Mga ka-espiya, hingi po sana ko ng konting tulong about sa sakit sa balat na eksema.
Nagkaron po ko nito sa may alak-alakan. Napansin ko lang po ito nung isang araw na medyo makati lagi, ang akala ko
po ito'y isang kagat ng lamok o normal na makati lang. Pero nang tignan ko na po gamit ang salamin, rashes na pala na dry at nagtutubig pa at medyo kumalat narin. Istorbo na rin sa pagtulog. Hindi pa po ko nagpapatingin sa espesyalista kasi hirap hatiin ng oras sa work at isa pa medyo may kalayuan ang lugar namin sa ospital o clinic. Nasa jeddah KSA nga pala ko.
Baka meron kayong alam na pwede kong alternatibong gawin o home remedies habang naghahanap pa ko ng pagkakataon na makapagkonsulta sa espesyalista.
Salamat!