Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: North Korea ready for a massive war?  (Read 5019 times)

gkhan

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1502
  • Karma 15
Re: North Korea ready for a massive war?
« Reply #25 on: February 12, 2013, 08:07:35 pm »
Note that currency is just a medium of exchange. Nagsimula lang ito nun maisipan ni Adam Smith nun mga 1800s ang idea ng "money".  Nakagawian lang kasing gamitin ang US Dollar sa ngayon dahil sa lakas ng pandaigdigang impluwensya sa pagpasok ng 1900 ng aremikanong bangko na nagngangalang Harriman. Kung babasahin ang kasaysayan ng bangko na ito, nasa likod nito ang pamilyang Harriman at Bush. Ito ay isang investment bank na nagpayabong sa mga industriya sa buong aremika at ingglatera at nag bigay din ng malalaking pautang sa mga Nazi nuong WW2.  Kailangan ni Hitler ng malaking pinansya sa pagsakop at naging magkatuwang ang Thyssen at Harriman sa pagpapalago ng komersyo sa pagitan ng aremika at europa. Sa totoo lang, pwede naman magkaron ng pagpapalitan ng produkto ang mga bansa ng hindi gumagamit ng US Dollar at ito ay pinakita na ng Switzerland nuong WW2 ng tanggapin nila ang mga ginto ng Germany (na ninakaw din naman nila sa mga bansang sinakop at sa mga katawan ng mga Hudyo) upang palitan ng Swiss Franc na pinambili naman ng Germany ng tungsten, manganese, iron at coal mula sa Spain at Portugal. Tinawag ang ganitong transaction na Triangulation. Pag nagbalik ang ganitong sistema, mawawalan ng saysay ang dolyar ng aremika.  Tandaan na may batas ang Switzerland na lahat ng kanilang salapi na maimprenta ay kailangan may kaukulang backup na ginto. Sa totoo lang, walang sapat na backup na ginto ang pananalapi ng aremika. Wala ng sapat na pisikal na ginto sa Fort Knox kaya naimbento ang "floating rate".  Kailangan nilang pilitin ibigay ni Ginoong Marcos ang ginto sa kanila at ng di ibigay ito ay pinagplanuhan na syang tanggalin. Upang di maibigay ang ginto, ipinamahagi ito ni Ginoong Marcos sa iba't ibang bansa sa Asya upang maging batayan ng Asian Dollar. Nauna pa sana ito sa Euro Currency nguni't dahil sa takot ng aremika na wala ng saysay ang US Dollar kung sakali magkaron ng Asian Dollar ay ginawa nila ang lahat ng dahilan upang di ito matuloy. Indeed, recent history shows na nauna na ngang umusbong ang Euro Currency.

Anders.Bonifacio

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 92
  • Karma 0
Re: North Korea ready for a massive war?
« Reply #26 on: February 12, 2013, 09:07:24 pm »
Parang ang layo na ng narating ng Topic  :applause. Pero maganda discussion.

Anyway, why would North Korea attack USA. Di ko magets dahil parang walang benefit para sa kanila.

Also, USA has the most nuclear weapons/warheads sa lahat ng mga bansang may nuclear armaments. at USA lang ang gumamit ng nuclear weapon sa mga civilians.

napaka hypocritical naman. parang gusto lang talaga nilang gumawa ng rason para magstart ulit ng gyera.

kluverbucy

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 508
  • Karma 4
Re: North Korea ready for a massive war?
« Reply #27 on: February 13, 2013, 01:05:36 am »
Oo nga nagbigay lang ako ng example kung ano ang nangyari noong unang panahon, haha oo nga ang layo na ng topic.. Thanks sa discussions, anyway may sariling mundo kasi yan eh nagpapa pansin lang hindi na kasi sila napapansin puro china na lang ang nasa news. ;D

gkhan

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1502
  • Karma 15
Re: North Korea ready for a massive war?
« Reply #28 on: February 13, 2013, 02:41:28 am »
Kailangan pareho ng tsayna at north korea ng langis o kaya'y gas. Ang pinakamalapit na source ay Pilipinas at kailangan ng tsayna ng dahilan upang kunin ito sa Pinas.  Malaki ang deposito ng gas east of Cagayan at ang Liguasan Marsh sa Lanao sa lugar ng ARMM bukod sa crude oil sa Recto Bank at Scarborough.  In fact, ang secessionist dreams ng MILF stems basically from the gas underneath Liguasan Marsh. Natural, kailangan ng tsayna ng drama na legally defensible. Kailangan gumawa ng provocation upang pumasok ang aremika. Pag na provoke and aremika, papasok ang aremika sa laban ng south and north korea. Dahil may alliance ang tsayna at north korea, may rason ang tsayna na pumasok ng Pinas sa dahilang ang mga base ng aremika ay nasa Pinas. Pangalawa, ang pagpasok ng pinas ang magiging daan upang masakop ang Malaysia tungo sa pagpunta sa mga iron mines ng australia na sya din nilang pangangailangan. Note na parang na landlock o napaligiran ang tsayna with Russia sa North, Japan on the northeast, vietnam on the south and the Philippines towards their east. Kailangan nilang kumawala sa pagkapaligid sa kanila at ang paglabas in the direction of the Philippine is their escape. Its also a matter of pride on the part of tsayna sa dahilang napakaraming intsik na ipinadala nila sa Korea ang namatay sa kamay ng mga aremikano nuong Korean War. On the part of north korea, kailangan nya ng resources ng south bukod na rin sa bragging rights ng kanilang pinuno.

Idiot

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3352
  • Karma 64
Re: North Korea ready for a massive war?
« Reply #29 on: February 13, 2013, 02:59:01 am »
Quote
ailangan nilang kumawala sa pagkapaligid sa kanila at ang paglabas in the direction of the Philippine is their escape. Its also a matter of pride on the part of tsayna sa dahilang napakaraming intsik na ipinadala nila sa Korea ang namatay sa kamay ng mga aremikano nuong Korean War. On the part of north korea, kailangan nya ng resources ng south bukod na rin sa bragging rights ng kanilang pinuno.

dapat nga madaming mamatay na intsik kung sinunod lang ang plano ni Mcarthur

kung lulusubin tayo ng china e matagal na tayong nalusob dahil mas mayaman pa ang mga Intsik sa atin

pati pedestrian nga nasakup na may makikita kang "PED XING" sign

magandang strategy yan kung gagawin yan ng NOKOR yung massive refuge it can deplete food supply ng South


burnhito

  • Active - Three Stars
  • ***
  • Posts: 438
  • Karma 52
  • Gender: Male
Re: North Korea ready for a massive war?
« Reply #30 on: February 13, 2013, 04:08:25 am »
Kung gustong pitikin ng USA ang North Korea ay kayang-kaya nito kaya lang down ang economy ng US, napakamahal ang gyera at tinatamad na ang mga amerikano sa gyera. Kung gawin man yun ng Amerika malamang aalma ang China at baka pagmulan pa ng cold war ulit. Kaya sa ngayon pakiramdaman muna.

Nakatuon ngayon ang Amerika sa Middle East. Medyo maghihigpit ang China sa North Korea dahil sa pagkondena ng UN Security Council (USA, China, France, Russia, at UK)...  smoking::
If Only Close Minds Came With Close Mouth