Luma na mga specimen na ginamit halatang babad na sa formalin. Yung brain, may balot pa ng parang membrane, ang tawag diyan ay ang mga meninges. Dalawa sa tatlong meninges ang maaaring makita sa picture. Ang parang matigas na papel ay ang dura mater at ang mas manipis na sinlambot ng miswa ay ang pia mater.
Sa unang picture ng utak, makikita na nakatanggal na ang cerebellum nito, na siyang responsible sa pagcontrol ng muscle coordination. Kitang-kita rin ang basilar artery sa may gitna ng brain. Ang artery na ito ay nagbibigay ng dugo papunta sa utak at mahalaga ito sa posterior circulation ng utak. Ang carotid artery (sa may harapan ng leeg) ang responsible sa anterior circulation ng utak.
Sa picture naman ng puso makikita ang mga taba na bumabalot sa puso. Normal ito. Makikita rin ang mga parang guhit na siyang mga blood vessels na nagsusupply ng dugo sa puso. Ito ang mga coronary artery (parang korona ang pagkaka-arrange nila). Ang mga coronary artery na ito ang siyang nababarahan kapag may heart attack.