nakakapgtaka, bakit ang mga "singers" na naturingan ay kinakabahan pag naatasan kumanta ng Lupang hinirang.
bakit? bakit sila kakabahan? pinoy naman sila di ba?, if you're proud of what you are, hindi ka na magpapavoice lesson pa, di na magpapa arrange, di na kakabahan, di na ma blanko sa lyrics. grabe nakakatuwa ung si Christian Bautista, na blankohan pa ng lyrics, eh samantalang kulang nalang eh pagkasilang mo alam mo na yung kantang iyon eh.
You should not sing it any other way around. just stand up straight, chin up, tiger look (
) then sing it proudly with patriotic thoughts in your head that will make the country better as they hear you singing it, straight forward, just like julian felipe did it.
kung susumahin mo, mula kay regine velasquez, karylle, lani misalucha, charice pengpengco, ney of 6 cycle mind
(<<<ito talaga bumaboy) until ke Martin nievera, wala pang nakagawa ng tama, yes, it's a small matter. but, the stakes are high, nawawala na ang pagiging patriotic natin at pagmamahal natin sa sariling kanta natin, kumbaga, ang Lupang Hinirang should be the Theme Song of your Nationality, dala mo yan, kahit natutulog, tumatae, kumakain, naghuhugas, naglalaro, naglalakad, tumatakbo.
ang nakakapagtaka lang eh, umaalma nalang ang NHI kapag may malaking labanan, hindi ba nila kayang maging silent worker? ung kahit walang malaking event, laban ni pacman, ay gumagawa sila bilang institusyon sa pilipinas para mapayabong at mas mapaigting ang pagpapaintindi ng ating Pambansang Awit? kailangan ba pag me kakanta sa ibang bansa saka lang sila papasok at sasabihing "hep hep hep, mali ang pagkanta" sana ay ma fullfill nila ung duties nila bilang institute sa ating bansa.
Lalo kasing papangit ang image nila kung mag rereact nalang sila nung tapos na ang pag kanta, gayung pwede naman nila itong salain ang pangyayari bago pa man ito kantahin, halimbawa, pwede rin naman na sila na ang mag contact kay Martin Nievera pa mismo pagusapan ang guidelines sa pagkanta, nang sa gayon, walang issue na ganyan di ba?
tsk tsk tsk, Pride, Greed, Envy, mga sakit ng pinoy na di kaya ng tawas o anu pa mang gamot.