Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: nawawala sa sarili pag galit???  (Read 1882 times)

paranoia_rebirth

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 443
  • Karma 15
  • Gender: Male
nawawala sa sarili pag galit???
« on: September 24, 2009, 02:08:00 am »
i have a live-in partner. we've been steady for 7 years and living-under-one-roof for almost 5 years. nagsimula tong sakit nya (ewan ko ba kung sakit nga itong matatawag) 2008 lang nung magbuntis na sya. pag nag-aaway kami masyado syang nade-depressed to the point na lahat ng maling nagawa ko binabalik nya, tuloy-tuloy syang nagsasalita at walang naririnig sa sinasabi ko. di po sa pagbubuhat ng sariling bangko pero ako yung taong napaka-pasensyoso. sinusuntok, sampal, sipa (di po ako battered husband ha!) nagagawa nya yung mga bagay na yun pero wala sya sa sarili. kung bakit ko yun nasabing wala sya sa sarili is because kinabukasan paggising nya eh wala syang naaalala sa mga ginawa nya sa akin. minsan tuloy naiisip ko sinasapian sya or psycho na sya sa sobrang depression.

nung tuesday ng gabi nagtalo ulit kami, ganun na naman nangyari pero di naman sya nananakit. tuloy tuloy lang syang nagsasalita na parang sinapian. inakap ko sya, tinanggal ko yung rosary sa headboard ng kama namin at pinahawak sa kanya & sa unang beses sa buong relationship namin hiniling kong mag-pray kami ng sabay. tuloy tuloy pa rin sya sa pagsasalita at ayaw nya mag-sign of the cross. ako nag-sign of the cross sa kanya habang akap akap sya ng mahigpit. three times kong dinasal ang apostles creed na nakatapat sa tenga nya ang bibig ko pagkatapos kinausap si BRO na tulungan akong pahupain yung galit na nasa puso ng wife ko. after ko sya dasalan parang walang nangyari, bigla syang nagyayang kumain ng hapunan. tinanong ko sya kung bakit sya may hawak na rosary at kung may naaalala ba sya. ang huling naaalala nya eh nagtatalo kami pero di na nya naaalala yung mga sinasabi nya sa akin at di rin nya alam na nagdasal ako para sa kanya samantalang three times akong nagdasal. kakalungkot ang mga nangyayari pero mahal ko pamilya ko lalo na ang anak ko kaya i'm still holding on to our relationship kahit nagkakaganun sya.

fellow spies anong dapat kong gawin? kelangan nya ng tulong pero feeling ko susuko na rin ako kasi di nya mabitiwan yung galit sa akin kaya nadedepress sya. gusto ko sanang kumunsulta kami sa psychiatrist para maresetahan sya ng anti-depressant kaso kakahiya naman chaka para namang sinasabi kong psycho sya. any ideas din kung magkano consultation chaka saan naman may psychiatrist? parang walang ganun sa mga hospital eh, correct me kung meron. sana po matulungan nyo ako... salamat ng marami sa inyong lahat sa pagbasa nitong post ko.

fhapa_dyeph

  • Fhapa_dyeph
  • 2006 Vanguards
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 89
  • Karma 2
  • Gender: Male
Re: nawawala sa sarili pag galit???
« Reply #1 on: September 24, 2009, 03:11:33 am »
Boss i think there's something wrong po sa knya. Me and my wife used to fight back when she was pregnant but not to the point nman po na nagwawala cya ng katulad ng syo. My suggestion is to seek for help and consult napo sa Dr. Di napo normal yan!!!!

docastro69

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 191
  • Karma 0
Re: nawawala sa sarili pag galit???
« Reply #2 on: September 24, 2009, 03:49:40 am »
gudpm sir nokia_5700..base sa kwento mo e baka ur wife is suffering from postpartum psychosis..Postpartum psychosis is a term that covers a group of mental illnesses with the sudden onset of psychotic symptoms following childbirth. patients manifests typical manic symptoms, such as euphoria, overactivity, decreased sleep requirement, loquaciousness, flight of ideas, increased sociability, disinhibition, irritability, violence and delusions, which are usually grandiose or religious in content.Mothers who suffer from this kind of condition are liable to other manic depressive or acute polymorphic episodes, some of which occur after other children are born, some during pregnancy or after an abortion, and some unrelated to childbearing.. although your wife may have a history of depression bago pa kayo nagkakilala or baka naman may family history sila ng mental illness. try to seek a help of a psychiatrist which can evaluate and assess your wife! wag mo na intayin na maging violent sya sa mga kids nyo..wag mo ikakahiya yang condition ng wife mo. she needs you now more than ever!! your support will help her a lot in her recovery..wag ka mahiya pumunta sa doctor! consultation fee varies pero medyo mahal sir pati ang mga gamot so make sure na ur financially ready din to support your wife..godbless to you and your wife! i know everything will be back to normal soon..

neckromancer

  • Senator Sayote
  • Moderator
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3844
  • Karma 17
  • Gender: Male
  • Dungeon Master
    • Ang Aking Munting Blog
Re: nawawala sa sarili pag galit???
« Reply #3 on: September 24, 2009, 05:34:22 am »
Huwag tayo mahiya o matakot pumunta sa doctor. Lalo na at marami naman ang confidential.

Kade Lara

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 310
  • Karma 1
  • Gender: Male
Re: nawawala sa sarili pag galit???
« Reply #4 on: September 24, 2009, 06:19:54 am »
Sir mag - inquire po kayo dito.. nandito ang mga best psychiatrist sa pinas..

ST. LUKES MEDICAL CENTER
(SAINT LUKES MEDICAL CENTER)
279 E. Rodrtiguez Sr. Boulevard Quezon City Metro Manila
Phone: +63(2)7230101

lagi mong tandaan kung meron man siyang karamdaman ikaw ang mas nakakaintindi ikaw ang umintindi.. ang ganyang sakit ay kailangan ng pag intindi at alaga..

wag mo ikahiya or matakot.. she needs help.. ako man may problema at magsimula na din ako magtanong tanong sa ngyayari sakin..

Godbless!
If you can fight, FIGHT.. HELP each other, and be PREPARED for everything..

paranoia_rebirth

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 443
  • Karma 15
  • Gender: Male
Re: nawawala sa sarili pag galit???
« Reply #5 on: October 10, 2009, 09:33:21 am »
salamat po sa mga responses. tanong ko lang po sa mga nag-respond (open din magreply ang di pa nakapagreply dito). naniniwala po ba kayo sa sapi (sinapian)? nung oct. 2 inaway na naman nya ako at nawala sya sa sarili. tulad pa rin nung last time, pinahawak ko sya ng rosary. this time lumalaban sya na kala mo napapaso sa rosary na hawak nya. itinusok ko ng mahina yung cross ng rosary sa kamay nya pero sobra syang nasasaktan. i therefore concluded na sinasapian nga sya. kinuha ko yung blessed oil na binigay sa amin ng kapitbahay at pinahiran ko sya pa-cross sa noo ng oil. nagwawala sya! di ko tinigilan. pinahiran ko rin sya ng cross ulit sa may puso nya at sa likod, lalo syang nagalit! siguro dahil na rin sa oil, rosary and prayer ko nanghina sya pero nagsasalita pa rin sya ng marahan. dahil mahina na sya ni-record ko yung conversation namin sa cp ko. sabi nya "di mo mahal si S** (name ng wife ko), niloko mo sya kaya nandito ako para tulungan sya". matagal kong kinausap yung nilalang na nasa katauhan ng wife ko. binibiro-biro, niloloko, sinasagot sagot at pilit na pinapalayas na sa katawan ng wife ko. nagpaalam rin sya pero isang mabigat na salita ang narinig ko bago sya tuluyang umalis. "babalik ako... mas malakas..." pabiro kong sinagot yung entity "eh di magwe-weights ako para lumakas din ako kasi magpapalakas ka eh!" nakakatakot pala. mag-isa akong lumalaban sa nilalang na di ko nakikita at alam kong wala talaga akong laban kasi wala akong kapangyarihan di tulad nya. nang mahimasmasan wife ko pinarinig ko yung conversation namin nung entity sa katauhan nya. takot na takot ang wife ko and nagpromise sya sa akin na pipigilan na nya yung galit nya para di na sya mawala sa sarili at para maiwasang may masamang mangyari sa amin...

sana nga tapos na yung galit nya para di na magkaganon wife ko. baka bumalik nga syang mas malakas at di ko na kayaning paalisin pa...

laitzu

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3254
  • Karma 23
  • Gender: Male
Re: nawawala sa sarili pag galit???
« Reply #6 on: October 10, 2009, 09:43:45 am »
Makipagusap ka sa pari bro kung ano ang dapat gawin. At taimtim na dasal ang kailangan nyong mag-asawa. Yayain mo syang magrosary everyday.  Pablessan mo din yang bahay nyo.
Get $50 to start/Earn up to $20/day/Earn $5 per referral


-=Kurabo=-

  • Patience is a Virtue but Time is Gold
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 5346
  • Karma 48
  • Gender: Male
  • Kurabo
Re: nawawala sa sarili pag galit???
« Reply #7 on: October 10, 2009, 10:03:46 am »
siguro mas best pa rin kung try mo ang pyschiatrist and a priest at the same time.. siguro dalihin mo muna siya sa pyschiatrist then after nun dalhin mo rin siya sa pari just in case umatake ulit.. kasi kung sapi talaga yan.. may mga certain behavior before ireccommend yan sa isang nageexcorcist..

wag mo siyang iwanan or kainisan sa ginagawa niya kasi mas nagyon ka niya kailangan.. be strong lang for tha sake of your children na rin pero mas maganda siguro kung ilayo mo muna siya sa anak mo para konting ingat lang.. check mo na rin ang family background niya baka kasi nasa lahi nila ang mental illness

it ain't over. . .till its over

hoy

  • mgzenGD
  • Mature (18+)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1275
  • Karma 6
  • Gender: Male
    • Prettys Girls in your city for night
Re: nawawala sa sarili pag galit???
« Reply #8 on: November 11, 2009, 12:32:27 pm »
dude be honest sa kanya bago mahuli lahat. ipakita mo yung war marks mo (kung meron man) chka iyakan mo.
"dear i want to be honest with you, every time we fight, you tend to do things na.... (sabihin mo yung nangyare) and nakakalimutan mo na nag away tayo..." express mo na gusto mo mag work out and try nyo magpa consult sa doctor. sabihin mo rin na ikaw magpapa consult ka para pantay kayo and hindi nya isipin na sya yung may problema. sabihin mo ayaw mo na mag away and ayaw mo umabot sa may gagawin na kayong masama sa isa't isa.
hats off for you patience dude. cheers tayo jan.  toast::

waPakman

  • 2009 Cavaliers
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 464
  • Karma 0
  • Gender: Male
Re: nawawala sa sarili pag galit???
« Reply #9 on: November 11, 2009, 09:32:48 pm »
wala ibang makakatulong sa inyu brad kondi doctor at prayers...

di naman lahat ng pupunta ng psychiatrist ay psycho...
"If you find yourself in a hole stop digging."