Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: kawawang mga magulang..  (Read 1628 times)

Master Dave

  • Staff
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 4421
  • Karma 153
  • Gender: Male
  • Master of none
kawawang mga magulang..
« on: July 15, 2007, 11:33:02 pm »
para ito sa mga ka-espiya nating nag-aaral pa sa kolehiyo... pulot lang sa email..



Dear Anak,


Naipadala ko na ang 50 thousand pesos na tuition fee mo, panagbili na namin ang mga kalabaw natin. Ang mahal pala ng kursong COUNTER STRIKE, wala na din  pala tayong baboy, naibenta na din para dun sa sinasabi mo na project nyo na NOKIA N95, ang mahal naman ng project nayun. kasama din ang 7 thousand dun para sa field trip nyo sa MALL OF ASIA, anak malayo ba yun? mag ingat ka sa pagbibiyahe mo. isasanla pala namin ang palayan natin para mabili mo na yung instrumentong I-POD na kinakailangan mo sa laboratory nyo. Anak, komportable kaba jan sa boarding house mo? san ba kamu yan?… sa VICTORIA COURT -  maganda ba dyan? di ba mainit jan? Anak kamusta na pala yung group project nyo na SANMIG LIGHT? napailaw nyo na ba? mataas ba nakuha nyo na grado dun?


Anak sana bago pa maubos ang lahat lahat ng ari-arian natin ay maka gradweyt ka na, walong taon ba talaga ang kurso mo sa SECRETARIAL?, sana pag graweyt mo makakuha ka ng trabaho kaagad kagaya ng manager ng kumpanya para mabawi natin ang mga ari arian nating sa sanglaan. ay cya nga pala anak diba sabi mo sa JOLLIBEE / MAK DONALD ka palagi kumakain? ok ba naman sayo ang mga ulam dyan? baka hindi masarap kawawa ka naman. Eh yung school bus nyo na TAXI? sabihin mo sa driver mag ingat cya sa pag dri-drive.

 

Anak hanggang dito nalang at sa susunod ay ipapadala ko sayo ang pera na pambili mo ng ALTIS na gagamitin mo sa VACANT SUBJECT mo.


Ang nagmamahal,
Itay at Inang


P.S. Anak mag aral ka ng mabuti.


« Last Edit: July 15, 2007, 11:36:25 pm by Master Dave »

manoyihay

  • tissue please!
  • Deep Penetration Agent
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 6140
  • Karma 42
  • Gender: Male
  • With a shirt like this, who needs pants?
Re: kawawang mga magulang..
« Reply #1 on: July 15, 2007, 11:35:59 pm »
ibang version pala sau bro..

greenguy

  • Mature (18+)
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 364
  • Karma 9
  • Gender: Male
Re: kawawang mga magulang..
« Reply #2 on: July 15, 2007, 11:39:09 pm »
walang kwentang anak ito, pinagsamantalahan ang pagkamangmang ng mga magulang

MiKeDaCuTe

  • Laking Beer Brand!!!
  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3447
  • Karma 159
  • Gender: Male
  • Kung Kaya ng Iba, Ipagawa mo sa Kanila...
Re: kawawang mga magulang..
« Reply #3 on: July 15, 2007, 11:41:06 pm »
pinaikli... pero nakatawa pa rin tlga...  laffman::

excon

  • Penitentiary Chief
  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1746
  • Karma 18
  • Gender: Male
  • "hey fish! welcome to Prisneyland!"
Re: kawawang mga magulang..
« Reply #4 on: July 15, 2007, 11:44:43 pm »
ano kaya mangyayari kapag nalaman ng mga magulang nya na puro kalokohan lang pala ang ginagawa ng mahal nilang anak??

bahala sya, hindi naman ako yan eh  ;D

realwired73

  • Active - Three Stars
  • ***
  • Posts: 406
  • Karma 0
Re: kawawang mga magulang..
« Reply #5 on: July 15, 2007, 11:47:28 pm »
kawawang magulang! eto sa mga anak na suwail! gun:: gun:: gun:: gun:: gun:: gun:: gun::

Uncle_bob

  • The Rasta Man is back!
  • Deep Penetration Agent
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1728
  • Karma 17
  • Gender: Male
  • Ano ka sabog?!
Re: kawawang mga magulang..
« Reply #6 on: July 16, 2007, 12:15:12 am »
Naaalala ko tuloy dati yung college days ko nang kikick back ako ng 1k every bayad ng tuition fee para maka bili ng kung anong gusto ko... nyaks ang sama kong anak.. ayos lng bawi bawi nmn sakin nanay ko sa laki ng binibigay ko sakanya every sahod...  smoking::