Yaaan..
Huwag ka masyado magbasa sa internet pre kasi minsan misleading ang mga articles o mas lumalabas yung kinakatakutan at ayaw mong makita.
Eto in plaine TagLish:
Blood pati seminal fluid ang mode of transmission ng hiv.
So, pwede rin mahawa kahit yung mga hindi sexually active.
Tama sila, ang yung flu-like symptoms within one month of exposure sa virus.
Tapos nun mawawala ang symptoms, pero ang hiv, dahan dahan nang nagmumultiply sa katawan.
Ewan ko kung 20years, ang pagkakaalam ko 10 years eh, pero di ako eksperto so I guess between sa timespan na iyan,
dyan papasok ang aids, iba kasi ang aids pati ang hiv eh.
ang HIV - Human immunodifficiency Virus eh virus lang na tinatarget ang immune system mo,
tapos habang tumatagal pahina nang pahina ang immune system mo,
pag immuno-compromised ka na, ibig sabihin sobrang hina na ng panlaban mo sa mga masasamang elemento (bacteria, virus, germs) ang katawan mo,
yan na ang tinatawag na aids - acquired immunodefficiency syndrome.
Sa sobrang hina ng immune system, pati ang normal microflora (mga good microorganisms sa katawan) ay nakakadulot na rin ng sakit.
Dati, hindi nagtatagal ang mga infected, pero sa technology ngayon, mas humahaba na ang buhay nila.
Ang pinaka-intriging na research tungkol dito eh yung "assassin cells"
ITO YUNG LINKPa-check ka nalang Pre.
Tama si Ray Piss - peace of mind...
Kasi kung puro ka research pati pag-aalala eh hindi naman tayo mga eksperto dyan, ma-i-stress ka lang.
Medyo may kirot ang pagkuha ng dugo pero pagdating ng results, lahat ng problema mo mawawala.
Nakapagpa-check na ako dalawang beses na, kailangan kasi sa immigration.
woot! yun lang, pa-check ka na