sana po wag kayong tamarin basahin ito kasi faith po ang nakasalalay dito, di ko kayang di sagutin. marami pong katunayan at ito po yung ilan...
Kawikaan 8:22-27
Inari ako ng Panginoon sa pasimula ng kaniyang lakad, bago pinasimulan ang kaniyang mga gawa ng una. Ako'y nalagay mula noong araw mula ng walang pasimula, bago nalikha ang lupa. Ako'y nailabas ng wala pang mga kalaliman; nang wala pang mga bukal na sagana ng tubig. Bago ang mga bundok ay nalagay, bago ang mga burol ay ako'y nailabas: Samantalang hindi pa niya nililikha ang lupa, ni ang mga parang man, ni ang pasimula man ng alabok ng sanglibutan. Nang kaniyang itatag ang langit nandoon ako:
e kung tao si Jesus bakit nung itatag ng Dios ang langit at lupa andun sya? kung tao sya, ilang yrs na sya nabuhay nyan?
1 Corinto 1:24
Nguni't sa kanila na mga tinawag, maging mga Judio at mga Griego, si Cristo ang kapangyarihan ng Dios, at ang karunungan ng Dios.
kung ikaw ang karunungan at kapangyarihan ng Diyos, tao ka ba?
1 Corinto 2:6-8
Gayon man, ay nangagsasalita kami ng karunungan sa mga may gulang: bagaman hindi ng karunungan ng sanglibutang ito, o ng mga may kapangyarihan sa sanglibutang ito, na ang mga ito'y nangauuwi sa wala: Kundi sinasalita namin ang karunungan ng Dios sa hiwaga, yaong karunungan na itinalaga ng Dios, bago nilalang ang mga sanglibutan sa ikaluluwalhati natin: Na hindi napagkilala ng sinomang pinuno sa sanglibutang ito: sapagka't kung nakilala sana nila, ay dising di ipinako sa krus ang Panginoon ng kaluwalhatian
malinaw po na kung nakilala sana yung karunungan at kapangyarihan ng Diyos (sino po yung tinutukoy na karunungan at kapangyarihan ng Diyos dito? balik sa 1 Corinto 1:24), e di sana hindi na napako
Juan 1:18
18 Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang bugtong na Anak, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya.
nasa sinapupunan po pala ng Ama yung bugtong na Anak e. Di po pala tao. katunayan po na di tao basahin sa baba..
Hebreo 10:5
Kaya't pagpasok niya sa sanglibutan, ay sinasabi, Hain at handog ay hindi mo ibig. Nguni't isang katawan ang sa akin ay inihanda mo;
Pinaghandaan po pala ng Diyos yung pagdating ni Jesus. pinaghanda sya ng katawan sa lupa.
Filipos 2:6-7
Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios, Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao:
sino po ba yung Diyos na naganyong alipin at nakitulad sa tao? si Jesus po ba yun?
Juan 17:3
At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.
kahit di na po ipaliwanag... part 2
Juan 10:30
Ako at ang Ama ay iisa.
very clear po...