Para po sa mga kaespiya nating mga taga labas ng MIndanao: Ako po ay taga Maguindanao! Lahat po ng gulo ng nangyayari sa Mindanao ay nagsimulang lumala (out of control) noon pong 1986. Opo. Kung ang tingin po nh mga taga Maynila na iniligtas tayo ni Ginang Cory sa kasamaan ay maling maling po yun! Para na pong binigay niya ang Mindanao sa mga buwaya. Here's the truth. Sa panahon po ni Pres.Marcos, wala pong threat of any kind, na galing sa mga Moro. (takot lang nila). Sina Nur Misuari (MNLF), at Salamat(MILF) ay nasa exile po dahil considered enemies of the state. At ang dakilang Datu ANdal ay nagtatago rin dahil siya ay wanted sa batas. The rest is history, ika nga. Pinabalik ni Ginang Cory ang mga lider ng mga rebelde na ito sa Pilipinas. At mula sa hany ng MNLF, nagbunga ang ABU SAYAFF. Sa MILF naman, ay ang mga Kidnap-for-ransom groups, at karamihan sa mga private armies ngayon sa MIndanao. Ang mga lider naman po nila na mga wanted noon, ay ngayon ay mga mayors,governors,congressmen na! Gaya ng popular ngayon na si ANdal Ampatuan. AT NGAYON, SA PANINGIN NIYO PA, SI NOYNOY ANG MAGLILIGTAS SA ATIN??
Sa unang underline, during the time of Marcos, these guys: N. Misuari, H. Salamat, G. Jafar, A. Murad, K. Janjalani (abu sayaf founder), where sent to libya to train so they can come back to philippines and fight against the marcos. Kung maalala ko ang kwento ng mga tito ko, it was the aquinos (cory maybe) who sent them there. they were ones called the black shirts (they have a different name pa). Mindanao was a land muslims before until the time of marcos then it is called "No man's land"... a lot of muslims were massacred, lands and almost everything they own were taken. there is a mosque in mindanao and it still stands up to now, man, woman (raped and murdered) and children were killed inside that mosque. I forgot where that mosque is but, up to now you can see the mark of the blood bath. Who did it? the military during the time of marcos. So sa madaling salita, back to zero sila, maliban sa mga kumampi kay marcos like the Dimaporo clan. the ampatuans were out of the picture during those days.
so since then, rich people from luzon and visayas went to mindanao grabbed or bought these lands. kaya ngaun ung mga muslims nagwawala dahil ang lupang pinaghirapan ng kanila mga ninuno ay basta basta nalang inagaw mula sa kanila. ano pa ang laban nila, no read no write sila? di naman pwedeng pakiusapan mo lang ung nakakakuha ng lupa mo na umalis dahil sa ito ay pagmamay-ari ng kanilang mga ninuno diba? wala na silang hanap buhay, ano ang option nila ngaun? humawak ng baril at ipaglaban ang karapatan nila.
balik tayo sa unang paragraph, nung makabalik sila N. Misuari, H. Salamat, G. Jafar, A. Murad at K. Janjalani, itinayo nila ang MNLF. Nung time na ni cory, nagbalik loob si Misuari sa gobyerno dahil pinangakuan ng ARMM. after that, naitayo naman ang MILF (led by Salamat, Janjalani and Murad) dahil hindi sila sang ayon dun. ang gusto naman nila ay ibalik ang ancestral domain ng mga muslim na naninirahan sa mindanao. Abu Sayaf was then established by Janjalani.
Kaya ang ugat ng lahat ng kaguluhan sa Mindanao ay nagmula talaga sa Gobyerno. Naghirap ang mga tao sa Mindanao kaya natuto sila humawak ng baril. At hinding hindi basta makakalimutan ang ginawang pang abuso ng mga sundalo ni marcos na mas masahol pa sa ginawa ng mga ampatuan ngaun.
Maling mali rin ang ginawa ng abu sayaf, pero hindi ko sila masisisi. Wala silang kabuhayan, kinuha na lahat ng corrupt na gobyerno mula sa kanila.