Meron akong nakita sa internet (nakalimutan ko lang name nung site) pero parang teaser ad yun ng next transformer movie. Short clip yun ng pinakita sa kalye yung biglang hakbang ng paa ni Devastator. Devastator is green in color (based sa cartoons) at ang paa niya yung isnag constructicon na pail loader(right leg) at mixer yung isa (left). Ang pagkaalam si Bonecrusher sa G1 e siya yung bulldozer.
Tungkol dun sa parang proportional yung size nila between robot and vehicle form, well, may scientific theory na involved dito, yung concept ng Mass reduction - ang simpeng example nito ay yung hawakan ni Bumblebee yung cube. Di ba sinlaki ng kuwarto yun tapos eventually naging sinlaki na lang ng maliit na box. So yun.
Sana sa susunod, balik na si megatron sa original na Walter P38 gun mode niya. Understaandable naman dito sa movie kasi siya unang lumapag sa earth at diretso siya nagcrash sa yelo. Millions of years bago ang advent ng modern transporations. Pwede rin siguro maging Paladin siya, yung mobile artillery ng kano.
Brother lang ang tinawag ni Prime kay Megatron kasi sa original na story ng transformers joint leader sila ng Cybertron, sobra lang ambisyon si Megatron. Brother as in Bro! (tulad ng tawagan ng ibang spymates natin).
Sana nga next time, mabuo uli si Jazz para marinig uli natin yung ingay ng sound system niya na umiirita sa decepticons. Sama na rin si Soundwave (pinag-aaralan nila kung ano mode na siya, kasi ngayon parang outmoded na ang radio casette, baka isa siyang supercomputer o mobile satellite, hehe!), ganun din si Cliffjumper, Thundercracker at iba pang. Yung dinobots siguro baka later sequels pa yun.