Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Senator Juan Miguel Zubiri will Resign......  (Read 10144 times)

pspyrock

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1546
  • Karma 47
  • Gender: Male
Re: Senator Juan Miguel Zubiri will Resign......
« Reply #25 on: August 02, 2011, 11:06:31 pm »
So Be It.... Ibigay sa mga taong manunungkulan at mangugurakot at mandadaya din.... Pre Sayang eh... Naging "Matapat" na Senador si Zubiri... lalo na dun sa mga sinabi nya kanina... kung napanood o narinig mo sa tv o sa radyo ganyan tao ang kailangan na hindi dahil sa tumakbo sya sa administration ni GMA eh mandaraya na sya... lets focus on the recount then say "Anything" you like if the recount is over...

"Ang Masasabi Ko lang Sayang" That's It...

tanong ko lang paano kung nanalo pala sya..... vindication yon ng kanyang protesta against koko pimentel.... paano naman kung natalo.... edi natalo may magagawa pa tayo....tapos na at hanggang dun nalang then tatahimik na lahat...

isa pang point nasa pilipinas po tayo wala po tayo sa ibang bansa... kaya tumakbo sila kung gusto nila.... tutal naman tao naman ang boboto diba pag nanalo edi ok pag natalo edi natalo... ganon lang yon... and its a matter of policies kung ganyan sa ibang bansa edi ganon.... kung ganyan sa bansa natin edi ganon din.... wag natin sanang i-compare sa ibang bansa ang bansa natin.... yon ang batas eh.... mahirtap kasi mag-compare ng batas sa ibang bansa at dito sa atin eh....

Hindi kelangan ng batas sa punto ng "propriety."

Kinumpara ko yung isyu sa ibang bansa sa isyu natin dito dahil sa ibang bansa ay ginagawa at nagagawa nila kung ano yung tama. Hindi nakabase sa batas nila na magbitiw sila kapag nasangkot sila sa isyung tulad nito o sa isang scandal, nagagawa lang nilang magbitiw sa pwesto dahil alam nila na yun ang tama nilang gawin not because they are forced by the law. Tingin ko yan din yung ginawa ni Sen. Zubiri and that's a good start. Ang hinihintay ko at inaasahan ay sana lubos-lubosin na nya. Isn't it just proper to follow what is right? Of course I'm being idealistic pero yan yung tama e. That's all I'm trying to point out, I'm not even going to the issue of cheating, my point is if he wants to resign(due to whatever reasons he may have), he should go all out and not run for public office in the coming elections. That's that. It's a chance for him to show the public na hindi sya gahaman sa kapangyarihan at kaya nyang talikuran ang tukso ng "public service."

The truth is these politicians who keep on running every election have made the government their career. Kaya walang pagbabago kasi nagpapalitan lang sila ng pwesto. Now Sen. Zubiri has the chance to be different from these parasites. Let's see in the coming election kung ano ang magiging choice nya.

dragonking57

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2988
  • Karma 220
  • Gender: Male
  • "I imagined a dragon inside myself."
Re: Senator Juan Miguel Zubiri will Resign......
« Reply #26 on: August 02, 2011, 11:20:28 pm »
the other side...



His wife, Audrey Zubiri said she is supporting her husband's decision.
"Sa ngayon I'm very proud of my husband. Pinatunayan niya na siya ay isang tunay na lalaki," she told reporters.
For now, they will enjoy a private life together. She added in jest that they'll be "making babies."

 ;D


pspyrock

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1546
  • Karma 47
  • Gender: Male
Re: Senator Juan Miguel Zubiri will Resign......
« Reply #27 on: August 02, 2011, 11:34:19 pm »
Just found out that he is running again in 2013.

"Interviewed after delivering his speech, Zubiri said he will seek a Senate post in 2013.
"I will seek a fresh mandate," Zubiri told reporters."
http://ph.news.yahoo.com/senator-zubiri-resigning-from-post-.html

subicboy

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1170
  • Karma 19
  • Gender: Male
Re: Senator Juan Miguel Zubiri will Resign......
« Reply #28 on: August 02, 2011, 11:41:59 pm »
malabo na to makabalik sa senado...at magdadalawang isip ang kahit na anong partido pra ikampanya cya dahil sa KAGAGUHAN na to, at baka hilahin pa cla pababa hehe...

Knight_RiderX

  • James Bond Fans
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 181
  • Karma 0
  • Gender: Male
  • Knight Rider X "Kakampi Ng Mga Kababaihan"
Re: Senator Juan Miguel Zubiri will Resign......
« Reply #29 on: August 02, 2011, 11:46:25 pm »
Hindi kelangan ng batas sa punto ng "propriety."

Kinumpara ko yung isyu sa ibang bansa sa isyu natin dito dahil sa ibang bansa ay ginagawa at nagagawa nila kung ano yung tama. Hindi nakabase sa batas nila na magbitiw sila kapag nasangkot sila sa isyung tulad nito o sa isang scandal, nagagawa lang nilang magbitiw sa pwesto dahil alam nila na yun ang tama nilang gawin not because they are forced by the law. Tingin ko yan din yung ginawa ni Sen. Zubiri and that's a good start. Ang hinihintay ko at inaasahan ay sana lubos-lubosin na nya. Isn't it just proper to follow what is right? Of course I'm being idealistic pero yan yung tama e. That's all I'm trying to point out, I'm not even going to the issue of cheating, my point is if he wants to resign(due to whatever reasons he may have), he should go all out and not run for public office in the coming elections. That's that. It's a chance for him to show the public na hindi sya gahaman sa kapangyarihan at kaya nyang talikuran ang tukso ng "public service."

The truth is these politicians who keep on running every election have made the government their career. Kaya walang pagbabago kasi nagpapalitan lang sila ng pwesto. Now Sen. Zubiri has the chance to be different from these parasites. Let's see in the coming election kung ano ang magiging choice nya.

Yeah Right, So Be it..... It's Your Opinion... Hindi Na ako Makikipagtalo pa sayo ok.... But For Me Batas Parin Ng Pilipinas Ang Mananaig hindi sa batas ng ibang bansa...

Propriety na kung Propriety, But for Me "Sayang" nawalan tayo ng isang "Matapat" Na Sendaor sa katauhan ni Migz Zubiri...

Chance to be Different?, He Resigns hindi ba naiiba na sya dun.... hindi tulad ni GMA Na Kahit Ano banat nila ay HIndi makapag-resign, diba first time ito sa senado na may nagresign out of delicadeza, ibang-iba na nga yon eh.... He has "Balls" Hindi Tulad Ng Ibang "Politicos" dyan.

Running Next Election?... Desisyon Nya na yon hindi satin, Nasa kanya yon kung tatakbo sya o hindi pero malamang tatakbo sya to get "Fresh mandate From The People"... pag nanalo ok, pag natalo ok lang din....

Idealistic?  wala masama dun, pero for me hindi naman natin bansa yung pinag-compare mo eh... nasa Pilipinas po Tayo Iba po ang Propriety at batas natin dito at iba ang kultura ng Election po dito....

Sa "Totoong lang" Nasasayangan ako, hindi ka na makakakita pa na Politico tulad ni Sen Zubiri matapat at walng bahid... Yon Lang....
Knight_RiderX - Kakampi Ng Mga Kababaihan

pspyrock

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1546
  • Karma 47
  • Gender: Male
Re: Senator Juan Miguel Zubiri will Resign......
« Reply #30 on: August 03, 2011, 12:15:47 am »
Yeah Right, So Be it..... It's Your Opinion... Hindi Na ako Makikipagtalo pa sayo ok.... But For Me Batas Parin Ng Pilipinas Ang Mananaig hindi sa batas ng ibang bansa...

Propriety na kung Propriety, But for Me "Sayang" nawalan tayo ng isang "Matapat" Na Sendaor sa katauhan ni Migz Zubiri...

Chance to be Different?, He Resigns hindi ba naiiba na sya dun.... hindi tulad ni GMA Na Kahit Ano banat nila ay HIndi makapag-resign, diba first time ito sa senado na may nagresign out of delicadeza, ibang-iba na nga yon eh.... He has "Balls" Hindi Tulad Ng Ibang "Politicos" dyan.

Running Next Election?... Desisyon Nya na yon hindi satin, Nasa kanya yon kung tatakbo sya o hindi pero malamang tatakbo sya to get "Fresh mandate From The People"... pag nanalo ok, pag natalo ok lang din....

Idealistic?  wala masama dun, pero for me hindi naman natin bansa yung pinag-compare mo eh... nasa Pilipinas po Tayo Iba po ang Propriety at batas natin dito at iba ang kultura ng Election po dito....

Sa "Totoong lang" Nasasayangan ako, hindi ka na makakakita pa na Politico tulad ni Sen Zubiri matapat at walng bahid... Yon Lang....

Hindi naman ako nakikipagtalo para makipag away, I'm just stating my view on the matter. And I'm also not out to antagonize your opinion or point of view on the issue, pinupunto ko lang yung tama sa pananaw ko. Palitan lang ng punto sa issue, I don't mean to attack your views, it just so happened na iba ang pagtingin mo sa isyu na ito.

Again, iba nga ang pinagkumpara ko pero hindi ba tama naman yung ginagawa nila sa bansa nila? Why not follow their good examples and improve on their flaws? Kunin ang tama at itapon ang mali, that is how we can improve our country and ourselves.

Nasasayangan ka kay Sen. Zubiri. Ako din nasasayangan kasi sayang yung mabuting simula nya na ito na magbitiw sa pwesto para patunayan na hindi sya "kapit tuko sa pwesto." May pagkakataon na kasi sya na ipakita sa mga Pilipino na hindi lahat ng pulitiko sa bansa ay gahaman sa kapangyarihan at takbo ng takbo tuwing halalan.

Again, my point is beyond the supposed cheating, it is regarding his resignation as a very good starting point for the public to realize that there are still politicians out there who can give up their positions. Na mas maganda sana kung itinuloy nya sa paglabas talaga sa mundo ng pulitika. Sayang, that is one less political clan/dynasty for the Filipinos sana kung hindi sya tatakbo sa 2013.

By the way, I also disagree with your point na "hindi ka na makakakita pa na Politico tulad ni Sen Zubiri matapat at walng bahid," meron pa ding ibang pinoy dyan na matalino, matapat at walang bahid, yun nga lang hindi sila manalo-nalo sa halalan dahil yung pare-parehong apelyido ang tumatakbo tuwing eleksyon and they will never stand a chance against these big time politicians(minsan may nakakalusot pero iilan lang yun).

stuxnet66

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 100
  • Karma 1
Re: Senator Juan Miguel Zubiri will Resign......
« Reply #31 on: August 03, 2011, 02:12:42 am »


Bakit kaya sila gusto mag serbisyo sa taong bayan completo naman pala to si megs eh may magandang asawa may pera. Mas mabuti pa megs mag relax ka wag ka na mag serbisyo sa taong bayan magulo lng buhay mo nyahahaha.

bakekong12345678

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2551
  • Karma 8
Re: Senator Juan Miguel Zubiri will Resign......
« Reply #32 on: August 03, 2011, 02:30:42 am »
in fairness, madaming nagawa si migs zubiri kumpara sa iba. malas lang at naugnay siya kay GMA. sayang lang dahil kahit na anong buti niya, kaakibat nito ang dungis na dinala ng mga arroyo na talaga namang PAGKADUMI DUMI, lantarang pandaraya at pagnanakaw sa kaban ng bayan.

sa tingin ko sincere naman ang pagbibitiw niya. Di ka nga naman masaya sa trabaho kung ang iniisip mo parati ay ang masamang imahe na nakikita ng tao sayo. kahit na anong buti at anong galing mo sa pagtatrabaho, mababalewala dahil sa ganoong kontrobersiya.




2fear!

  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 6846
  • Karma 44
  • Gender: Male
  • Espiya - tapukanan sa DDS!
Re: Senator Juan Miguel Zubiri will Resign......
« Reply #33 on: August 03, 2011, 02:37:35 am »
kung may delikadesa pa sya... tama na magresign na talaga sya... aminin man o hindi... kasali talaga sya sa dayaan sa maguindanao...

ok lang sana kung nasa 500thou plus yung margin nya kay pimentel... kaso di umaabot ata ng 50thou yung margin...

ngayung proved na talaga na may dayaan sa maguindanao... tama lang na magresign si zubiri...




ffddss_08

  • Mature (18+)
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 66
  • Karma 0
Re: Senator Juan Miguel Zubiri will Resign......
« Reply #34 on: August 03, 2011, 03:07:24 am »
Baka tinawagan siya ni Gloria na gumawa ng isyu para mabaling ang atensyon ng mga tao sa helicopter. payback time na smoking::


peewee1693

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 171
  • Karma 0
Re: Senator Juan Miguel Zubiri will Resign......
« Reply #35 on: August 03, 2011, 03:45:14 am »
Everything about this issue about election fraud IS TRUE! And it all points to one thing. The AMPATUANS. I was there in that part of Mindanao during that election and clearly weeks after the election, votes were still up for sale, IN THE EXPENSE OF COCO PIMENTEL, of course. The highest bidder was as you know, MIGZ! And if you guys think that Gloria cheated massively in Cebu? You guessed it wrong. The king maker was not residing in Luzon, or in Vizayas. It was a small province in Mindanao where the team of Gloria got the 12-0 VOTES!  :applause :applause :applause

kobeyaki

  • 2009 Cavaliers
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 403
  • Karma 27
Re: Senator Juan Miguel Zubiri will Resign......
« Reply #36 on: August 03, 2011, 04:34:13 am »
IMO...he just resign to save his face.

migz lead against koko was only 20k plus votes as per comelec count.

as i have said , nanalo na si koko pimentel sa election protest niya at naibalik sa kanya ang mahigit 200k na boto mula sa 7 probinsya ng armm, more than enough to proclaim him the 12th senator of the 2007 senatorial election

hindi lang siya naproclaim ng SET dahil nagcounter protest si migz at sinabing dinaya rin daw siya sa NCR at ibang probinsya ng luzon. on going yung kaso niya ngayon at 8k precinct na lang ang kailangan bibilangin sa original na more than 50k precinct na dapat bilang. at sa estimate ng SET at mga abugado di na talaga mahahabol pa ni migz ang lamang ni koko.

Ilonggo-by-blood

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1445
  • Karma 37
Re: Senator Juan Miguel Zubiri will Resign......
« Reply #37 on: August 03, 2011, 06:51:55 am »
Oh well, mayaman naman angkan nya.. ::)

Umuwi na lang sya sa kanila or tatakbo na lang sya uli sa local position.  smoking

nag resign nga!

Hindi yan babalik sa local for sure tatakbo yan sa 2013!  Malaking gimik na rin to matalinong gimik isang taon lang naman eleksyon na for sure his stunt will make a sound that will reverberate till 2013.

johnholmes

  • 2009 Cavaliers
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 266
  • Karma 0
Re: Senator Juan Miguel Zubiri will Resign......
« Reply #38 on: August 04, 2011, 10:47:35 pm »
the other side...



His wife, Audrey Zubiri said she is supporting her husband's decision.
"Sa ngayon I'm very proud of my husband. Pinatunayan niya na siya ay isang tunay na lalaki," she told reporters.
For now, they will enjoy a private life together. She added in jest that they'll be "making babies."

 ;D



erase na all doubts, sure na si sexy wifey  :D She added in jest that they'll be "making babies."  cud be bold & daring statement from hotwifey. sure enjoy their private life making babies  toast::

codered

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 808
  • Karma 1
  • Gender: Male
Re: Senator Juan Miguel Zubiri will Resign......
« Reply #39 on: August 08, 2011, 01:31:54 pm »
Ang dali talagang mauto ng mga tao, matagal ng alam ni zubiri na talo sya, sa recount pa lang talo na cya, kaso magagaling ang adviser nya o maaring sarili nyang desisyon na magcounter protest kahit malabo ng mahabol para lang mapatagal ang kaso at manatili sa posisyon. Ngayung naglalabasan ang mga testigo sa dayaan naamoy nya na maiipit sya kesa nga naman ma oust sya sa pwesto mas magandang pakinggan ang nagresign sya out of delikadesa. Maniniwala lang ako delikadesa nga ang dahilan kung tuluyang di na sya tatakbo, kaso katulad nga ng hinihintay ko sabihin nya ayun tatakbo pa din sa 2013, so magandang start ng kampanya agad para sa kanya, malinis, may delikadesa, asus, kahit pa madami ka nagawa na nakita ng mga tao, ang nakakatakot dun he made a pack with the devil at di maaaring walang kapalit ang posisyon na nabigay sa kanya. I think he just lost my vote