Naalala nyo ba nung ...
-piso lang ang pamasahe
-ang babae lang ang may hikaw
-ang preso lang ang may tattoo
-kilala mo ang lahat ng myembro ng Voltes V
-pinagtatawanan ang itim na rubbershoes at mahahabang shorts
-pinalayas ng mga Pinoy ang mga Marcos (pero ngayo'y pinabalik uli sa pwesto)
-kala mo'y magkakatuluyan sina Ate Sienna at Kuya Bodjie ng Batibot
-si Erap ay sa showbiz section lang ng dyaryo nababasa
-ang intindi mo ng LOL ay ULOL imbes na Laughing Out Loud
-FACES ang in na gimikan
-SM City ang pinakamagandang mall sa bansa
-piso lang ang isang basong taho at kailangan mong magdala ng sarili mong baso kasi wala pang plastic cups no'n si manong magtataho
-tarzan, jojo, at tootsie roll at texas ang pinaggagastusan mo ng mga beinte singko mo
-trianggulo pa ang sunkist tetrapak (de hindi na tetrapak yon)
-nagkakakalyo ka dahil type writer pa ang ginagamit mo para sa mga school papers mo
kaya uso pa ang carbon paper at liquid paper
-VETO ang iyong deodorant o kaya MUM (kaya lumalakas ang loob mong maging MUMyayakap)
-at tancho gel ang pang-ayos mo ng buhok
-KLIM ang tinitimpla ng nanay mo para sa'yo para inumin bago matulog
-nanliligaw pa lamang si Brod Pete kay Shirley sa John and Marsha
-sa Ortigas Center ka tinuturuang magmaneho kasi puro talahib pa yon noon
-nakakapag-grocery ka na 100 piso lang ang dala
-anim na numero lang ang kailangan mong tandaan para tawagan ang kaibigan mo
at hirap na hirap kang tumawag mula sa public phone kasi limang dyis ang kailangan mong hagilapin
-sosyal si pareng Mon kasi naka-cell phone siya, ngunit hanggang kotse lang yon kasi mabigat bitbitin
-hinihingi mo yung computer cards (yung butas-butas) ni daddy mula opisina niya para gumawa ng saranggola para sa iyong school project
-pag narinig mo ang Every Breath You Take, si Sting at si Sting lang ang pumapasok sa utak mo
-si Helen Vela ang naririnig mo pag binuksan mo ang radyo mo sa OK 101
-dalawang piso lang ang songhits
-iniisip mong dapat mag-retire na si Jaworski kasi kuwarenta anyos na siya
pango pa si Vilma
-kay Amado Pineda ka lang naniniwala pag ukol sa panahon ang balita
-25 sentimos lang ang baon mo sa iskwela, eh, happy ka na
-10 sentimos lang ang sarsi (sobrang tagal na 'yon ha!)
-Oras ng Ligaya ang pinagkakaguluhan ng lahat
-pagdating ng alas-sais, ready na yung tubig mo para mag-toning
-ang kapal ng pamada mo sa buhok para alalayan yung singko mong pinagpipilitang
ishoot sa maliit na garapa sa loob ng boteng may tubig
lagi kang nababalagoong sa tumbang preso
napakamura pa ng ubas at kastanyas
Milo at Ovaltine lang ang chocolate drink na iniinom mo, cocoa para sa mas matatanda
Nutribun pa ang baon mo sa eskwela
tex, jolen, patintero, tantsing, sipa, taguan, agawan base at syato lang ang sports na nilalaro mo
bitin at baston pa ang pantalon mo.
si Eddie Ilarde, Bobby Ledesma, Coney Reyes, Helen Vela, sama mo na si Malu Maglutac, JQ (Joe Quirino) at Ariel Ureta ang mga paborito mong tv host.
Top Sider, Robertson, Bla-bla, Haruta ang sapatos na pangarap mong bilin.
may dala-dala ka pang linoleum pag naglalakad ka sa kalye baka kasi may maka showdown ka ng break dancing.
Strut at Punk ang gusto mong sayawin bukod sa break dance.
napaka itim pa ni ate guy nun
gagamba ang paboritong mong pet.
Analisa at Flor de Luna lang ang pinanonood mo, ngayon Rosalinda na.
Khumbmella, Blazing Product, or attache case ang gamit mong bag sa school.
naka plastik na may straw lang ang binibili mong tag 75 sentimos, na melon, sago at gulaman. Wala pang plastik cups n'on.
pusa pa ang nilalagay ng iba sa siopao
hopiang munngo at hopiang baboy na may kasamang Pop o Sarsi ang meryenda mo.
sosyal ka pag umiinom ng Sarsi with egg.
may mabibili ka pa sa singko sentimos mo at may mamera pa n'on (1 cent)