mga ka-espiya, eto po problem ko ngayon. Ang laptop ng aunt ko ay hindi nagrun ng yahoo messenger, as a result pina-ayos niya sa isang computer shop dito sa Iligan City. Sa katangaan ba naman ng technician ay nag-offer sa kanya ng i-reformat nalang and because wala siyang alam so pinareformat niya. Inexchange nya ang genuine windows7 nya sa pirated windows7 para lang sa YM. Ito po ay ginawa 5 months ago, now, dahil vacation na, I had found out na ganun pala ang nangyari then hindi lahat ng drivers na-install dito sa laptop and worst ay hindi inayos ang video card. Naka PnP lang po ang vidcard and when I already downloaded and installed the true driver for this vidcard hindi po siya ma save sa display setting, so hanggang sa dxdiag nalang ang vidcard nya then ang default vidcard ay yung generic na 8mb. Btw, ang video card nya po ay ATI radeon hd5370. As a result now, hanggang popcap games nalang ako, di na pwede ang mga direct3d games and worst of all pirated na ang windows7 nya at pinakaworst of all, nawala ang windows7 genuine cd nya.
Ngayon, meron po akong dalawang tanong:
1. Paano ko po ma-save ang display setting na desired ko?
2. Ano po ba ang dapat gawin ko sa technician or kahit ang store kung saan siya nagpa-repair. Are there any legal actions that I can do? Ang store po na ito ay known po dito sa Iligan dahil marami na rin siyang branch dito sa Iligan.
Pa-help po mga ka-espiya. Na-awa lang po talaga ako sa ka-inosentehan ng aunt ko.