Palagay ko hindi nararapat na iisa lang ang tawaging National Hero, gaya nang pagkakabit ng label na "pambansa" sa iba't ibang bagay. Bilang bahagi ng kasaysayan, parehong nagsikap si Jose Rizal at si Andres Bonifacio para sa kalayaan ng Pilipinas. Sila at ang daan-daang rebolusyonaryo mula noong 1890s (mula nang magkaroon ng konsepto ng pagiging isa ng Pilipinas, at hindi lang Ilokos, Katagalugan, Bisaya o Mindanaw) hanggang noong lumusob ang mga Hapon.