Queenierich Rehman, umaariba sa Ms. World 2012!Gumagawa nga ng ingay ang ating representative sa Miss World 2012 na si Queenierich Rehman dahil sa kanyang kakaibang talent na pag-beatbox. Mapapanood na nga sa YouTube ang naging performance ni Queenie na pinalakpakan nang husto ng maraming nanood.
Ultimo nga raw ang mga nakakalaban niyang ibang candidates ay ginulat nito sa one-of-a-kind talent nito.
Noong talent competition nga ay sinimulan ni Queenie ang lahat sa pamamagitan ng isang acapella song na Rocketeer. Tapos ay biglang nag-beatbox medley na ito ng Teach Me How To Dougie at Yeah. Doon na raw namangha ang lahat nang nanood kay Miss Philippines.
Ang kanyang video sa YouTube ay na-upload din sa dalawang international webpages: Time at Huffington Post.
Nang tanungin daw si Queenie kung paano niya nagagawang mag-beatbox, sinabi nito na madali lang daw at kaya ito ng kahit sino.
Dahil nga sa kanyang ginawa, pasok agad sa Top 5 ng talent track si Queenie kung saan nakasama niya ang mga candidates from Jamaica, Norway, Panama at China.
"Never in the history of beauty pageants that there is a beauty queen who beatboxes. I would be the first," sey ni Queenie sa kanyang isang interview.
Umaariba nga rin si Queenie dahil sa kanyang Facebook page. Pumapangalawa na siya with 49,438 likes. Nangunguna pa rin si Miss Nepal with 152,000 likes. Pangatlo naman si Miss Vietnam with 37,300 likes. Isa sa kanila ang puwedeng tanghalin na Miss World Multimedia.
Nakapasok nga siya Top 40 ng Beach Beauty Track out of 117 candidates.
Sinulat nga ng former beauty title holder na si Joyce Ann Burton-Titular Â(Bb. Pilipinas-Universe 1985) sa kanyang blog na maganda ang chances ni Queenie na masungkit ang korona dahil sa kanyang mga pinapakitang husay sa mga Âchallenges ng Miss World.
"Well, she placed in three challenge events so I believe she has a good chance. Her beatboxings skill during the talent track earned her a standing ovation so she definitely caught the eye of MW officials.
"If politics doesn't enter the picture then Top 10 is a possibility. If she answers the way a Miss World beauty queen would answer then she could enter the Âmagic circle and even win.
"As it is, placing in the challenges is a significant achievement and we can be confident in her performance!"
Gaganapin nga ang coronation ng Miss World 2012 ngayon August 18 sa Ordos ÂStadium Arena in Inner Mongola, China. Live itong mapapanood sa TV5.
Aug.18,2012
***
source:
http://www.abante.com.ph/issue/aug1812/ent_others03.htm