this i agree... kaso tungkol naman sa pananaw (na di ko sinama sa quote), yun ang masasabi kong kamalian ng mga pilipino. puro pananaw, puro kuro-kuro, lahat akala tama, kahit mali tama pa rin sa kanya. sinisisi ang gobyerno sa kalagayan nila sa buhay samantalang wala rin namang ginagawang pagsusumikap para umasenso. sasabihin sa pangulo asan na ang mga pinangako mo nung halalan? bakit, iisa ka lang ba na mamamayan ng pinas para gusto mo matupad agad ang lahat ng ipinangako? ang masaklap pa dun, karamihan ng pinoy hindi marunong tumingin sa pulitiko na talagang makakapaglinkod ng tama, tapat at mahusay. dahil lahat dito payabangan, papogian, pagalingan mambola, at higit sa lahat pinapapaniwala ang madla na tama ang kanyang kuro-kuro. typical pinoy pa rin tulad rin ng thread na ito na kahit maling kuro-kuro tama pa rin sa iba...sad but true. napakaraming batas, napakalaking pondo bawat taon ng bawat pulitiko. napakaraming pinoy na syang gear tulad ng sinasabi mo boss. pero hindi nagkakaisa yung mga gear, kahit pa di hamak na napakarami sa bilang kung ikukumpara sa mga tiwaling pulis, corrupt gov't employees up to their officials. walang pagkakaisa dahil na rin sa may kanya kanyang kuro-kuro... kung lahat ba ng mamamayan ng pilipinas may paninindigan at may iisang papanaw, lahat ng mga mali maiwawaksi natin. dahil lahat bukas ang mata at marunong magmasid at maninindigan sa twing may maling napuna ay titiyaking mananagot ang may sala. tulad nalang ng isang pulis na hoodlum, kung lahat ng mamamayan nakabantay at nagkakaisa, sa tingin nyo merong pulis na maglalakas loob na mangotong? tulad ng isang corrupt politician, kung hindi na iboboto sa sunod na eleksyon ang mga pulitikong yun, sa tingin nyo hindi natin sila mauubos lahat? tayo ang mali, dahil tayo ang nagdudunung dunungan. subukan din natin tingnan ang panig ng iba at buksan ang ating mga mata sa totoong nangyayari, dahil tayo rin ang unang apektado dahil sa mga desisyon na tayo rin ang may gawa...pero syempre alam kong impossible na magkaroon ng isang kaisipan ang pinoy. kaya wala tayong magagawa kundi ang magtiis dahil mas marami ang mangmang sa pagboto. no offense sa lahat ng mga bumoto sa mga pulitikong lalong nagpahirap sa ating bansa. tangi nalang naming magagawa na di bumoto sa kanila ay ang hilain ang sarili naming buntot. dahil walang tutulong sa amin kundi sarili. at siguradong wala kang aasahan pagbabago sa gobyerno hangga't majority ng mga botanteng nagpapaloko.