Wala naman problema na magsalita ng masalita yan pero pag magbatikos ka, dapat lamang eh mag present ka ng alternatibong solusyon sa binabatikos mo at hindi puro motherhood statements ang bibigkasin. Kung ayaw ng poll automation halimbawa, dapat mag present ng financially and technically feasible na alternative. Kung wala din lang ma present na solusyon dun sa binabatikos eh di wag na magsalita at hayaan ang mga nagsisikap gawin ang isang proyekyo upang ito'y maisakatuparan or magbigay ng suhestyon upang lalo itong mapadali or mas higit na epektibo.
Sa isyu ng corruption, dapat maintindihan ng lahat na walang gobyerno sa mundo na walang corruption. It is inherent in a capitalist system, much more, in a feudal system like we have that patronage politics will be the order especially in the provinces. Upang may magawa kang proyekto sa bayan mo, normal lamang na magkakaron ng corruption. Walang proyekto na nagagawa ng walang corruption dahil kailangan din naman magkaron ng incentives for profit ang mga gagawa. Sa ganitong sistema, ang importante ay ang resulta at pakinabang sa mas nakararami. Tingnan nyo sa Makati, they accused Jojo of so much corruption pero name me a town or city in the Philippines where its constituents enjoy the same priviledges as Makati citizens have. Pag hindi naman marunong magnakaw or walang corruption, look what happened to the incumbency of the losing governor in Pampanga. Oo, dami collection sa quarry at marami pera sa bangko pero sino nakikinabang kundi ang bangko na dapat sana, ang pera ay nagagamit sa pagpapatayo ng mga proyekto. It is like a treasurer of a big company na dami cash on hand na kuntento na lang masabi na marami syang perang hawak pero hindi marunong magpaikot ng pera upang lalo itong kumita.
Sa pulitika sa Pilipinas, hindi uso ang dreamer. Kung puro ka panaginip na malinis na gobyerno at focus mo lang ay moral standards, hindi ka magtatagal and in the end, mawawalan ka ng supporters at matatalo ka sa halalan. Malayo sa katotohanan ang panaginip ng isang pamahalaan na gumagalaw as systematized as the US govt or as benevolent as the Danish system. In these times of our transition, dapat na pagtuunan instead ay ang resulta. Hindi mayaman na bayan ang Pilipinas at marami pa rin isang kahig, isang tuka so normal lamang na pambili ng panghapunan ang objective ng marami. Kung ang lahat ay meron mataas na pinag aralan at magandang kabuhayan, the political landscape will just metamorphose and bring about morally upright citizens. A good education is a result of having money to study in a better school but having the money presupposes having a good job or income. Pero until such time na trabaho at pananghalian pa rin ang objective ng karamihan, didikit pa rin ang karamihan sa aso dun sa magpapakain sa kanila.