Naalala ko nung college years ako na may isang unibersidad talaga na may height requirement. Pati ata dental, kelangan daw kumpleto ang ngipin. Dahil ang asset ng nurse e yung dating niya. Yung smile, yung conversation. Dapat din dala ng itsura dahil kung mukha kang ewan e ano na lang ang mararamdaman ng pasyente mo. Halimbawa.
Na ospital ka dahil inatake ka sa puso (wag naman sana) at pag ka mulat ng iyong mata nagimbal ka sa kumukuha ng blood pressure mo. Nakaputi na nurse pero mukhang halimaw. E kung hindi ka atakihin agad nun at matuluyan. Maraming nag nunursing ngayon gawa ng abroad at pera. Marami ding magaganda nurse. Marami ring pogi (halos karamihan bakla). Pero hindi mapagkakaila na mas marami ang pangit o neutral na itsura. Marami ding sobrang pangit. Marami ding pinulot na di mo alam kung saan at hinarap sayo na nagpapanggap na nursing student. Pero mas maraming walang laman ang coconut shell. Pag nagtanong ka sa nurse na i-convert ang 37.5 degree Celsius into Fahrenheit mag duda ka na. Baka ikaw ang isusunod nun sa cabinet.
Ngayon dahil sa pag dami ng nursing student, hindi mapagkakaila na marami na ring ganyang estudyante (tumingin sa mga larawan). Kaya kung gusto niyo makakuha ng maganda na nursing student (usually mga may syota na) e jackpot niyo at wag niyo na pakawalan. Pero kung habol niyo ay lamang paa, e pwede na siguro yan.
Mabuhay tayong mga nurse.