I am one of the believers like you Sir Beaver!
Eto ang kwento kong totoo...
7 yrs old pa lang ako noon at ang status ng pamumuhay namin ay payak, katamtaman at wala pang kuryente sa lugar namin di pa nakararating noon ang meralco sa lugar namin at di gasera lang ang gamit na ilaw. madalas kami mag sight seeing ng tatay ko tuwing gabi sa kalangitan para maghintay ng shooting star, para pampaantok na din ng tatay ko sa akin, di nagtagal nakakita ako ng shooting star at dali dali kong itinuro sa tatay ko para makita din niya, ilang sigudo lang bigla na lang sumabog na para bang naghiwalay sa limang piraso at nagpunta sa ibat-ibang direksyon yung inaakala ko noon eh shooting star, maski ang tatay ko nagulat sa nakita niya, dali-dali akong hinila ng tatay ko at isinara bigla yung bintana nagtaka tuloy ako kung bakit? simula nang nangyari yun natigil na yung Shooting Star hunting namin ng tatay ko
, ngayon ay 26 years old na ako.
simula nga ng magkaroon ng internet, di na matigil ang pag reresearch ko sa mga nangyayari. madami din akong findings na nakalap ko sa mga Matatanda na nabuhay ng 100+ yrs, pero patay na ngayon sila eh, sumalangit nawa ang kaluluha nila.
may ikinukwento ang mga matatanda na halos magkakatugma pa nga. na noong panahon pa ng mga kastila (sa Cebu at davao po ito) madaming kakaibang bagay na daw silang nakita, tuwing sasapit ang gabi lahat ng tao ay pinapapasok sa kanilang mga tahanan dali dali naman silang titingin ng patago sa bintana para makita nila yung mga dinadala papunta ng simbahan para itago. pero eto lang ang ipinaliwanag nila sa kwento nila sa aken kung anong klase ng straktura iyon na dinadala sa simbahan, prang isang napakalaking platong bilog na parang bakal at may hugis bilog sa gitnal. pero dahil sa limitado lang ang nakita ng mga matatanda ganun lang ang pagkakapaliwanag nila sa akin, bukod sa ibang pang bagay nilang nakita eh hindi na nila naikwento kung anong itsura basta daw malalaking bagay na parang bakal?
ganyan din ang kwento sa akin ng mga tiyahin at tiyuhin ko na ikinuwento din sa kanila ng lolo ko sa tuhod.
Para sa mga magtatanong, Pasensya na at hindi ko alam kung anong taon yun?, pero panahon pa ng kastila iyan ha. ang tanong ko na lang sa inyo, sa tingin niyo, may itinatago ba ang simbahang katoliko sa atin?