di ko rin masisi masyado yung nanay. Nanay yun eh.
I completely disagree.
Siguro masasabi lang natin na HINDI natin masisisi yong nanay nya kung "magaan" lang ang ginawa ng Jason Ivler na ito...
For example, siguro kung hinahanap yong anak nya ng mga pulis for drug possession tapos ayaw nya i-surrender kasi sa loob-loob nya na kaya nyang ituwid yong anak nya at ipasok sa rehab... kesa makulong.... pag ganon siguro pwede pa nating sabihin na: "hindi natin masisisi yong nanay.. kasi nanay yon eh"
Kaso pumatay yong anak nya, tapos itatago nya.... isa lang ibig sabihin non, hindi rin tuwid mag-iisip ang nanay nya.... Kaya hindi nakakapagtaka na lumaki ng bastos at walang kunsensya ang anak nya.
Sana mabulok na sa kulungan yang Jason Ivler na yan.... Hindi lang pamilya nong biktima nya ang sinira nya... pati pamilya nya.... (pati na rin yong kawawang OFW na nadamay dahil sa kagag*h@n nya! tsk tsk tsk.... )