our duty sa ating pinakamamahal na bansang pilipinas?

Zornhau

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1534
  • Karma 6
  • Gender: Male
  • Forever Alone
Re: Malakas ba ang depensa natin??
« Reply #33 on: July 29, 2007, 06:09:49 am »
Quote
it would be cost-effective, while at the same time it supports our own economy by purchasing locally made equipment... diba nga sabi nila, "tangkiliin ang sariling atin?"

Sir, di po porke mura ang bilihin dito sa pinas eh mas mura na ang mga indigenous weapons.. Sir Depende po sa produkto yan kung magiging mura.. at ang isa pang problema ay.. Wala tayong mga factories na may kakayahan na mag sagawa ng mass production.

I remember Capt. Panfilo Villaruel of PAF... namatay siya at dissappointed kay Erap at Gloria ng I-shutdown ni Erap ang Defiant-300 propeller plane project niya sa PAF at di ni-re-approve ni Gloria ang project niya.. Makakamura sana tayo sa Plane na iyon kaso nagiba na ang mga pangarap at na deds na ang designer ng plane sa NAIA control tower hijack case.

At sa kaso naman ng mga Armored Vehicles... mas nakamura sana ang AFP kung binili nila ang Hari-digma type APC ng Steelcraft Phils. kesa sa grabeng mas mahal na GKN Simba APC. Di ako sigurado pero ang pagkaka-alam ko nasa 30 milion Php ang bayad sa isang piraso ng GKN Simba na isang tirahan lang ng RPG deds na. samantalang ang Hari Digma APC ng Steelcraft ay malamang nasa 15 Million lang.. Pero mas pinili ng gobyerno ang GKN Simba dahil mas madali maiproduce ang GKN Simba kesa sa Hari Digma.

-=Kurabo=-

  • Patience is a Virtue but Time is Gold
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 5346
  • Karma 48
  • Gender: Male
  • Kurabo
Re: Malakas ba ang depensa natin??
« Reply #34 on: July 29, 2007, 07:01:08 am »
Japan is no superpower and cant match the 5 most powerful countries...

remember after the war they signed a treaty that they should limit their forces as a punishment to what they done before the war.


nagpa2lakas n ngaun ang japan.. kaappoint lang nla last yr. ng secretary/minister of defense b un?..

it ain't over. . .till its over

Boy Abunda

  • silent but deadly
  • 2006 Vanguards
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 291
  • Karma 37
Re: Malakas ba ang depensa natin??
« Reply #35 on: July 29, 2007, 10:10:07 pm »
malabo tayo maging self-sufficient in terms of military hardware. baril nga lang hindi tayo makapagproduce, armored vehicles pa? well, not unless matigil talaga ang internal problems ng bansa. hindi na kailangang isuggest na tulungan natin ang AFP sa pag modernize ng weapons nila dahil yun na ang purpose ng tax na binabayaran natin. kung hindi lang dumadaan sa mga malilikot na kamay eh matagal na sanang modern ang mga armas natin.

naalala ko may nabasa ako somewhere na noong panahon pa ni marcos eh gumawa sya ng attempt na sugurin ang sabah, and in turn the whole of indonesia. ewan ko, siguro rumor lang 'to, pero nagpadala daw sya ng marines sa sabah, kaso lumubog yung mga transports. so para walang problema, itinago na lang nya yung buong incident. anyway, kung totoo man 'to, it just goes to show na kung gusto naman natin, kaya naman eh, maubos lang sana yung mga kurakot.

by the way, nice pics zero1, lalo na dun sa moro warrior, di ko akalain na nakadevelop pala ng armor ang mga moro, halos kapareho ng european counterparts natin. yung lantaka nga pala, gawa sya sa bronze, hindi po sya maikukumpara sa gatling gun dahil kanyon po sya, ang gatling gun ay isang predecessor ng machine gun. pero nevertheless, nakatulong sya sa pagdefend ng maynila noong panahon ng mga rajah dahil halos match nya yung mga kanyon ng mga kastila in terms of range. mas malaki nga lang yung sa kanila. smoking::

[KH]FuzzyLogic

  • Drink Duff...... Oh YEAH!
  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 595
  • Karma -1
Re: Malakas ba ang depensa natin??
« Reply #36 on: July 29, 2007, 10:28:28 pm »
pagdating sa eroplano natin sa PAF meron tayong F-16 kaso hindi natuloy kc kinurakot nila ung fund lima ata ung ginagawa nila kaso toinks nawalan ng funds.




FinalFall Server Marathon Gamer

b1ask1_2008

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 9
  • Karma 0
Re: Malakas ba ang depensa natin??
« Reply #37 on: July 30, 2007, 01:07:12 am »
well coruption kasi ang problema! sa tapang lang at galing sa pakikipaglaban madami tayong mga pinoy nyan! pero sa gamit tama walang wala tayo. tama yun na dapat magkaroon tayo ng sarili natin na mga factories na gagawa ng tanke,transports,artillery,aircraft missle systems weapons etc. na mga gawa at disenyong pinoy! tama may talino tayo! pero walang pagkakaisa at political will! wala pa nga gera watak watak na mga pinoy pano pa kung meron! bakit sinasabi nila na wala pa talagang nakasakop sa mindanao? totoo, bakit? kasi nagkakaisa sila hindi man dahil isang bansa sila kundi united sila dahil sa religion. daig pa tayo ng mga lintek na koreano!! gun:: gun:: no offense, pilit man silang pinagdivide ng dalawang super powers USSR at US during cold war without their consent, eto sila pinipilit ang reunification despite of the differences in political ideology.at militarily malakas sila!well you could say suportado kasi ang SOKOR ng US pero kaya lang ginagawa ng US yun dahil mawawala ang interes nila sa region pag naging unified na ang korean peninsula! kaya eto tayo mga pinoy kahit saang bansa binabastos walang respeto satin kahit sa sarili nating bansa example mga KOREANO gun:: to think na wala na halos umuwi sa mga kaibigan ng lolo ko nung pinadala sila ng pinas bilang UN contingent para pigilan ang mga komunista sa 38 paralel na yan!! remember 10th BCT. palagay ko kahit allied tayo ng US e kelangan padin nating magkaroon ng malakas na militar, di pa ba tyo natuto nung world war 2?? sinu unang tinulungan ng mga kano? mga briton at nagconcentrate sila sa european theater. kahit na malakas ang US may limit din ang resourses nila at uunahin nilang depensahan ang sarili nila at kung ano o sino ang may mas malaking interes sila na bansa. sabi nun presidente natin nung panahon ng WW2 di ko maalala, "its a shame how america could come to the aid of a distant cousin(britain) while a daughter(philippines) is seing raped in the back room."

knight_ghostrider

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 210
  • Karma 3
  • Gender: Male
Re: Malakas ba ang depensa natin??
« Reply #38 on: July 30, 2007, 01:14:38 am »
masasabi ko lang malakas ang man power natin tulad lang ng panahon ni bonifacio kahit itak lang gamit nanalo tayo...pero ngayon modern na kelangan natin nga  mga hi-tech. na armas para madefensahan ang ating bayan...kaya dapat pangalagaan ng pamahalaan ang ating mga magigiting na sundalo... smoking::

“Our deepest fear is not that we are inadequate. Our deepest fear is that we are powerful beyond measure"

onin

  • onin ang itawag mo sa akin
  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 741
  • Karma 17
  • Gender: Male
  • matalino man daw ang matsing;matsing pa rin!
Re: Malakas ba ang depensa natin??
« Reply #39 on: July 30, 2007, 03:35:21 am »
Sa ngayon wala naman tayong kailangang alalahanin pagdating sa mga mananakop na bansa dahil US nalang at Russia ang kasalukuyang may kakayahang mag Island hop ng malawakang military operation at napaka-impraktikal naman kung tatangkain tayong sakupin ng China. At hindi rin kaya ng China na mag sagawa ng malawakang Amphibious assault sa ngayon dahil ayon sa sources ko kulang sila sa transport ships. Kaya man nilang mangbomba mula sa dagat at himpapawid. Para saan pa ito kung hindi mo rin naman kayang isecure ang sasakupin mo? Isa ring daw dahilan yun malamang kung bakit di pa sumusugod ang China sa Taiwan.

The US is the only reason why Taiwan is still safe...

Kaya ng China mag "Island Hopping" sa mga karatig bansa... What is limited is China's capability to deploy its forces to europe or the US, pro kng within southeast asia lng I think kaya nila.. Meron na din silang mga Hi-tech wepons, kng matatandaan nyo dati nag test sila ng Anti-sattelite missile at may report din na may bagong ICBM daw sila.. Kanina lang sa Fox News pinakita na nababahala na ang US sa military build-up ng China.. and sinabi din na China might replace the US as the dominant force in the Pacific.. Also,  military analysts said (from onother show) that China has all the capabilities to isolate Taiwan.. The reason why they havent done it is because the US is backing Taiwan and that China do not want to risk a war with the US as of now..


hindi ako matatakot kung sakupin mn tayo ng china dahil "made in china" halos lahat ng kagamitan nila kaya malamang palpak din ang kalalabasan nun..mas matatakot pa ako kung japan ang sasakop kasi matibay ang gawa nila..kaya hindi ako bumubili ng parts na made in china o taiwan kasi madaling masira,minsan d pa gumagana.mas ok ung made in japan.. laffman::

bj_predator_0919

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 15
  • Karma 0
Re: Malakas ba ang depensa natin??
« Reply #40 on: July 30, 2007, 11:16:35 am »
Quote
it would be cost-effective, while at the same time it supports our own economy by purchasing locally made equipment... diba nga sabi nila, "tangkiliin ang sariling atin?"

Sir, di po porke mura ang bilihin dito sa pinas eh mas mura na ang mga indigenous weapons.. Sir Depende po sa produkto yan kung magiging mura.. at ang isa pang problema ay.. Wala tayong mga factories na may kakayahan na mag sagawa ng mass production.

I remember Capt. Panfilo Villaruel of PAF... namatay siya at dissappointed kay Erap at Gloria ng I-shutdown ni Erap ang Defiant-300 propeller plane project niya sa PAF at di ni-re-approve ni Gloria ang project niya.. Makakamura sana tayo sa Plane na iyon kaso nagiba na ang mga pangarap at na deds na ang designer ng plane sa NAIA control tower hijack case.

At sa kaso naman ng mga Armored Vehicles... mas nakamura sana ang AFP kung binili nila ang Hari-digma type APC ng Steelcraft Phils. kesa sa grabeng mas mahal na GKN Simba APC. Di ako sigurado pero ang pagkaka-alam ko nasa 30 milion Php ang bayad sa isang piraso ng GKN Simba na isang tirahan lang ng RPG deds na. samantalang ang Hari Digma APC ng Steelcraft ay malamang nasa 15 Million lang.. Pero mas pinili ng gobyerno ang GKN Simba dahil mas madali maiproduce ang GKN Simba kesa sa Hari Digma.

reaction ko lang ah? what do you mean walang kakayahang magmass produce ng weaponry ang pilipinas? eh illegal weapons nga eh may local production tayo eh masasabi mo bang wala tayong kakayahan? mayaman naman tayo sa materyales diba? at kung kakulangan sa pera naman ang pag-uusapan, simple lang ang solusyon dyan: tanggalan nyo ng pork barrel nung mga politiko na yan! kukurakutin lang yan eh! biruin pa namang bigyan ng tig isang milyong piso na travel allowance ang bawat bagong miyembro ng kongreso? mga corrupt! which goes sa kaso ni capt. villaruel... nadismaya cya sa gobyerno di dahil walang kakayahan ang bansa na magmass produce ng strike planes... shinut-down ni pres. estrada nung buong proyekto dahil wala (daw) pondo! (saan pa napunta.. edi sa bulsa?)

and tungkol naman sa mga foreign armored vehicles eh wouldn't be more logical in long term to just have our own local production? mas makakatipid tayo nyon in the long run! biruin mo, sarili nating disenyo, sarili nating materyales, sarili nating tao.. lesser manufacturing costs dahil nung mga kelangan naten eh nandito na sa pinas at di na kelangang iimport galing sa ibang bansa! mas madaling maiproduce yung locally produced products kasi disenyo naten yun! i believe the quality of the locally produced armored vehicles would be comparable to its foreign counterparts... wag nyong sabihin na porket gawang pinas eh inferior ang quality nito sa mga gawang abroad? kung ganon eh foreign mentality ang pinaiiral naten! sige, sabihin na naten na mas okey ang quality ng simba APC kesa sa hari digma... for one thing, procurement costs for simba eh mataas na dahil import yan sa ibang bansa? what about maintenance costs? kung may mga sirang pyesa edi iimport pa naten nung mga pyesang yun? di kaya mas mahal yun (and impractical?)

subicboy

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1170
  • Karma 19
  • Gender: Male
Re: Malakas ba ang depensa natin??
« Reply #41 on: July 30, 2007, 03:08:20 pm »
may sariling gera n kinakaharap ang pilipino ngaun katulad ng kahirapan at edukasyon s lahat,ito ang dpat maging prayoridad hindi ang pagpapalakas ng AFP..kapag naresolba n ang kahirapan at kamangmangan madali na lang sumunod ang pagpapalakas s AFP..mas gusto q ang katayuan ng pilipinas ngaun kesa s katayuan ng north korea n npakalakas nga ng militar pro gutom naman ang mamayan kc nauubos ang national budget nila s pagbili ng military equipment(ui may nuclear weapon cla ha kya ang yabang ng leader nila hehe!)

albback4u

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 41
  • Karma 0
Re: Malakas ba ang depensa natin??
« Reply #42 on: July 30, 2007, 03:36:57 pm »
[quote author=Zero1 link=topic=61669.msg305381#msg305381 date=1185629114


Maaring natalo tayo noon sa mga Kastila at Kano... Malamang ay dahil mas kaunti lamang ang mga mandirigmang pilipino noon at watak-watak kung saan ay kanya kanyang Baranggay lamang ang dinedepensa. Pero kung nagkataon na sentralisado ang gobyerno ng Pilipnas sa pamamagitan ni Rajah Soliman. Malamang talo ang mga kastila...

[/quote]

Actually, yung pag-kawatak watak ng pilipino noon ang nakaligtas sa pilipinas sa total domination ng Spain.  Kasi kung organized groups ang mga pinoy noon siguradong baka na ubos ang lahi at cultura natin.  Hindi lang dahil sa guerra kung hindi pati rin sa sakit.  Tingnan mo ang Americas halos maubos sila...yung south and central america, spanish or portugese ang language nila with native terminology sa mga ibang bagay.  At least tayo for the most part ang structure ng language natin is filipino with spanish terms para sa mga ibang bagay at na retain pa ang mga dialects.

Zornhau

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1534
  • Karma 6
  • Gender: Male
  • Forever Alone
Re: Malakas ba ang depensa natin??
« Reply #43 on: July 30, 2007, 04:18:54 pm »
Quote
it would be cost-effective, while at the same time it supports our own economy by purchasing locally made equipment... diba nga sabi nila, "tangkiliin ang sariling atin?"

Sir, di po porke mura ang bilihin dito sa pinas eh mas mura na ang mga indigenous weapons.. Sir Depende po sa produkto yan kung magiging mura.. at ang isa pang problema ay.. Wala tayong mga factories na may kakayahan na mag sagawa ng mass production.

I remember Capt. Panfilo Villaruel of PAF... namatay siya at dissappointed kay Erap at Gloria ng I-shutdown ni Erap ang Defiant-300 propeller plane project niya sa PAF at di ni-re-approve ni Gloria ang project niya.. Makakamura sana tayo sa Plane na iyon kaso nagiba na ang mga pangarap at na deds na ang designer ng plane sa NAIA control tower hijack case.

At sa kaso naman ng mga Armored Vehicles... mas nakamura sana ang AFP kung binili nila ang Hari-digma type APC ng Steelcraft Phils. kesa sa grabeng mas mahal na GKN Simba APC. Di ako sigurado pero ang pagkaka-alam ko nasa 30 milion Php ang bayad sa isang piraso ng GKN Simba na isang tirahan lang ng RPG deds na. samantalang ang Hari Digma APC ng Steelcraft ay malamang nasa 15 Million lang.. Pero mas pinili ng gobyerno ang GKN Simba dahil mas madali maiproduce ang GKN Simba kesa sa Hari Digma.

reaction ko lang ah? what do you mean walang kakayahang magmass produce ng weaponry ang pilipinas? eh illegal weapons nga eh may local production tayo eh masasabi mo bang wala tayong kakayahan? mayaman naman tayo sa materyales diba? at kung kakulangan sa pera naman ang pag-uusapan, simple lang ang solusyon dyan: tanggalan nyo ng pork barrel nung mga politiko na yan! kukurakutin lang yan eh! biruin pa namang bigyan ng tig isang milyong piso na travel allowance ang bawat bagong miyembro ng kongreso? mga corrupt! which goes sa kaso ni capt. villaruel... nadismaya cya sa gobyerno di dahil walang kakayahan ang bansa na magmass produce ng strike planes... shinut-down ni pres. estrada nung buong proyekto dahil wala (daw) pondo! (saan pa napunta.. edi sa bulsa?)

and tungkol naman sa mga foreign armored vehicles eh wouldn't be more logical in long term to just have our own local production? mas makakatipid tayo nyon in the long run! biruin mo, sarili nating disenyo, sarili nating materyales, sarili nating tao.. lesser manufacturing costs dahil nung mga kelangan naten eh nandito na sa pinas at di na kelangang iimport galing sa ibang bansa! mas madaling maiproduce yung locally produced products kasi disenyo naten yun! i believe the quality of the locally produced armored vehicles would be comparable to its foreign counterparts... wag nyong sabihin na porket gawang pinas eh inferior ang quality nito sa mga gawang abroad? kung ganon eh foreign mentality ang pinaiiral naten! sige, sabihin na naten na mas okey ang quality ng simba APC kesa sa hari digma... for one thing, procurement costs for simba eh mataas na dahil import yan sa ibang bansa? what about maintenance costs? kung may mga sirang pyesa edi iimport pa naten nung mga pyesang yun? di kaya mas mahal yun (and impractical?)

Sir, kulang tayo sa factories na kayang mag mass produce ng military equipment ng madalian... eto ang case kung bakit natalo ang Hari-Digma APC sa GKN Simba APC... At nangyayari parin ang mga cases na ito kapag may ini-introduce na bagong indigenous na gamit...

Yung Defiant-300 project ni Capt. Panfilo Villaruel kayang gawin pero si Erap lang talaga naging problema... Pero di ko sasabihing corruption ang nangyari dahil di ko naman alam kung ano talaga ang pinuntahan ng pondo ng project.

Yung sa raw materials naman na kailangan para sa military equipment.. Lacking pa tayo dun.. Wala pa kasi tayong mga factories na kayang magprovide ng ex. Military grade steel plates... Kadalasan nag iimport pa tayo at yung mga parts naman ng modified version ng M16A2 na gawa ng FERFRANS( www.ferfrans.net ) ay made in US din lahat. Kulang pa tayo sa industrialization at kulang din tayo sa mga companies na kayang mag fully dedicate sa pag-gawa ng indigenous military equipments.

At sa kaso naman ng mga nag mamanufacture ng mga baril sa mga probinsya di naman sila ganuun kalaking grupo para makapag mass produce ng mabilisan para sa AFP maliliit lang sila.

Take note din sir...  Di porke sarili nating disenyo ay mas mura na agad... dahil di lahat ng parts ay ginagawa natin, kadalasan imported din ang ibang parts katulad nalang din sa Hari-Digma APC at Defiant-300 Aircraft. At malabo rin naman na mag re-design tayo ng mga parts na available na sa market dahil baka mag end up na mas magaling ang imported at mag lose out nanaman ito. bukod sa pag dedesign ng local military equipments.. ang iniisip din kasi ng mga indigenous designers ay kung marketable ang product nila internationally.


[/quote]

Actually, yung pag-kawatak watak ng pilipino noon ang nakaligtas sa pilipinas sa total domination ng Spain.  Kasi kung organized groups ang mga pinoy noon siguradong baka na ubos ang lahi at cultura natin.  Hindi lang dahil sa guerra kung hindi pati rin sa sakit.  Tingnan mo ang Americas halos maubos sila...yung south and central america, spanish or portugese ang language nila with native terminology sa mga ibang bagay.  At least tayo for the most part ang structure ng language natin is filipino with spanish terms para sa mga ibang bagay at na retain pa ang mga dialects.
[/quote]

Sir, tandaan lang po natin... na ang mga kastila narin mismo ang nagsabi na di nila akalain na may pagka-hitech ang mga pilipino di katulad ng inaasahan nila... At alam din nila na magaling sa digmaan ang mga pilipino... di ko man alam kung gaano kadami ang tropa ng mga pilipino sa maynila at ng mga kastila, sigurado ako na mas malulumpo ang mga kastila kung ang mga armies ng mga iba pang syudad ng mga pilipino ay tumulong sa gyera ng Maynilad... Marami naman tayo pwedeng maging tropa noon... kaso baranggay baranggay lang ang depensahan... Mga taga Maynila lang ang lumaban sa mga Kastila noong dumating sila Miguel Lopez De Legazpi sa Luzon kaya lugi sila... Kaso'y wala ng ibang tribo na tumulong pa.

At isang kaso rin ng pagkaka-watak watak narin siguro ng Pilipino noon ay ang kadalasang pag traydor ng mga ito sa sarili nilang mga kapwa. Katulad na nga lang ng nabanggit ko na pag traydor ng isang pinay na may asawang kastila. Na kung di siya nag traydor ay dapat matagal ng tapos ang pananakop ng Kastila. Di ko man siya masisi dahil papatayin din malamang ang asawa nya pero marami din naman kaso ng pag tatraydor na nakapag patalo sa pilipino noon.

Sigurado ko kung matagal ng sentralisado ang gobyerno ng mga pilipino pag dating ni Magellan.. malamang marami tayong lantaka at mga kampilan na ihaharap sa mga Kastila... Kung saan ay mas epektibo ang mga Lantaka ng pilipino kesa sa mga Kanyon ng kastila... maraming posibilidad na matalo ng mga Pilipino ang mga Kastila kung di nag tulong tulong lang sila at walang tumatraydor.

may sariling gera n kinakaharap ang pilipino ngaun katulad ng kahirapan at edukasyon s lahat,ito ang dpat maging prayoridad hindi ang pagpapalakas ng AFP..kapag naresolba n ang kahirapan at kamangmangan madali na lang sumunod ang pagpapalakas s AFP..mas gusto q ang katayuan ng pilipinas ngaun kesa s katayuan ng north korea n npakalakas nga ng militar pro gutom naman ang mamayan kc nauubos ang national budget nila s pagbili ng military equipment(ui may nuclear weapon cla ha kya ang yabang ng leader nila hehe!)

Sir magaling po ang propaganda ng mga rebelde lalo na ang mga NPA... sa tingin ko mas lalong dadali ang pagtapos ng problema na ito kung pupulbusin na ang mga lintik na terroristang extortionists na mga yun. Sila rin naman ang nagpapahirap sa mga tao sa probinsya eh.

subicboy

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1170
  • Karma 19
  • Gender: Male
Re: Malakas ba ang depensa natin??
« Reply #44 on: July 31, 2007, 02:32:57 pm »
pro mas may dapat unahin s paggamit ng national budget kesa s pagbili ng bala at tangke katulad ng pbahay gamot at pagkain s mhihirap(ksama p dyn ang sangkaterbang daan,tulay,silid aralan at kung anu ano p),hindi birong pera ang gugugolin ng gobyerno ntin pra mapuksa ang mga mkakaliwa bilyun bilyong piso an mauubos(wag m p isama ang gulong mangyayari kpg nglunsad ng gera s npa,mdaming mccrang pampubliko at pangpribadong istruktura) kc hindi maliit n grupo ang npa kng maliit n grupo ito mtgal n clang tapos..
ang tunay n kalaban ay kahirapan at bulok n sistema ng ating gobyerno,kpag naayos n itong mga ito cgurado hihina ang mga grupong kumakalaban s gobyerno dhil nkikita n nila ang pagbabago at makikiisa n cla..

Zornhau

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1534
  • Karma 6
  • Gender: Male
  • Forever Alone
Re: Malakas ba ang depensa natin??
« Reply #45 on: July 31, 2007, 04:30:12 pm »
Sir naniniwala po ako na hindi gagawin ng NPA ang mangsira ng manggulo ng malawakan sa pampublikong lugar dahil baka mawalan sila ng mga supporters (uto-uto). At meron din naman ako naririnig din na nagsasabi na katulad mo na dapat socio-economic reforms ang daan para matalo ang mga rebelde... maganda ang punto nyo sir.. Pero mas sang-ayon ako sa ginagawa ng gobyerno ngayon na military operations ang sagot at sabayan ng socio-economic projects para makuha ang puso ng mga tao. Dahil kung puro civilian projects lang ang ifofocus ng gobyerno aatakihin ito ng mga NPA.. katulad nalang ng ginagawa nila kapag may disaster relief operations ang militar tinatambangan nila.

subicboy

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1170
  • Karma 19
  • Gender: Male
Re: Malakas ba ang depensa natin??
« Reply #46 on: July 31, 2007, 07:22:53 pm »
kaya nilang dalhin ang gera sa mga matataong lugar ganun cla kalakas at kadami at cyempre hndi pwede sumandal ng gobyerno sa akala na hangang bundok lang ang magiging laban dhil lahat pwedeng mangyari sa gera at damay ang lahat ng pilipino..
malalim ang ugat ng dahilan ng pakikibaka ng mga NPA at cla ay pilipino rin,tamang pakikipagusap ksama ang sapat n depensang militar e hndi nmn bsta bsta susugod ang mga NPA,dhil kng barbaro cla at wla sa ayos tlga e malaking prblema yan at kailangan ngang maging prayoridad ng gobyerno magpalakas ng militar at tapusin cla sa kahit na anong paraan..pro sbi ko nga may dapat tlgang unahin..

goldendragon

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 45
  • Karma -3
Re: Malakas ba ang depensa natin??
« Reply #47 on: August 01, 2007, 06:49:08 am »
depensa? anong depensa? laffman:: dapat sa armed forces natin i disband na. sayang lang sa budget.

ilagay na lang sa kamay ng citizens ang national defense. gawing volunteer groups.

wala naman kasing ibang bansa ang may interes na sumakop sa pinas  smoking::

tigerwing

  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 950
  • Karma 54
Re: Malakas ba ang depensa natin??
« Reply #48 on: August 01, 2007, 08:19:15 am »
depensa? anong depensa? laffman:: dapat sa armed forces natin i disband na. sayang lang sa budget.

ilagay na lang sa kamay ng citizens ang national defense. gawing volunteer groups.

wala naman kasing ibang bansa ang may interes na sumakop sa pinas  smoking::

huh? pano po kyo nakakasiguradong wala??? Mind you our country has a high strategic value.. kaya nga nglagay ng base ang mga kano dto.. tska madami din tayong natural resources..

kaya nilang dalhin ang gera sa mga matataong lugar ganun cla kalakas at kadami at cyempre hndi pwede sumandal ng gobyerno sa akala na hangang bundok lang ang magiging laban dhil lahat pwedeng mangyari sa gera at damay ang lahat ng pilipino..
malalim ang ugat ng dahilan ng pakikibaka ng mga NPA at cla ay pilipino rin,tamang pakikipagusap ksama ang sapat n depensang militar e hndi nmn bsta bsta susugod ang mga NPA,dhil kng barbaro cla at wla sa ayos tlga e malaking prblema yan at kailangan ngang maging prayoridad ng gobyerno magpalakas ng militar at tapusin cla sa kahit na anong paraan..pro sbi ko nga may dapat tlgang unahin..

OO pwede nga nilang dalhin ang gera sa mataong lugar.. pero kng gagawin nila un para n rin silang terrosista.. tska ano nga ba ang pinaglalaban ng NPA? equality??? bro kht ano pa gawin mo hindi mangyayari n mgiging pantay pantay ang lahat.. kahit sa china na isang malaking komunista eh may mayaman-mahirap pa din.. Ive been there and there is nothing equal.. at tingnan mo ngaun.. umuunlad sila dahil sa capitalism.. so ano nga ba ang gusto ng mga NPA?? tapos si joma sison patago tago lng sa ibang bansa.. anu ba un? sa totoo lng hndi ko maintindihan kng bakit may nauuto pa ang mga NPA..

subicboy

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1170
  • Karma 19
  • Gender: Male
Re: Malakas ba ang depensa natin??
« Reply #49 on: August 01, 2007, 09:21:14 am »
hindi nga b terorista n ang turing s kanila ng gobyerno at ng US ngaun?khit gustuhin man nilang manatili ang laban s mga bundok hindi pa rin pwde mangyari un katulad n lng ng nangyayaring gera s mindanao umaabot s mga baryo at mdaming sibilyan ang namamatay s gitna ng laban kaya b ng gobyerno natin suportahan ang lahat ng maapektuhan?ang punto q d2 ay hindi kayang maglunsad ng gobyerno natin s ngaun ng gera laban sa NPA e kung ung MILF nga n nsa isang parte ng mindanao hindi nila masugpo ito p kyang NPA n nakakalat s buong pilipinas?