Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Istoryang mumu  (Read 36152 times)

rararabbit

  • Regional: Cebu
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 66
  • Karma 56
Istoryang mumu
« on: July 09, 2013, 04:01:50 PM »
I was scouring the site for an appropriate area to post this thread. I think this is the best place to paste this one.


Alam naman nating lahat na maraming mga haka haka mula pa noong mga bata pa tayo, ginagamit na itong panakot ng mga magulang natin kung may gusto sila na ayaw natin. Sa tingin nyo, totoo ba ang multo? Kapre? Dwende? White Lady? Ang 3rd eye? Mga lamang lupa? Tikbalang? I would like to know guys kung ano ang masasabi nyo sa kanila. Kung may mga kwento kayo, share them here.

Kurimasu

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3638
  • Karma 111
Re: Istoryang mumu
« Reply #1 on: July 09, 2013, 07:33:47 PM »
It's all in the mind... smoking::
Dark for fear of failure an inner gloom as wide as an eye and fermenting roiling hate death grip in my veins unveiling rancid petals flowering forth foul nectar the space between a blink and a tear ...death blooms...

liquid metal

  • Liquid Metal
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 541
  • Karma 25
  • Gender: Male
  • ya need some of the good old ultra-violence eh?
Re: Istoryang mumu
« Reply #2 on: July 09, 2013, 08:10:45 PM »
sinabi mo na mismo sir, panakot lang yan.
"this world is the last bastion of HEAVEN before the gates of the BURNING HELL"

gardov

  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1359
  • Karma 43
Re: Istoryang mumu
« Reply #3 on: July 09, 2013, 08:51:15 PM »
May kanya kanya tayong opinyon pagdating sa mga multo pero ako naniniwala...

Isang istorya ay yung sa kapitbahay namin. Bagong lipat lang sya at yung 3rd floor na na apartment ang naupahan nya.

Wala pang isang linggo ata bigla na lang syang  nadinig ng mga kapitbahay na nagsisisigaw sa bintana. Tanghaling tapat pa yun. Sinisigaw nya na may lalakeng nakatayo sa pintuan nya at putol ang ulo. Mabuti na lang may rehas yung bintana dahil gusto nang tumalon ng babae sa sobrang takot

Halos lahat ng mga kapitbahay namin walang magawa dahil takot din silang umakyat, paano kasi yung dating nakatira doon ginilitan sa leeg at halos mapugutan na ng ulo.

Ilang oras din bago nagkaroon ng lakas ng loob yung mga kapitbahay namin na umakyat para tulungan yung bagong lipat.

Matapos non, hindi na nakita yung babae. Iniwan nya na lahat ng mga gamit nya sa apartment at hindi na bumalik.

chikki_kun

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 144
  • Karma 3
Re: Istoryang mumu
« Reply #4 on: July 09, 2013, 09:03:17 PM »
May kanya kanya tayong opinyon pagdating sa mga multo pero ako naniniwala...

Isang istorya ay yung sa kapitbahay namin. Bagong lipat lang sya at yung 3rd floor na na apartment ang naupahan nya.

Wala pang isang linggo ata bigla na lang syang  nadinig ng mga kapitbahay na nagsisisigaw sa bintana. Tanghaling tapat pa yun. Sinisigaw nya na may lalakeng nakatayo sa pintuan nya at putol ang ulo. Mabuti na lang may rehas yung bintana dahil gusto nang tumalon ng babae sa sobrang takot

Halos lahat ng mga kapitbahay namin walang magawa dahil takot din silang umakyat, paano kasi yung dating nakatira doon ginilitan sa leeg at halos mapugutan na ng ulo.

Ilang oras din bago nagkaroon ng lakas ng loob yung mga kapitbahay namin na umakyat para tulungan yung bagong lipat.

Matapos non, hindi na nakita yung babae. Iniwan nya na lahat ng mga gamit nya sa apartment at hindi na bumalik.

WOW! For real? Tanghaling tapat? Akala ko tuwing gabi lang yan lumalabas . hahaha .
Katakot naman talaga kung isipin mo ikaw yung naka kita. Anyways, so far hindi pa ako nakakakita nang kung ano-ano kaya interesado din ako sa mga topic na ganito . hehe .

chikki_kun

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 144
  • Karma 3
Re: Istoryang mumu
« Reply #5 on: July 09, 2013, 09:09:55 PM »
May bagong trending na Scary Video dito sa Cebu, ewan ko lang kung REAL o FAKE eto .. you be the judge.

Share ko lang to:
https://www.facebook.com/photo.php?v=275211799284740&set=vb.100003877661809&type=2&theater

TobleRONe

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 4863
  • Karma 123
  • Gender: Male
Re: Istoryang mumu
« Reply #6 on: July 09, 2013, 09:11:54 PM »
May bagong trending na Scary Video dito sa Cebu, ewan ko lang kung REAL o FAKE eto .. you be the judge.

Share ko lang to:
https://www.facebook.com/photo.php?v=275211799284740&set=vb.100003877661809&type=2&theater

meron na tayo nyan dito:
http://espiya.net/forum/index.php/topic,155671.msg1275824.html#msg1275824

IORIâ„¢

  • elite
  • 2009 Cavaliers
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1595
  • Karma 396
  • Gender: Male
  • n if u complain once more u'll meet an army of me.
Re: Istoryang mumu
« Reply #7 on: July 09, 2013, 09:19:40 PM »
to see is to believe ..dati kwento lang yan para sakin .. ive seen ghost 2 times in my entire life ..una sa hospital .. its like a white smoke na korteng tao pero naka angat sa floor.. 2nd is sa hotel.. shes crying beside me pero wala akong kasama as in talagang iyak na humahagulgol.. kaya naniniwala akong may mumu ..

espiya sunday group cavaliers

gardov

  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1359
  • Karma 43
Re: Istoryang mumu
« Reply #8 on: July 09, 2013, 09:24:45 PM »
WOW! For real? Tanghaling tapat? Akala ko tuwing gabi lang yan lumalabas . hahaha .
Katakot naman talaga kung isipin mo ikaw yung naka kita. Anyways, so far hindi pa ako nakakakita nang kung ano-ano kaya interesado din ako sa mga topic na ganito . hehe .

Yun nga ang mas nakakatakot doon e. tanghaling tapat nagpakita. ibig sabihin totoo talaga kasi buong eskinita ang nakarinig ng pagtili nya.

nakakatakot din kasi ang set up ng apartment na yun. 3 storey high lng sya pero yung hagdanan paakyat sa itaas makitid tapos yung ilaw e yung kulay dilaw pa tapos isa lang sa gitna kaya madilim pa rin.

===

Yung isang kaibigan ko din, yung apartment nyang tinirhan dati, minsan daw may batang naglalaro sa hagdanan paakyat sa kwarto nya. tapos minsan may bigla na lang daw tumatakbo pababa. Hindi rin sya nagtagal dun dahil nga mga nangyayari. tapos palagi syang nagkakasakit simula nung lumipat sya sa apartment na yun.

nakapunta na ako sa apartment na yun. nakakapangilabot talaga kasi nung umakyat ako sa kwarto nya hindi ako makakilos sa sobrang takot lol.  ::lmao. nagmadali kagad ako na umalis dahil parang ang daming nakatingin...


leightot

  • Pioneer VIP
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 7234
  • Karma 270
  • Gender: Male
  • BEA SUZY! ftw
Re: Istoryang mumu
« Reply #9 on: July 09, 2013, 09:36:55 PM »
ako naniniwala hehehe daming multo sa paligid e...mutlong bakla  laffman::

JohLo

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 162
  • Karma 0
Re: Istoryang mumu
« Reply #10 on: July 09, 2013, 11:04:25 PM »
To see is to believe, so make a thorough research. Go to alledged haunted houses, talk with spiritistas, mananabals, mambabarang, etc. I heard mananabals call spirits to ask a favor in exchange of something.
Then share your conclusion.

JohLo

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 162
  • Karma 0
Re: Istoryang mumu
« Reply #11 on: July 09, 2013, 11:32:42 PM »
It's all in the mind... smoking::

Not scientific answer... show proofs

rjelstyx

  • Regional: Davao-CDO
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 302
  • Karma 7
Re: Istoryang mumu
« Reply #12 on: July 10, 2013, 06:51:57 AM »
may creepy experience din ako nung nagreview pa ako sa cebu.. Nasa 2 storey appartment kami.. Then one time bibiruin ko sana yung klasmeyt ko.. Akala ko nasa kwarto siya kaya hinawakan ko yung door knob para di mabuksan.. May kumatok sa luob ng 2 beses pero narinig ko yung boses ng kaklase mula sa baba kaya binuksan ko yung pinto pero wala palang tao sa luob kaya bumaba nalang agad ako. Di ko na sinabi sa kanila ang nangyari baka pagtawanan lang ako  ::lmao

rararabbit

  • Regional: Cebu
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 66
  • Karma 56
Re: Istoryang mumu
« Reply #13 on: July 10, 2013, 05:49:23 PM »
Sabi nga nila pag mga spirits daw na bago pa lang namatay yung mga "ghost" at mga "foggy white objects" ay mga memory imprints lang... mga habits ng tao na madalas na ginagawa nya before sya namatay. For example, yung madalas na pagwawalis sa umaga. May mga nakakakita or makakarinig nun at iniisip nung nakakita eh nag mumulto. Or yung mga tumutunog na utensils na nadidinig pero walang nakakakita yun daw ang explanation.. pero gradually mawawala or nag ffade in time. Yung poltergeist ewan ko lang. XD

SickSativa

  • Gulong (Automotive and Motoring)
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 56
  • Karma 0
  • Gender: Male
Re: Istoryang mumu
« Reply #14 on: August 23, 2013, 10:23:30 AM »
depende parin siguro sa tao kung maniniwala or hindi. ako naniniwala ako kasi maraming beses na din ako nakakita at nakaramdam. may 2 pangyayaring hinding hindi ko makakalimutan

yung isa last august 9 lang. dumalaw yung isang dating boarder dito sa amin kasama ang kaibigan nya. medyo nagkainuman pero ako that time is pashot shot lang ng konti konti. mga 12 na noon tapos medyo maingay na yung isang bisita. tumayo ako at pumunta sa gate para magtapon ng buto ng manok. paglingon ko may nakita akong babae na nakaitim tapos pulang pula yung mata nakatitig dun sa maingay na bisita. ako ko nung una dahil lang sa alak. binalewala ko lang. pagkatapos umupo na ako. bigla na lang tumahimik yung maingay na bisita at nung tinanong namin kung bakit may nararamdaman daw syang malamig na kamay na nakahawak sa balikat nya. dahil dun naconfirm kong totoo nga yung nakita ko.

yung isa naman nangyari noong december 30,2012

dumating yung isang kaibigan namin galing manila. dun na kasi sya nagtratrabaho. pumunta kami sa bahay nila dahil nagyaya syang mag happy happy ng konti bago sya bumyahe pabalik. nasa terrace kami tapat ng isang kwarto nagpapasounds. noong una puro reggae at rock ang sounds pero nalowbat na yung phone ng isang kasama namin kaya ako naman ang sumunod. puro hiphop ang laman ng phone ko that time. pagkalapag ko ng phone ko sa lamesa biglang tumigil magplay yung kanta. pinulot ko tapos plinay ko ulit. naging ganito yung pattern pagkalapag ko ulit ng phone ko:

play-stop-skip to chorus-play-next song.  naulit ito ng 3 beses.

biglang nagplay yung ringtone ko kapag may tumatawag. nung tinignan ko, tumatawag yung kaibigan kong nasa harap ko. sabi ko sa kanya "o baka napindot phone mo tumatawag ka oh" sabay pinakita ko sa kanya phone ko. sabi nya "oo nga no" pag labas nya ng phone nya sabi nya "eh ikaw tumatawag sa akin eh". nagtaka na lang kami at kinilabutan kasi biglang tumahol mga aso sa paligid. noong pauwi na kami, dun  na lang kwinento sa akin na sa kwartong katapat namin pala  nagpakamatay yung tito ng kasama namin at mahilig pala sya sa rock na mga kanta.



rivsy

  • Be a shock resist
  • 2006 Vanguards
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 328
  • Karma 4
  • Gender: Male
  • Let’s not procrastinate
Re: Istoryang mumu
« Reply #15 on: August 24, 2013, 12:09:22 AM »
masamang espirito, demonyo at mangkukulam totoo dahil nasa bible sila.

touch go

  • 2008 Guardians
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 264
  • Karma 43
  • Gender: Male
Re: Istoryang mumu
« Reply #16 on: August 24, 2013, 01:15:48 AM »
masamang espirito, demonyo at mangkukulam totoo dahil nasa bible sila.

 agree ako dito., lahat ng mga binanggit nyo consider as masamang espiritu na ginawa ng diablo upang malinlang ang tao at para mapaniwala nya ang tao na sya (diablo) ay makapangyarihan... 

akosimetalmouth

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 65
  • Karma 0
Re: Istoryang mumu
« Reply #17 on: August 24, 2013, 01:59:52 AM »
Not scientific answer... show proofs

You show proof... The burden of proof is not with those who doesn't believe but to those who accept the belief.

I've seen first hand possessions, white lady, heard flaps of big wings at night, went inside haunted houses and felt cold touches, bangungot, apparitions... My only fault is I claimed them to be supernatural then I shivered in fear... Science now has answers to this and it all points out to our brain. Tests were done and all people came out with their own nightmare but all had the same type of test. Our brain is powerful, use it more often.

As an Atheist I can't shake the Theist's way of thinking when something he/she doesn't understand he/she shivers. But one thing is certain if a see a white lady again she'd better be ready for some ass kicking... :-)

schwack

  • Active - Three Stars
  • ***
  • Posts: 441
  • Karma 25
Re: Istoryang mumu
« Reply #18 on: August 24, 2013, 03:18:12 AM »
Ako madaming beses kuna naramdaman, napansin at na experience. Kaya naniniwala ako, tipong may hahawak sa paa mo habang naka higang mag isa, may nangangalabit sayo habang nasa kusinang mag isa at may yumu yugyog sa kama mo na wala namang ibang tao. Lahat ng mga ito kinwento ko sa mga nakasama ko sa bahat at kapamilya hindi naniwala pero noong naranasan nila yung mga kinwento ko ayun naniwala na.

Pinaka malupit yung anak ng land lady namin before habang kumakain ng breakfast eh bibbo yung batang yun mga 5 y/o yata dati, may kinakausap siya sa bakanteng upuan sa hapag kainan at niyayaya niyang kumain.

Jann Frost

  • Pronmeister
  • Knights of PS
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3114
  • Karma 143
  • Rough over Mellow
Re: Istoryang mumu
« Reply #19 on: August 24, 2013, 06:15:06 AM »
You show proof... The burden of proof is not with those who doesn't believe but to those who accept the belief.

I've seen first hand possessions, white lady, heard flaps of big wings at night, went inside haunted houses and felt cold touches, bangungot, apparitions... My only fault is I claimed them to be supernatural then I shivered in fear... Science now has answers to this and it all points out to our brain. Tests were done and all people came out with their own nightmare but all had the same type of test. Our brain is powerful, use it more often.

As an Atheist I can't shake the Theist's way of thinking when something he/she doesn't understand he/she shivers. But one thing is certain if a see a white lady again she'd better be ready for some ass kicking... :-)

Lol. Tell me what will happen kapag ginawa mo na yan. Minsan naiisip ko din yan, madalas tinatakbuhan natin because of fear. Bakit hindi natin itry sila habulin or iconfront. I wonder kapag pnunch or tinadyakan mo eh magstay still ba sila or mawawala o bigla sasama sa impact ng hangin. :D

TobleRONe

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 4863
  • Karma 123
  • Gender: Male
Re: Istoryang mumu
« Reply #20 on: August 24, 2013, 06:35:47 AM »
My Mom died on a Thursday.

Friday night may natanggap na tawag yung kumare nya. Nasa province itong kumare ng Nanay ko. She said it was my Mom who called her and told her "Hindi mo man lang ako dinadalaw". After that naputol na yung line and she tried to call back my mom, but can't reach her. Hindi pa alam ng kumare ng Nanay ko na namatay na sya Thursday pa.

the Kumare called her sister (na friend na Nanay ko) to ask how was my Nanay. Noon nya lang nalaman na patay na Nanay ko the day before pa.

Bumalik agad sya ng Manila upon learning na namatay na Nanay ko. She even showed us her CP, pati yung received call nya showing my Mom's number, date at time ng call.

As for my Mom's SIM Card, i had it all the time. kaya imposibleng may gumamit ng SIM to call her.

gardov

  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1359
  • Karma 43
Re: Istoryang mumu
« Reply #21 on: August 24, 2013, 07:32:52 AM »
My Mom died on a Thursday.

Friday night may natanggap na tawag yung kumare nya. Nasa province itong kumare ng Nanay ko. She said it was my Mom who called her and told her "Hindi mo man lang ako dinadalaw". After that naputol na yung line and she tried to call back my mom, but can't reach her. Hindi pa alam ng kumare ng Nanay ko na namatay na sya Thursday pa.

the Kumare called her sister (na friend na Nanay ko) to ask how was my Nanay. Noon nya lang nalaman na patay na Nanay ko the day before pa.

Bumalik agad sya ng Manila upon learning na namatay na Nanay ko. She even showed us her CP, pati yung received call nya showing my Mom's number, date at time ng call.

As for my Mom's SIM Card, i had it all the time. kaya imposibleng may gumamit ng SIM to call her.

wow. that's creepy and sweet din i guess.

=====

also, sa mga hindi po naniniwala sa mga supernatural, wala pong kumakalaban sa inyo sa thread na ito kaya  wag masyadong ma ere.

kung hindi kayo naniniwala, eh di ayos, good for you. lol.

Istoryang mumu nga ang title ng thread eh. para sa mga naka experience na nagsha share, kung walang ma ishare e di yung thread ay hindi para sa iyo.


BlueAlphaZero

  • 2009 Cavaliers
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3860
  • Karma 213
  • Gender: Male
  • We would like you to know a few things.
Re: Istoryang mumu
« Reply #22 on: September 05, 2013, 11:27:36 PM »
If I remember what a Jesuit professor said in a parapsychology class I once took (it was an elective; Sex Ed with Dr. Margie Holmes was full), a haunting is usually a recording - a replay (so to speak) of an event that took place in the past that can be viewed at a psychic level.

For example, if you're at an old lighthouse and hear someone dragging chains on a nightly basis, that's your basic haunting. However, if the supernatural entity dragging the chains decides to go after you one night while swinging the chains over its head (ala Ghost Rider), then it's most likely time to activate the proton pack, fire up the particle thrower, and have the ghost trap at the ready.
Custodite fideliter quod quae credita est fideliter ad vos.

rararabbit

  • Regional: Cebu
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 66
  • Karma 56
Re: Istoryang mumu
« Reply #23 on: September 10, 2013, 04:31:19 PM »
Ah i think you are referring to the residual energy imprint hauntings. sa province namin usong uso to eh. HAHA

☺☻JDC™

  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1589
  • Karma 179
  • Gender: Male
  • "pag ako gahhh!!!!" ika nga ng nawala kong mamay.
Re: Istoryang mumu
« Reply #24 on: September 10, 2013, 05:10:44 PM »
May kanya kanya tayo paniniwala pagdating dito. Madami narin ko experience sa mga ganitong pangyayari, madami ko nararamdaman kung anu anu simula nung bata ko, my mom told me may nagbabantay daw sakin dwende or good spirit daw. I believed my mom kasi minsan nagtatapat ko sa kanya na may naramdaman ko na ganito ganyan sabi nya totoo daw na nakakaramdam ko, kasi daw sya meron din, baka daw namana ko sa kanya yung "Gift" na yun. di ko lam kung bakit nya tinawag na gift eh nakakatakot naman. Ang bilin nya lang sakin wag ko lang daw buksan....She's refering too something third eye ata tawag dun. I will tell some story..

===========

Nung bata ko 5 to 10 yrs old lage ko naglalaro sa puno ng langka namin sa harap ng bahay. Mag-isa lang ko naglalaro, sabi nang mother ko sa tuwing naglalaro ko lage daw ko may kinakausap sa puno at naglalaro kami dalawa nung kausap ko. pero ko lang talga daw mag-isa. lage ko napapaniginapan ang pangyayaring "naglalaro ko sa puno ng langka na yun, na biglang may lumabas, di ko makita ang mukha basta takot na takot ko, tatakbo daw ko pataas ng kwarto. sabay tago sa ligod ng pinto habang nakasilip sa siwang ng pinto, tinitingnan at inaaninag ang taong nagmula sa puno ng langka...Habang lumalapit sakin ang nilalang na yun....bigla nalang ko nagigising sa pagkakatulog ko. Once a week ko lage napapanaginipan yung dream na yun..it was an identical dream all the time yun at tyun, at never nya nireveal sakin yung mukha nya. natigil lang toh simula nung nagcollege ko sa manila.

After 3 yrs working in kuwait nagbakasyun ko at bumalik sa amin. unang gabe ko noon umupo ko sa duyan.. malapit sa puno ng langka.. after 1 hour pumasok ko sa bahay at sabi ko sa mother ko "mommy ang sarap sa labas ang hangin, ang lamig, at saka nangangamoy na yung bunga ng langka, pwede bang bukas pitasin/kunin ko na yung bunga" then my mother told me..."totoy last two years pa pinutol na namin yung puno ng langka" then she smiled at me..di nalang ko nagcomment. naku madami pa ko kwento bukas nalang ulit.....