Kasalanan din naman ng gobyerno natin kaya naglipana mga yan. Pahirapan ba naman ang pinoy sa mga dokumento eh dahil si pinoy eh maabilidad eh d gawa ng dokumento. Yan na lang pag apply ng visa. I have applied for various visa in other countries and yet, wala naman mga hinihingi na kun anu anong documento. Sa Pinas, pag nag apply ka ng visa, dami hingi dokumento.
Sa trabaho naman, naghahanap buhay lang si Pinoy eh sukat ba naman kun anu anong dokumento hingin. Eh dahil gusto lang kumita eh d produce ng documents. In a way, may silbi din naman sila - they provide a service that anyone needs to survive in an urban jungle. Meron nga dyan, ang taas ng pwesto sa Citibank dahil lang sa mga documento na gawa sa Recto. When they found out about his records, di na rin matanggal dahil magaling talaga yun lalaki. Ilan pinoy ang nakabuhay sa kanilang pamilya dahil sa mga pekeng documento na gawa sa recto? Kaya malaki ang remittances ng OFW eh dahil na rin sa mga Recto docs.
I have never had any document made there but personally, tolerance na lang dapat ang policy sa kanila. As long as the docs achieve the purposes, pabayaan na lang natin. Anyway, di naman siguro malaking kawalan yan compared sa mga nawala na pera sa fertilizer scam or yun mga nawawala dahil sa pork barrel. Wala naman perpektong lipunan. Even the Russian government cant do anything against those hackers in Moscow.