Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Relax,,,tawa muna,,,pangtanggal ng stress (update)  (Read 2814 times)

DesperadO

  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3702
  • Karma 102
  • Gender: Male
Relax,,,tawa muna,,,pangtanggal ng stress (update)
« on: February 20, 2006, 04:42:21 am »
O eto wholesome ..... Enjoy..........sana di re-post 'to.......................

***********************************************************************

Prospective Employer to Applicant: " So why did you leave your previous job?"
Applicant: " The company relocated and they did not tell me where!"
________________________________________________________________

Bisaya 1: " Gara ng kutsi, siguro kay Miyur iyan."!
Bisaya 2: " Dili bay!"
Bisaya 1: " Kay Hipi?"
Bisaya 2: " Tuntu ka man. Kay FATHER iyan. Gisulat niya sa likud o, "'SAFARI'."
______________________________________________________________

Misis: " Sir, mananawagan po sana ako sa mister ko kasi dinala niya ang limang anak namin."
Radio Host: " Ok, go ahead!"
Misis: " Honey, ibalik mo na ang mga bata, isa lang naman ang sa iyo diyan!"
_______________________________________________________________

Hello! Heto na naman ako. Gulung-gulo ulit ang isip ko. May nais lang sana akong itanong sa inyo. Alam ko matutulungan niyo ako Ang BIRDS FLU ba ay past tense ng BIRDS FLY?
_______________________________________________________________

Nakasakay ka sa FX, ng ikaw ay mautot. Buti na lang malakas ang tugtog. Bawat pag-utot, sabay sa tugtog. Nang ikaw ay bumaba, ang sasama ng tingin nila sa iyo, bigla mong naalala...naka Walkman ka pala!
______________________________________________________________

WIFE: Himala! aga mong umuwi ngayon.
HUSBAND: Sunod ko lang utos ng boss ko. Sabi nya "GO TO HELL", kaya ito uwi agad ako.
_______________________________________________________________

Lasing (takot): may multo sa banyo natin!
Wife: ha? Bakit?
Lasing: kasi bumubukas yung ilaw pag papasok ako ng ! banyo eh.
Wife: punyeta ka! ikaw pala umiihi sa ref!
_______________________________________________________________

1st night lola wore see thru dress, lolo didn't react...
2nd night lola wore t-back, lolo still deadma...
3rd night lola all naked, lolo said "anu yan suot mo, gusot-gusot!!"
_______________________________________________________________

AMO: sagutin mo ang telepon inday!
INDAY: (baligtad ang hawak) hilo? hilo?
AMO: baligtarin mo!
INDAY: lohi? lohi?
AMO: telepon ang baligtarin mo!
INDAY: Puntili, puntili
_______________________________________________________________

Juan: bday ng asawa ko
Pedro: ano regalo mo?
Juan: tinanong ko kung ano gusto niya.
P: ano naman sinabi?
J: Kahit ano basta may DIAMOND.
P: ano binigay mo?
J: Baraha.
________________________________________________________________

Pedro: Galing ako sa doktor, nakabili na ko ng hearing aid. Grabe! ang linaw na ng pandinig ko!
Juan: Talaga?! Magkano bili mo?
Pedro: Kahapon lang
________________________________________________________________

Teacher: We are descendants of Adam and Eve!
Student: That's not true! My dad sez we are descendants of an Ape!
Teacher: We are not talking about your FAMILY!
________________________________________________________________

Wife: Lab, may taning na ang buhay ko. Huling gabi ko na to, let's make love.
Husband: Heh! tumigil ka nga. maaga pa akong gigising bukas, buti ikaw hindi na.
________________________________________________________________

KRIMINAL1: "Pare, sigurado ka bang dito dadaan yung papatayin natin?"
KRIMINAL2: "Oo, nagtataka nga ako, 1 oras na tayo dito wala parin siya!
Sana naman walang nangyaring masama sa kanya."
« Last Edit: March 23, 2006, 05:08:40 am by Lt. Col. tulo_laway »

frost entangle

  • Espiya Old-Timer
  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1555
  • Karma 14
  • Gender: Male
Re: Relax!!!! Tawa muna tayo!!!
« Reply #1 on: February 20, 2006, 05:03:56 am »
GALING TOL! sakit ng tiyan ko  :D

Antheist

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 989
  • Karma 11
  • Gender: Male
  • Believing in GOD is like FOOLING your self!
Re: Relax!!!! Tawa muna tayo!!!
« Reply #2 on: February 22, 2006, 09:17:19 pm »
Nice joke bro!!

devil

  • Pioneer
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 330
  • Karma 1
Re: Relax!!!! Tawa muna tayo!!!
« Reply #3 on: February 22, 2006, 09:25:45 pm »
ok bro ah

lord_CyRuS

  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1671
  • Karma 36
  • Gender: Male
  • the SPECTRE
Re: Relax!!!! Tawa muna tayo!!!
« Reply #4 on: March 13, 2006, 09:24:27 pm »
ha ha ha ha ah ah hah ah haqa ha  hah
"YOU CAN TELL THE CHARACTER OF A MAN BY THE SOUND OF HIS HEARTBEAT..."
--- COUNT VLADISLAW DRACULA

azriel

  • Pioneer
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 355
  • Karma 0
  • Gender: Male
Re: Relax!!!! Tawa muna tayo!!!
« Reply #5 on: March 13, 2006, 09:43:03 pm »
WIFE: Himala! aga mong umuwi ngayon.
HUSBAND: Sunod ko lang utos ng boss ko. Sabi nya "GO TO HELL", kaya ito uwi agad ako.

sinabi ko to minsan sa mrs ko. binato ako ng tupperware. tawa kami pareho ng tawa! hehehe!

DesperadO

  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3702
  • Karma 102
  • Gender: Male
Re: Relax!!!! Tawa muna tayo!!!
« Reply #6 on: March 13, 2006, 10:38:53 pm »
WIFE: Himala! aga mong umuwi ngayon.
HUSBAND: Sunod ko lang utos ng boss ko. Sabi nya "GO TO HELL", kaya ito uwi agad ako.

sinabi ko to minsan sa mrs ko. binato ako ng tupperware. tawa kami pareho ng tawa! hehehe!

ayus ang lambingan ng misis mo pare ah,,,nagbabatuhan ng tupperware,,,
buti nalang pare tupperware hindi flower vase,,,baka maubos mga gamit nyo dyan sa kalalambing nyo,,,hehehe......

SpyTamers

  • The Hitch-Hiker-Hunter 2006
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2323
  • Karma 43
  • Gender: Male
  • Tamers Simply Amazing !
    • Tamers Homepage !
Re: Relax!!!! Tawa muna tayo!!!
« Reply #7 on: March 13, 2006, 11:02:57 pm »
hehehehehe okay yong jokes bro Jaw'zzzzz...... nakakatuwa nga ;D


rcjian

  • Pioneer
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 30
  • Karma 0
Re: Relax!!!! Tawa muna tayo!!!
« Reply #8 on: March 14, 2006, 12:31:49 am »
WIFE: Himala! aga mong umuwi ngayon.
HUSBAND: Sunod ko lang utos ng boss ko. Sabi nya "GO TO HELL", kaya ito uwi agad ako.

sinabi ko to minsan sa mrs ko. binato ako ng tupperware. tawa kami pareho ng tawa! hehehe!


Hehehe...  buti na lang pre hindi puntili binato sa yo, LOL, joke!!!

azriel

  • Pioneer
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 355
  • Karma 0
  • Gender: Male
Re: Relax!!!! Tawa muna tayo!!!
« Reply #9 on: March 14, 2006, 05:39:19 pm »
kaya ko nga pinakasalan yung mrs ko eh, click kami. tsaka mahirap yung masyadong seryoso palagi, hehehe!

greenjoseph

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1195
  • Karma 46
  • Gender: Male
  • "do unto others what u want others do unto you."
Re: Relax!!!! Tawa muna tayo!!!
« Reply #10 on: March 16, 2006, 08:49:49 am »
more, more, more...nakakatawa po talaga...

DesperadO

  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3702
  • Karma 102
  • Gender: Male
Re: Relax,,, Tawa muna tayo!!!pangtanggal ng stress (update)
« Reply #11 on: March 23, 2006, 05:03:54 am »
Mountain Dew

DADO: Ano ang tawag mo sa babaing flat-chested?

ATO: Walandyo

DADO: Don naman sa mga babaing ang dibdib ay katamtaman lamang?

ATO: Medyo.

DADO: Doon naman sa mga babaing ubod ng laki ng dibdib?

ATO: Mountaindyo.

True Conpisyun

Kriminal: Father, forgive me for I have sinned

Pari: Sabihin mo lahat ang kasalanan mo anak.

Kriminal: Father, pinapatay ko ang lahat ng naniniwala sa diyos.

Kayo po ba Father naniniwala doon?

Pari: Sino 'yun?

Bentong

  May isang Hapon. Kadarating lang galing Tokyo. Nag-aabang ng taxi sa NAIA.
Ibinaba muna nya ang dalawang maletang dala-dala nya. Sa tagal ng paghihintay,
binuksan nya ang relo nya at parang nakipag-usap.
Naintriga ang isang Pilipinong nagngangalang Bentong.

Bentong: Hello! Wat is dat? Is dat a cel fone?

Hapon: Yes.

Bentong: Sa sarili. Aba ok to ah. Mabebenta ko yan ng P100,000 sa kumpare ko.
         Uutuin ko nga to.

Hapon: Why are you asking?

Bentong: Are you selling dat cel fone?

Hapon: No.

Bentong: I'll buy it for P5000!

Hapon: No.

Bentong: I'll buy it for P10,000!

Hapon: No.

Bentong: I'll buy it for P15,000!

Hapon: Ok.

Binigay ng hapon ang kanyang relo kay Bentong.

Bentong: Sige. Tenks! (Sabay takbo)

Hapon: Wait! You forgot the batteries! (dala ang dalawang maleta)

Payabangan

Boy1: lahi namin ang mahabang buhay, lolo ko namatay 88 years old na.

Boy2: Ako Lolo ko namatay 98 years old.

Boy3: Ala yan! Lolo ko sobrang tanda PINATAY na lang namin.
 

Mukhang Pera

Anak: Itay sabi nila pag nakaharap ako kamukha ko si JoseRizal,
pag naka-sideview kamukha ko naman si Manuel Roxas? Ano ho ibigsabihin non?

Itay: Mukha kang pera.

Dahil sa katangahan

Mishap sa North Diversion road as reported by my kapitbahay:

Kahapon, ang Pajerong minamaneho ng isang lalaki dito sa North Diversion road
ay biglang namatayan ng makina sa hindi malamang dahilan. Bumaba ang lalaki at
binuksan ang hood upang malaman ang diperensiya ng sasakyan. Wala siyang makita
kaya't nagsuspetsa siyang baka naubusan lang ng gasolina ang Pajero. Binuksan
niya ang tangke upang silipin kung may gasolina ang sasakyan. Madilim,
'di niya makita. Inilabas ang lighter upang magkaroon ng kaunting liwanag at
idinutdot sa tangke ang layter. May gasolina nga kaya? Mayroon nga.
P.S. Bukas po ang libing.

Our Father

Pilot to tower: Wala na kaming fuel, 400 miles kami from shore.
                Give your instructions, over!

Tower: Repeat after me. Our Father, who art in heaven...
 
Ayaw sa Langit

Intsik patay punta heaven, asks St. Peter: "Ano dyan sa kabila?"

St. Peter: "Wala, impyerno. Super init!!"

Intsik: "Lipat ako dun."

St. Peter: "Ha? Bakit?!"

Intsik: "Ako benta ice water.
 
Lumulubog ang barko

Pari: San Pedro! San Jose! San Juan!....

Madre: Sta. Maria! Sta. Clara! Sta. Lucia!...

Intsik: Ano beyan! lubok na bahko tawak tawak pa kayo pasahero!!

SMB ad:

Man1: O pare, kumusta date mo with Kyla?

Man2: Pare, SMB!

Man1: SMB?

Man2: Shit, may balls!

Ano ba talaga?

JOY : Kung may gustong mag-rape sa akin, talaga bang ipagtatangol mo ako
      kahit mamatay ka?

ROD : Siyempre!

JOY: Paano kung dalawa sila?

ROD : Kahit pa.

JOY: E, kung tatlo o apat?

ROD : Teka, ano ba talaga ang gusto mo, ang mamatay ako o ma-rape ka?

Buwan

Ine-examin nung Doktor yung isang pasyente sa Mental Hospital sa pamamagitan
ng tanong at sagot. Tanong nung Doktor, "Kung ikaw ay palabasin ngayon sa ospital,
ano ang iyong unang gagawin?"

Sagot nung pasyente, "Titiradorin ko po ang buwan!"

Wika nung Doktor, "Ikaw ay hindi pa pwedeng palabasin. E-examinin ulit kita sa
paglipas ng anim na buwan." Pagkaraan ng anim na buwan, muling inexamin nung
Doktor yung pasyente.

Tanong nung Doktor, "Kung ikaw ay palabasin ngayon sa ospital, ano ang iyong gagawin?"

Sagot ng pasyente. "Doktor, ako'y magaling na. Pagkalabas ko po sa ospital,
ako po ay hahanap ng trabaho upang mamuhay ng mag-isa." Muling nagtanong ang Doktor,
"Pagnakahanap ka ng trabaho, ano ang iyong gagawin?" Sagot ng pasyente,
"Doktor, ako po ay manliligaw ng isang mabait, masipag at magandang babaeng pwede
kong makakapiling na pang habang buhay." Gulat ang Doktor! Mukhang matino na ang
kaniyang pasyente! Muli pang nagtanong ang Doktor, "Pagkatapos niyong makasal,
ano ang iyong gagawin?" Sagot ng pasyente, "Aba, Doktor, kami po ay mag-hahanimun!
" Bilib na naman ang Doktor. Tanong ulit ng Doktor, "Ano ang iyong gagawin sa inyong
hanimun?" Sagot ng pasyente, "Doktor, huhubarin ko po ang blusa at palda ng aking
bagong asawa." "Pagkatapos..." tanong ng Doktor. "Pagkatapos..." sabi ng pasyente,
"huhubarin ko ang kaniyang bra at panty". "Pagkatapos..." tanong ng Doktor.
"Pagkatapos..." sabi ng pasyente, "kukunin ko lahat ng lastiko sa bra at panty at
titiradorin ko ang buwan!"

Hiling

  Si Pablo ay nakaluhod sa harap ng Nazareno sa Quiapo. "Lord, maawa ka sa akin,"

dasal niya. "Hirap na hirap na ang pamilya ko. May sakit ang asawa ko at ang mga

anak ko'y tatlong araw nang hindi kumakain. Diyos ko, maawa ka sa akin. Bigyan

mo ako ng pera... please!"

Maya-maya, may kumalansing sa tabi niya. Tiningnan ito ni Pablo. Diyes sentimos.

Pinulot, sabay irap sa Nazareno. "Diyos ko naman. Napakakuripot. Anong

magagawa ko sa diyes sentimos? Aba'y laki-lakihan n'yo naman!" Bilang sagot

sa kanyang dasal, biglang nahulog sa tabi niya, galing salangit: Diyes sentimos,

sinlaki ng batya.

Pulubi at Pulis

Merong isang pulubing nagdadasal sa harap ng altar ng simbahan...

Pulubi: "Diyos ko! Bigyan ho ninyo ako ng pera kahit na sampung piso lang.
         May isang buwan na ho akong hindi nagmi-miryenda".

Habang dinarasal niya ito, may isang pulis na nagdadasal din sa tabi niya at
nakarinig sa kanya. Naawa ang pulis sa tao at dumukot ito sa bulsa niya ng
limang piso. Dahan-dahan itong lumapit sa tao para i-abot. Maingat niyang
inilapag ang limang piso sa nakadipang kamay ng tao. Ngunit napansin ito ng tao
at sinabi... Pulubi: "Oh Diyos ko! Sa susunod ho kung maaari, kung magbibigay
kayo, ay huwag na sanang padaanin pa sa pulis kasi binabawasan."

Bayagra

Gurang : Pare alam mo ba na ang makahiya na halaman ay daig pa ang viagra..

Tanda : Makahiya yun ba yung tumitiklop ang dahon ?

Gurang : OO, pare koy.

Tanda : Talaga bang epektibo yon ha?

Gurang : Di lang tatayo, hahaba pa ng 3 inches..

Tanda : Sige nga subukan ko...

Gurang : Dikdikin mo at inumin yung katas ng makahiya, at tatayo at hahaba na yan,
         kaso lang pare may prublema.

Tanda : Ano yung problema ?

Gurang : Eh kasi, pag nasagi yan iyo eh eh, "TITIKLOP" din.. parang makahiya..

Tanda: nakow wa epek din pala.....

chinita

  • SpyGirl
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 499
  • Karma 2
  • ...forget me not...
Re: Relax,,,tawa muna,,,pangtanggal ng stress (update)
« Reply #12 on: April 03, 2006, 06:00:51 pm »
Naalis antok ko...:D
There are two kinds of people in thisworld...the ones that wants to be me and the ones that wants a part of me...

greenjoseph

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1195
  • Karma 46
  • Gender: Male
  • "do unto others what u want others do unto you."
Re: Relax,,,tawa muna,,,pangtanggal ng stress (update)
« Reply #13 on: April 12, 2006, 12:41:40 am »
 LADY visits her doctor again.
 DOC: you look more sick and exhausted than before. are you having 3 meals a day as   I advised?
 LADY: what? I thought 3 MALES a day!

isko

  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 795
  • Karma 12
Re: Relax,,,tawa muna,,,pangtanggal ng stress (update)
« Reply #14 on: April 16, 2006, 11:17:52 am »
bravo!!.. naalis din antok ko..

MORE..MORE!!  ;D

Drix

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 108
  • Karma 1
  • Gender: Male
Re: Relax,,,tawa muna,,,pangtanggal ng stress (update)
« Reply #15 on: April 16, 2006, 07:00:08 pm »
Nyahaha! :D
"My Final Heaven"