Espiya

Member Reviews / Recommendations => Reviews/Ratings => Restaurant Reviews => : Bill Clinton February 14, 2009, 03:27:14 PM

: Review ng Spiral Restaurant sa Sofitel
: Bill Clinton February 14, 2009, 03:27:14 PM
Mga tol last week naglunch kami sa Spiral Restaurant, heto po ang review natin...  toast::

Spiral Restaurant
Address: Sofitel Hotel, near PICC, Roxas Blvd, Pasay City


Value for money: 4/5
Budget dito around P2k per head. P1.3k kasi yung buffet price +++ (service charge, tax, drinks pa)

Sulit na din siya for the price andami kasi, it's billed as the longest buffet dito sa Pinas.

Sa umpisa plano ko maka 3 rounds plus 1 round of dessert, pero naka 2 rounds lang ako ng meals at 1 round ng dessert, di ko pa naubos lahat ng nasa plate ko.

Nagwater lang kami para more space for food, mas mura pa. Pag nag iced tea ka kasi almost P200 at refillable din, pero sayang naman di ba?

First round ko... naubos ko pa ito... may paella, tahong, Shitaake mushrooms, mushroom na may nakapaikot na bacon, grilled salmon, at parang baked mac yung luto...

(http://i613.photobucket.com/albums/tt219/billy_clinton04/spiral05.jpg)

Second round... hirap na din ako maubos itong plate na to... may noodles with Laksa (very spicy) soup, yung nasa separate plate 6 na shrimp tempura yata yun, hehe saka mga vegie tempura... sa main plate ko yung potatoes, roast beef, dumplings, eel, a few Persian foodstuff...

(http://i613.photobucket.com/albums/tt219/billy_clinton04/spiral06.jpg)

Dessert round... di ko na naubos ito... cheesecakes, mango mousse, various cakes, churros, at fresh pineapples...

(http://i613.photobucket.com/albums/tt219/billy_clinton04/spiral07.jpg)

Table namin during the dessert round...

(http://i613.photobucket.com/albums/tt219/billy_clinton04/spiral08.jpg)


Taste/ Food Variety: 4.5/5

Superb naman ang lasa ng lahat ng natry ko. Of course, sa dami, depende din sa panlasa mo. Paborito ko yung roast beef nila at pasta. Pwede rin naman na style na pakonti konti lang ng lahat para masabi mo na nakatry ka ng mga exotic food. Nakatry ako ng fried eel, laksa noodle soup, mga Persian dishes, at kung anu anong klase ng cheese.

There's something for everyone. Ang laki ng variety dito. May Chinese (dumplings, noodle bar [pili ka ng kind ng noodle, kind ng soup at mga sahog], peking duck, chinese roast pork, asado),

(http://i613.photobucket.com/albums/tt219/billy_clinton04/spiral01.jpg)

(http://i613.photobucket.com/albums/tt219/billy_clinton04/spiral04.jpg)

Japanese (tempura bar! Sushi, fresh sashimi, ebi, salmon, sukiyaki, etc), western (roast beef, lamb, glazed potatoes, etc), seafood (fresh oysters, shrimp, mussels, [may isa silang ice sculpture na isang tower ng crustaceans, hehe, pinalilibutan ng shrimps] crabs, lobsters, all sorts of fish), korean (didn't try it, hehe),

(http://i613.photobucket.com/albums/tt219/billy_clinton04/spiral02.jpg)

(http://i613.photobucket.com/albums/tt219/billy_clinton04/spiral03.jpg)

Italian (may pasta bar, pizza bar, etc), mediterranean (kebabs, curries, shawarma, etc), Pinoy (may paella, vegies, etc) and may iba pa na baka nakalimutan ko lang, hehe

May dessert buffet din, fresh fruits, andaming variety ng cakes, churros, atbp. Warning lang, pagdating ng dessert, mahihirapan ka na talaga umubos, hehe  :D


Ambiance: 5/5
Ang haba ng buffet line. Since based siya sa hotel, maganda talaga yung place. Divided din siya into several smaller "themed" areas. Yung mga female waitresses mga good looking din.  ;)



Others:
We had lunch at dumating kami at around 1:30 pm. Nagclose na din yung buffet at 2:30 pm. Sinasabi naman nila 10 mins before magclose yung buffet.

Pwede din kayo mag uwi ng chocolate chip cookies nila, tissue lang katapat, panalo.  ;)
: Re: Review ng Spiral Restaurant sa Sofitel
: t43m4n April 21, 2009, 09:52:17 AM
i think its more expensive now. 2.6k ata with tax na
: Re: Review ng Spiral Restaurant sa Sofitel
: Paprika April 21, 2009, 10:26:29 AM
Wow! Malapit lang mapadaan naman paminsan with family. Thanks, Papa Bill.  ;)
: Re: Review ng Spiral Restaurant sa Sofitel
: laces522 April 21, 2009, 12:01:39 PM
hmm yummy....mayaya nga si fafa jan....like namin ganyan...food trip.... ::) ::) ::)
: Re: Review ng Spiral Restaurant sa Sofitel
: Master Of Disaster (m.d) April 21, 2009, 12:09:04 PM


Notice ko lang pareng Bill ha...

Ang Lakas mong kumain!!! grabe ang laman ng plate parang two days ka nag diet
;D

for special occasion this place is nice!

 over all it's too steep for a regular pinoy to pay 2k and beyond for a single meal!
: Re: Review ng Spiral Restaurant sa Sofitel
: DjDaveTrance April 21, 2009, 06:21:40 PM
2k? Wow mas mahal pa siya sa eat all you can sa WaterFront CEBU ah.
: Re: Review ng Spiral Restaurant sa Sofitel
: Bill Clinton May 19, 2009, 03:26:07 AM


Notice ko lang pareng Bill ha...

Ang Lakas mong kumain!!! grabe ang laman ng plate parang two days ka nag diet
;D

Haha di mo talaga mapipigilan kumain ng that much bro. Pero di na din siya healthy, minsan minsan lang dapat, hehe

You may overeat kasi para "masulit."  :D
: Re: Review ng Spiral Restaurant sa Sofitel
: ♥»»bLűeSΩűL««♥ May 19, 2009, 06:18:30 AM
ayokong nakakakita ng ganito...
nagugutom na naman kase ako!!!
hehehehehe

 finger4u