Eto pala source ng balita.. Totoo nga! aba eh ang galing niya...
http://www.hatawtabloid.com/news/34-catfrontpage/13132-saudian-bogus-na-piloto-arestado-naia-pinasok-ng-teroristaSaudian bogus na piloto arestado (NAIA pinasok ng terorista?)
Written by Jerry Yap
Wednesday, 13 January 2010 00:02
TERORISTA o ginaya si Leonardo DiCaprio sa pelikulang Catch Me If You Can?
Ito ang naging katanungan ng Airport officials nang masakote ang isang Saudia Arabian national na ilang oras nagpaikot-ikot sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at hindi agad nasita dahil nakasuot ng unipormeng pampiloto.
Aktwal na nangyayari ito NAIA Terminal 1 nang makalusot sa mahigpit na seguridad ng paliparan ang isang 19-anyos Saudian national na nakasuot pa ng uniporme ng piloto nang sitahin at arestohin sa loob ng Terminal 1 Immigration arrival area.
Kinilala ang suspek na si Mohamed Abdulah Hani Bokhari ng Kingdom of Saudi Arabia na nabatid na anim na oras nanatili at nag-ikot sa loob ng Terminal 1 departure at arrival area suot ang uniporme ng piloto
Unang napuna sa CCTV camera ang ilang beses na maling pagdaan ni Bokhari sa mga passenger movement area na hindi dinaraanan ng mga airline crew.
Sa inisyal na interogasyon, dakong 11:00 a.m. nitong Lunes nang dumating sa NAIA Terminal 1 ang suspek para sunduin umano ang kanyang ama sa Saudi Airline na isa ring retiradong piloto ng nasabing eroplano.
Pasado 5:00 pm nang dumating ang eroplano at sa loob ng anim na oras ginawang pasyalan ni Bokhari ang restricted area ng departure at arrival area.
Papalabas na siya ng arrival area nang arestohin at isailalim sa imbestigasyon ng Bureau of Immigration, Airport police at ng Philippine National Police.
Dito napag-alaman na si Bokhari ay isang overstaying alien at kasalukuyang nag-aaral sa isang flying school sa Maynila.
Lumutang din ang kapatid ng suspek na si Mohamad Abdulahh Bokhari, isang aktibong kawani ng Saudi Airline.
Ipinaliwanag ni Bokhari na wala siyang kasalanan dahil tuwing sisitahin siya umano ay kanyang ipinakikita ang kanyang identification card bilang isang dependent ng retiradong piloto ng saudi airline
Aniya, hindi siya umano nagpanggap na piloto at ang layunin niya ay salubungin lamang ang kanyang ama na dumating ng bansa. Nakikipag-ugnayan rin ang MIAA sa US Embassy upang alamin kung miyembro ng kilabot na terrorist group na Al Qaeda si Bokhari.