Espiya

Espiya Lobby => General Topics => : Shadow_Brainiac August 23, 2007, 04:49:04 AM

: Another Wowowie Game Show Scandal.
: Shadow_Brainiac August 23, 2007, 04:49:04 AM
Eto ung bagong game show scandal ni Willie Revillame.

Nahaharap sa bagong kontrobersiya ang bantog na noontime game show na “Wowowee” ng ABS-CBN matapos dagsain ng rekla­mo ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at Department of Trade and Industry (DTI) tungkol sa “anomalya” o “dayaan” sa pinakabagong palaro nilang Wilyonaryo Jackpot.

Noong Sabado inilun­sad ang palaro, ngunit ito ay celebrity edition lamang at nito lang nakalipas na lunes, Agosto 20 pormal na binuksan para sa mga contestants.

Naging contestant ang isang nagngangalang Weng at mismong si Willie Revillame ang umistima rito para sa mala-pera o ba­yong na larong tinawag nilang “Wilyonaryo Jackpot.”

Ang palaro ay parang pinball at papipiliin ang contestant ng isang wheel na may kulay at doo’y papahu­laan kung nais ba nito ang “Wilyonaryo” o “Winame.”

Kung ang Wilyonaryo ang pinili, may tsansa ang contestant na manalo ng P2 milyon; P1 milyon o P500,000 at bahay at lupa. Kapag Winame (Uwi na ko) naman ang pinili, ibig sa­bihin ay tatanggapin na lamang nito ang alok na pera ni Willie at uuwi na lamang ang contestant.

Pinili umano ni Weng ang ‘Winame’ kasama ang P100,000 na alok ni Re­villame, bukod pa sa napa­nalunan nitong P37,000 sa ‘elimination round’ bago ang jackpot round.

Hindi naman nabigo si Weng na maging tama ang pasya dahil ang pinili nitong kulay puting wheel ay naglalaman ng 0 na ibig sabihin ay kung ito ang pinili, tiyak na bokya o uuwi siyang luhaan.

Kagaya ng patakaran sa iba’t ibang game show, sisilipin kung nasaan ang ‘jackpot price’ at sinabi ni Revillame na ito ay nasa kulay lilac o violet na wheel.

Nang aktong bubuksan ng kontrobersiyal na host ang nasabing ‘wheel,’ lu­mabas umano rito ay 0 (zero).

Nakasaad sa bahagi ng transcript ang ganito:

Mariel Rodriguez: Ayon walang laman

Willie: Mali, Mali, Mali. Sandali. Ang P2 milyon ay (habang binubu­not sa likod ng wheel) eto pala.

Mariel Rodriguez: Ha­wak mo pala Pappy

Willie: Ayon hawak ko pala, Alright ayan po ang P2 milyon, 2,000,000.

 Dahil sa insidente, na­buko na dalawang uri ng papel o ‘film’ mayroon ang ‘jackpot’ wheel ng nasabing palaro kung saan ay maaari nilang gawing milyon ang zero na numero o gawing zero ang milyon na numero.

Ayon naman sa mga nakasaksi sa panonood, nagtataka rin sila kung bakit nasa likod lagi ng ‘wheel’ ang kamay ni Revilla.

Ang naturang pagkaka­buko ay nai-record ng ilang ‘televiewers’ at anumang araw mula ngayon ay ipa­dadala nila ang kopya ng CD nito sa tanggapan ni MTRCB chairperson Ma. Consoliza P. Laguardia at DTI na inaasahang magpa­patawag ng imbestigasyon hinggil dito.

Nabigo namang maku­hanan ng pahayag si Villa­me sa naturang alegasyon.

eto ung link

http://www.philstar.com/index.php?Bansa&p=50&type=2&sec=54&aid=20070822171 (http://www.philstar.com/index.php?Bansa&p=50&type=2&sec=54&aid=20070822171)
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: MiKeDaCuTe August 23, 2007, 04:56:56 AM
hay... kapag may masama ka talagang hangarin, talagang mabubuko...
mga mabubuti at tapat ang laging nagwawagi sa huli...  smoking::
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: solmyr August 23, 2007, 04:58:26 AM
ah... yan pala yun sinasabi ng Eat Bulaga kanina na may dayaan daw sa kabilang estasyon... hmmmm wawa naman ang 2...
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: TobleRONe August 23, 2007, 05:01:43 AM
sana may mag-upload ng video.
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: Shadow_Brainiac August 23, 2007, 05:07:50 AM
maraming nag aabang nito sa youtube. balita ko marami ang nakakuha nito at iuupload sa youtube.

inaabangan ng lahat na baka masuspend na naman ng MTRCB si willie at ang wowowie.

: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: AsPhYxxx August 23, 2007, 05:45:56 AM
npanuod ko un pero think zero lahat un pero sinusuksok nila ung tatlong prizes ung 50,00 , 1 mil and 2 na digit... cguro dpat lang palitan ung wheel dpat sa harap buksan or sa taas... kase kaya sa likod lang binubunot para masangi ang bebe ng white castle girl na si RR hehe!
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: qtaw3 August 23, 2007, 06:08:54 AM
just 2 words.....................EAT BULAGA!!!! laffman::
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: yonipspy August 23, 2007, 06:15:39 AM
 laffman::
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: Rockford August 23, 2007, 06:25:51 AM
kung mapatunayan na totoo ito.......kawawa naman yung mga nadayang contestants.....

malamang sa ibang games nila, may dayaan din

ang karma nga naman.................... ultra stampede incident nung una tapos eto naman ngayon........

 laffman::
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: wolfpaq August 23, 2007, 06:30:44 AM
Kaya lang naman sumikat ang wowowee e dahil sa tfc... toast::
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: Agent Tom August 23, 2007, 06:42:35 AM
sana may maglabas ng video...
niloloko lang pala nila ang taong sumasali....
bad...bad....bad....
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: excon August 23, 2007, 09:57:20 AM
may mga nanonood na nga sa kanila, sumasali sa mga palaro at umaasang mananalo tapos ganyan pa gagawin nila.. wala talagang magawang matino itong si willie.. di pa rin nadala!

dapat sa kanya igapos sa wheel/board tapos ipaikot.. baka kase na-misplace lang ang utak nya kaya ganyan mag-isip..

kakainis ang mga ganyang tao.. sarap  gun::
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: limited22 August 23, 2007, 10:29:27 AM
SOBRANG DAMING ATRASO NA NG WAWAWE DAPAT DYAN STOP NA!!!!!!!!!!!!!!! GAWA NLNG ULIT NG BAGO!!!!!!!  gun:: gun:: gun:: gun:: gun:: gun:: gun:: gun:: saka ang dami pa naman namatay dyan mandaraya pala cla amp!!!!!!!!!
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: Paprika August 23, 2007, 10:44:19 AM
You can't judge and say na masama ang ginagawa nila just because of that.  Ginawa nila yun in theories I would like to point out:

1) Gusto talaga nila tulungan yung contestant. (Mahirap eto kailangan pa ng debate)
2) They want to promote that segment that sinadya nila papanalunin ang contestant. (I don't think it's wrong at all, kaso it should have been better kung di na lang talaga nila ginawa)

Siyempre business is business.  They want ratings. Ratings is not bad because when you are in the show business and media, kailangan mo ng viewers para naman hindi pangit yung labas.  Ang mali dun is Willie shouldn't have pushed through that decision na ibigay ang million.  Sabagay, I doubt people will hate the segment kahit natalo yung contestant.  The plan was to be discreet as possible. What a mistake.

Yan ang tinatawag na dapat parehas. Kahit na sabihin mo na gusto nilang tumulong ay hindi sila namimili ng bibigyan nila ng jackpot prize.

Sa kaso kasi nila ngayon. halatang me pinapaboran sila kung type nilang papanalunin ung contestant. E kung papaanong ayaw nilang papanalunini ung contestant pero dapat ay talagang mananalo ung tao.

Dapat maging parehas sila. Walang maliit, walang paborito, walang magando o pangit. Kumbaga kung kapalaran mo talaga na manalo ng 2 milyon ay talagang kapalaran mo yon at wala yon sa kamay ni Willie Revillame.

: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: AsPhYxxx August 23, 2007, 10:48:55 AM
mhirap mgjudge kaya hintyin mna nntin ang kanilang paliwanag! yan ang hirap satin eh puro panghuhusga let'z w8 the result of investigation! madalng magsalita mahirap umunawa..
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: Yubi Akira August 23, 2007, 11:12:50 AM

   Marami nang atraso si Willie Revillame bilang tao, bilang host at bilang mapag panggap na maka mahirap. Magmula nang mangyari ang Ultra Stampede na 70 katao ang namatay bakit hanggang ngayon nde pa nahahatulan ang kaso na dapat ay managot si Willie at ang buong staff nang Wowowee at ABS-CBN. Nasan ang justice? at ngayon eto na naman sa pandaraya nila sa Willyonaryo. tsk tsk tsk.
   Sana nde lang MTRCB ang umaksyon sa panloloko nila sa kapwa. Sana mismong ang managemenr nang ABS-CBN ang mismo mag reprimand at magbigay nang action sa maling ginagawa nang show. Sobra na ang mga kalokohan ni Willie at nang kanyang staff. Sa kagustuhan niya malamangan ang Eat Bulaga kung ano ano na ang kanilang ginagawa. Minsan na lumamang sila sa ratings over EB pero lately angat na ulit ang EB. Willie is playing dirty to win kse malaki ang responsibility niya sa management nang ABS na patunayan he deserves all the breaks that was given to him. This incident sana.... wag palampasin, sana magkaron nang justification at wag sana mabale wala.
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: Paprika August 23, 2007, 11:20:28 AM

Malamang biased naman ata ang mga statements mo tungkol kay Willie.  I, for one, am not pro Willie pero I understand him kasi he is an EMPLOYEE just like me. Siyempre under command ka. Sa Military perpective pa nga di ba is mission is crucial and is everything.  Ginawa nya lang malamang ang utos sa kanya ng management so it's kind of brash and inaccurate kung lahat ng pinpoints and accusations kay Willie lang.  If not for money, fame, and recognition, hindi naman siguro nagawa ni Willie yun. Willie Revillame is nothing different than all his contestants in his gameshow PERIOD.  Meron din syang ups and downs parang tayo. I would have probably done the same, if not I would have been fired or reprimanded, or worse suspended, if not having done that.
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: Yubi Akira August 23, 2007, 11:33:26 AM

   I am watching Wowowee everyday at nirerecord ko pa. from opening to Du Du Du to Willie of Fortune hanggang Wiillyornaryo naoobserbahan ko ang lahat nang kilos nde lang ni Willie, pati ang lahat nang nasa show isama mo na ang manyak na OWEN na floor director nang WWW.
   Ang pagiging biased ni Willie sa pagpili nang Bigatin cotestants, ang pag fli flirt sa show sa mga babaeng maganda, sexy, naka skirt etc, at ngayon sa Wilyonaryo scandal. Nde gugustuhin nang management na sadyain ang panloloko sa mga contestants ito ay nasa discretion nang show host. Nde ako biased kay Willie nang walang basehan. Ang daming insidente na siya ay pinagsabihan ang MTRCB. kung sa inyo malinis si Willie wala nang madumi.
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: Paprika August 23, 2007, 11:37:25 AM

Who knows? Maybe tama ka. Pero the only way to determine is to prove beyond reasonable doubt na guilty nga siya, which I could say rests on no person's hand.
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: Michael K***s August 23, 2007, 12:16:26 PM
madaya talaga ang wowowee! eat bulaga ako! siraulo ang abs
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: wildecox August 23, 2007, 12:26:59 PM

update nyo kami kapag may video na ha. ;)
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: boytoge August 23, 2007, 01:00:59 PM
tfc lang naman nanonood nyan, nacocornyhan ako sa wowowee parang pilit yung comedy, ok parin sa eatbulaga kahit luma na ok parin  bnana
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: -=Kurabo=- August 23, 2007, 06:01:39 PM
kawawa nmn ung mga sumasali pumila ng matagal tpos lolokohin pa? ano un?.. eat bulaga n lng kau.. pti sa umpisa p lng hindi n nka2tuwa wowowie.. ginagawa nilang katawa tawa ung mga contestants..
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: wakooo August 23, 2007, 07:18:07 PM
eat bulaga pa rin!!! toast::
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: ricyclops August 23, 2007, 08:54:12 PM
eto yung video .... di ko alam paano mag-flash dito ...

watch it here >>  http://www.youtube.com/v/50p8GtTBjx4
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: pinoyaggie August 23, 2007, 09:09:15 PM
Ngayon lang ako nakakita nang nadaya pero nanalo parin ng 100,000. Hirap talaga ng buhay ngayon may 100,000 kana na di mo talaga pinaghirapan eh nagrereklamo kapa. Sugapa na tawag diyan.  ???
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: ricyclops August 23, 2007, 09:16:37 PM
ha!!!???

hindi naman yung naglalaro ang nakakita at nagreklamo ... mismo na rin mga nanonood .... pano kung ikaw ang nandun tapos napili mo yung 2M tapos ang binunot nila ay yung ZERO, ok lang ba sayo yun?

 ???
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: The Dark Knight August 23, 2007, 09:33:12 PM
Eat Bulaga ako eh......

i hate Willie Revilame..mayabang at arogante..napaka-sinungaling pa........

tuloy anak nyang si meryll ang naka-karma sa katarantadohan nang tatay nya...
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: -=Kurabo=- August 23, 2007, 09:54:30 PM
Eat Bulaga ako eh......

i hate Willie Revilame..mayabang at arogante..napaka-sinungaling pa........

tuloy anak nyang si meryll ang naka-karma sa katarantadohan nang tatay nya...

dagdagn mo pa.. plastic  smoking::
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: Lusok August 23, 2007, 10:12:33 PM
lang hiya talaga tong c papi oh....dami ng negatibong mga pangyayari sa kanyang buhay!..dapat irehab muna ito c papi para tumino!
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: codered August 23, 2007, 10:14:56 PM
Kahit saan mo tingnan, it's all wrong. Everything is caught on tape anong excuse pa ang pwede nilang ibigay. The program as a whole is guilty of cheating the people. Ang hirap lang sa mga Filipino madaling magpatawad or should I say "magpa-uto", dramahan lang ng konti na sorry nagsisisi na ako wala na.

Pero bakit pa rin tinatangkilik ng mga tao yung gameshow kahit niloloko na sila, ginagawang tanga, kahit ikamatay pa nila? Kasi ganun na kahirap ang mga tao, papalampasin na nila yun sa presyo na makakadagdag ng konting ginhawa sa buhay nila kahit panandalian lang at ang kalagayan na yan ng tao ang inaabuso ng mga yan para sa magsurvive ang show nila. Bakit pumapayag ang mga tao? Kasi kailangan nila ng pera o wala silang trabaho, bakit pumapayag si Willie na gawin yun, kasi kailangan nya ng pera at trabaho...Bottomline, nag-gagamitan lang lahat at ang nasa taas ang laging panalo, ang mga tao ang pinakakawawa...Sabi nga ni Bamboo, habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok di matatapos itong gulo...bow
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: MiKeDaCuTe August 23, 2007, 11:07:55 PM
eto na nga yun... tingnan nyo din yung mga related videos... eto na ang ebidensya, huling huli talaga...

[youtube=425,350]50p8GtTBjx4[/youtube]

[youtube=425,350]jZb58E8rhGQ[/youtube]

Credits to ricyclops

: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: kinjikitatani August 23, 2007, 11:40:20 PM
long live...eat...bulaga!
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: realwired73 August 23, 2007, 11:45:00 PM
Kaya nga hindi ako nanonood niyan wowowee. Puro kalokohan, nandadaya pa ngayon! Wala na rin ata nangyari sa kaso sa ultra. gun::
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: pinoyaggie August 24, 2007, 12:22:29 AM
"pano kung ikaw ang nandun tapos napili mo yung 2M tapos ang binunot nila ay yung ZERO, ok lang ba sayo yun?" How can you prove na ito nga ang nangyayari sa Wowowee? We should not jump into conclusions. Maraming possibilities, maaring nagkamali si Wilie nang hatak, instead na hilain niya ang cover ng wheel ay nahila niya yung 2 Million film. 

ha!!!???

hindi naman yung naglalaro ang nakakita at nagreklamo ... mismo na rin mga nanonood .... pano kung ikaw ang nandun tapos napili mo yung 2M tapos ang binunot nila ay yung ZERO, ok lang ba sayo yun?

 ???
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: TobleRONe August 24, 2007, 01:00:11 AM

napanood mo ba yung video? may zero ng lumabas sa violet wheel. and may film pa na hinugot si willie na may #2. clearly 2 yung film sa violet wheel.
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: shavehead August 24, 2007, 01:04:34 AM
dapat patayin na yan si willie....ebenta na yan...sa mga hired killer...tapos bombahin ang abs....

parehas lahat...kkahit sa game nila na TANTRA ONLINE GAME...GANUN PARIN PURO CORRUPT ang mga GM'S at admin....

pera lang habol sa lahat ng player.....
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: DRAGO August 24, 2007, 01:13:28 AM
nakita ko yun video sa utube at bkit nga naman ganun , sasabihin nya infront of television na "mali , mali pala" as in mali pala yun nabunot nya sa likod nun violet na box, u mean to say na maraming numero ang nasa loob nun box at depende sa kanya kung gusto nilang manalo yun contestant or hindi tsk tsk, di ba dapat eh isa lang numero ang nakasaksak dun sa loob nun box...........
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: Yubi Akira August 24, 2007, 02:04:11 AM
kailan ba naging parehas si Willie sa kanyang show? lahat pang lalamang nde lang sa mga mahihirap na contestants pati na rin sa mga pambabastos niya sa mga babaeng sexy sa show flirty siya nde na inisip na noontime show ang Wowowee at maraming batang nanonood. ABS-CBN deserves better host than Wilie.
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: aktibista August 24, 2007, 05:57:39 AM
kailan ba naging parehas si Willie sa kanyang show? lahat pang lalamang nde lang sa mga mahihirap na contestants pati na rin sa mga pambabastos niya sa mga babaeng sexy sa show flirty siya nde na inisip na noontime show ang Wowowee at maraming batang nanonood. ABS-CBN deserves better host than Wilie.

dati pa naman yan sir yubi ewan ko lang bat lagi gustong kunin ng abs si willie bilang host kaya pala kahapon laging nagpaparinig si joey de leon na yung laro ni wlang daya tapos nagpapalakpakan yung mga tao tapos tinatanong ni joey de leon "maykilala kayo?"  ;D
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: albback4u August 24, 2007, 06:27:55 AM
You can't judge and say na masama ang ginagawa nila just because of that.  Ginawa nila yun in theories I would like to point out:

1) Gusto talaga nila tulungan yung contestant. (Mahirap eto kailangan pa ng debate)
2) They want to promote that segment that sinadya nila papanalunin ang contestant. (I don't think it's wrong at all, kaso it should have been better kung di na lang talaga nila ginawa)

Siyempre business is business.  They want ratings. Ratings is not bad because when you are in the show business and media, kailangan mo ng viewers para naman hindi pangit yung labas.  Ang mali dun is Willie shouldn't have pushed through that decision na ibigay ang million.  Sabagay, I doubt people will hate the segment kahit natalo yung contestant.  The plan was to be discreet as possible. What a mistake.

Yan ang tinatawag na dapat parehas. Kahit na sabihin mo na gusto nilang tumulong ay hindi sila namimili ng bibigyan nila ng jackpot prize.

Sa kaso kasi nila ngayon. halatang me pinapaboran sila kung type nilang papanalunin ung contestant. E kung papaanong ayaw nilang papanalunini ung contestant pero dapat ay talagang mananalo ung tao.

Dapat maging parehas sila. Walang maliit, walang paborito, walang magando o pangit. Kumbaga kung kapalaran mo talaga na manalo ng 2 milyon ay talagang kapalaran mo yon at wala yon sa kamay ni Willie Revillame.

Eto naman ang theory ko why they changed that part of the show.
Ewan ko kung natatandaan niyo na dati ng na scandalo ag show na yan.  Mismo yung winning contestant ang nag-sabi ng modus operandi ng mga game show fixer.  Sasali sila thru the game fixer, who in turn knows people inside abs-cbn, they can guarantee na mananalo sila but in return they have to get a share of whatever they win.  Na cover pa ito ng investigative program nilang 'XXX' at ng mga ibang news agency.  now, knowing na meron mga syndicate working within them siguro ginawa ng management is to let Willie decide who gets the money.  Kasi baka malugi sila kung laging mga tao ng syndicate ang laging nag-lalaro.  Nag-kamali si Willie sa pag-hugot dapat nag-practice muna siya....hehe

pero kung ako sa abs revamp nila ang buong games nila. kasi:
• eto na ata ang pinaka malungkot na gameshow...everyday meron nakakalungkot na storya.  Dapat tawag sa kanila 'Nag-mamahal Kapamilya the Gameshow Edition'  Papalungkotin ka muna, then papasayahin ka.
• at napansin niyo ba na itong gameshow na 'to maraming winning prices pero natatakpan.  Hanggat hindi binubuksan hindi mo alam kung ano mapapanalunan.  (may chance mag-palit ng price) Most, if not all 'gameshows', shows you what the winning price is win but you either have to answer a question or do a challenge.  Hindi tago yung price.

at ang dami masyadong wowowee girls...sipain lahat...tira lang yung marunong mag-split...LOL

: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: excon August 24, 2007, 07:31:04 AM
si willie talaga, sa kagustuhang maangatan at matabunan si bossing kahit ano gagawin. ganun na ba sya kadesperado?!

dapat talaga sa kanya  gun::
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: TigerClaw August 25, 2007, 03:33:46 AM
napanood ko ung episode na un sa TFC...first time kong manuod ng show na Wowowee...dko alam kung may daya talaga or nagkamali lang cia ng bunot...dko binigyan un ng pansin till i saw this thread na may daya pala un...

Di ba may DTI Representative para sa mga ganyn? Bakit hindi nag-check ung DTI Rep kung ilang film ang nakalagay sa Wheel bago inumpisahan ang laro?
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: AsPhYxxx August 25, 2007, 03:50:43 AM
binago na yung mga wheel sa gilid na binubunot! case closed
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: Ravy August 25, 2007, 08:04:54 AM
the best pa rin ang eat bulaga.
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: bax August 26, 2007, 01:41:14 AM
may ibedensya na nga!!! may nagtatanggol pa rin!!! bwisit!!!
gun:: gun:: gun:: gun:: gun::
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: edukado12 August 26, 2007, 07:30:49 AM
for every foolishness that you will do to your fellowmen... it will reflect to your body... wait for that Willie... STOP DEFENDING WRONG DOINGS... WOWOWEE'S DAYS ARE NUMBERED... Take it from me... :-[... TRUTH WILL ALWAYS PREVAIL...  b*; toast::
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: greenjoseph August 27, 2007, 12:50:30 AM
Napanood ko rin yon episode na yon, nagulat nga ako dahil zero nga ang lumabas pero sabi ni Willie nandon ung 2M,  ???

anyway para sa akin dapat nga na imbestigahan ang nangyari, kasi as far as I know, everytime na may game na ganyan may DTI representative na nag wiwitness, kaya nga sabi ko daya yon a, tapos nasabi nga ng kasama ko di siguro kasi may DTI naman jan... ???

so well wait for the result kung may imbestigasyon man na mangyayari... smoking::
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: sudden.impakto August 27, 2007, 01:09:16 AM
naimbestigahan na po to ayon dito sa thread na to:
http://espiya.net/forum/index.php?topic=63498.0 (http://espiya.net/forum/index.php?topic=63498.0)

hirap talaga pag mabunga yung puno, pinupukol ng bato..
wala akong pinapanigan, napansin ko lang po yung mga gigil na gigil sa pag-comment
nakakatawa na kasi sila.. one-sided comment naman madalas..

hindi ba off-topic yung pag-post ng "para sa kin da (tagalog amf) best pa rin ang eat bulaga"?
hindi naman about sa competition to ng palabas e
mag-comment kayo about sa topic
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: Yubi Akira August 27, 2007, 03:14:17 AM

mabunga ang puno? ang tv host na si Willy Revillame at ang show na Wowowee? ang tawag ko dyan flash in a pan. click siya ngayon pero bibilib ako mabunga nga siya kung matatapan niya ang 27 long years nang Bulaga. Tama si sudden na dapat stick to the topics issue ang dapat i reply o i comment. pero sanga sanga na kse ang kalokohan nang show from nips slip bloopers, sa mga foul words ni Willie na na warningan na nang MTRCB, ang pagiging naughty on cam during show lalo pat noontime show ang Wowowee at ngayon ang latest na game portion niya na Wilyonaryo na kasisimula pa lang nagpahalata na agad na ayaw niya talagang ibigay ang 2 million. huli na on cam at recorded pa pero talagang malakas sa management si Willie. d bale may hanggangan lahat yan. we will see... soon!
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: boytoge August 27, 2007, 03:25:06 AM
ang nakakapagtaka yung ibang mga pilipino akala nila gustong gusto sila tulungan ng wowowee  ??? asa pa , kung gusto nila tulungan mga pilipino gawin nilang wish ko lang yung format. game show yan hindi yan kawang gawa, dami pa nagpapaloko mas madami pa natutulungan yung show ni orly mercado tska rosa rosal  gun::

tska obvious dati na tinatalo ni willy mga contestant kitang kita naman eh, ang laki niya mag offer di tulad sa eat bulaga may parang set na silang offer na di na tataas pa dun, kaya hirap na hirap yung contestant kung bayong ba o pera pipiliin dati eh. obvious masyado.

hindi ako biased, biased na biased ako kasi harapang panloloko eh, sa packaging palang ng show na gusto tumulong sa mahihirap bad trip na ako eh. yung mga tao naman naniniwala agad
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: bobotnaman August 27, 2007, 11:48:26 AM
niloloko ka na nga. pinagtatangol mo pa. tanga.
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: rogue_agent August 27, 2007, 10:53:00 PM
Okay first off I'm not a fan of TV shows because i'm always in front of my PC... I've read the comments, got curious, watched the supposedly "dayaan" vid and watch about 4 consecutive episode of the show to see some paterns... and my take on this is that it was an honest mistake... Like most of you would say it was "katangahan ni Willie"... The reasons for me to come to this conclusion are as follows:  Like what one of the posters above said, all of the "wheels" are painted with 0's (Zero's) in it... This is done so that every day the prizes can be shuffled upon the colored wheels without damaging the materials... Which means they dont have to make a specific color wheel for a specific prize each and everyday... after the selected wheels is opened or its contents revealed all the prizes are accounted for... Meaning if the contestant selected a wheel with Zero as in bokya as it's prize, then the host opens all the remaining wheels with all the remaining prizes... This is to ensure that all the advertised prizes should all be in the wheels... Now, if one of those prizes are not found then in there we can say there was cheating but as for all the episodes i've seen all the prizes was all accounted for... and lastly, every show that is seen on TV that offers a raffle promo with prizes or with any amount that is taxable by the government is compelled by the law to have a DTI representative... This DTI representative's are empowered by law to ensure the veracity of the promotions including the mechanics of a certain(show,contest,game) and in turn  is responsible to the government for any wrong doing done in his representation... Which means even before this program or game was shown on TV all it's mechanics was discussed with the DTI and passed it's screenings... Therefore, I conclude with my supporting statements above that the mishap done on the "Wilyonaryo" game was a result of the clumsiness of the show host, which personally, I believe was done intentionally to be a prank to solicit laughter...

P.S.
 to those would be repliers pls do so in an orderly manner... we dont have to fight with each other to prove there is cheating(which totally makes no sense)... Pls continue our discussion with helpful comments and not plain accusations... Thank you...
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: The Dark Knight August 27, 2007, 11:00:11 PM
niloloko lang sila ni Willie, nang Wowowee at ABS-CBN....

Eat Bulaga pa rin ako!
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: Erotomania August 28, 2007, 12:17:52 AM
sinasamantala kasi ng Ch 2 ang mga katangahan ng tao eh, iniisip nila na makakatulong sila sa masa sa pamamagitan ng wowowee.... eh tayo namang mga pilipino nagpapaloko naman, tapatan ka ba naman ng mga artista tapos mananalo ka pa, eh saan ka pa???

Kung gusto talaga ng wowowee tumulong sa mga mahihirap, bat di sila tumulong sa paraang hindi na kelangan na maglaro??? pahihirapan mo pa ung tao eh, ang habol lang naman nila eh kumita rin mula sa mga sponsors nila....

at saka obvious naman na daya eh, wala ng kelangan pag usapan dun, daya talaga....

at wag na kayong umasa na me mangyayari sa imbestigasyon diyan, parang di niyo alam kung gaano kalaki ang impluwensiya ng mga Lopez sa gobyerno.... kunwari lang me imbestigasyon pero sa huli, mawawala din.... ano ba nangyari sa stampede??? wala naman eh, dahil sa lakas nila at impluwensiya, tinapalan na lang nila ng pera ang mga naulila para di na magsalita, eh kung wala nga namang reklamo eh di walang kaso..... ewan ko ba kung bat kapit pa rin sila ke willie, di ko alam kung ano ang nakita nila sa bastos at plastik na yan, na halos araw araw eh kelangan munang me dramang mangyayari bago ka makapaglaro, parang umaasa yung contestant na ma fefeature ung talambuhay niya sa maalaala mo kaya.....   laffman:: laffman::

Ako kahit kailan, di ako nanonood ng wowowee.... ewan ko baduy na baduy ako sa mga ganyang uri ng palabas.... me mga magaganda namang programs bukod sa kanila eh at me pakinabang pa....

Ewan ko, pero di na ata magigising ang mga pinoy...........    gun:: gun::
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: The Dark Knight August 28, 2007, 12:31:32 AM
Agree ako to Erotomania.........

but i watch eab bulaga, when i can
the reason is they have TVJ, theyre funny
yung "game show" portion nila hindi "pilit"..masaya feeling kahit talo pa rin..
 and totoong tao mga host sa EB...they show emotion when needed..but lots of time its always fun..they entertain people...
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: TobleRONe August 28, 2007, 01:01:10 AM
kahit may DTI rep. pwede pa rin mandaya. maglagay ka lang sa DTI rep. aamin ba iyon na may dayaan nga. or kung may cut yung DTI rep. aamin kaya syang may dayaan doon sa show.

2nd case na yata ito ng dayaan sa WWW.
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: acejinx6 August 28, 2007, 01:29:06 AM
binago na yung mga wheel sa gilid na binubunot! case closed

why closed? binago na nga nila di ba? ano ibig sabihin nun? Haha number one ka ata fan ng ABS or employee just my thought.... lagi ka nagtatanggol kc sa ABS kahit mali... and u given me a negative poke points by pointing against your opinion you are a real loser gun::
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: sweetbayag2 August 28, 2007, 01:52:48 AM
kaya nga di ako nanonood ng wowoweee. ang pnapanood ko student canteen!! da best (nyah)  laffman::
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: rogue_agent August 28, 2007, 02:12:09 AM

at saka obvious naman na daya eh, wala ng kelangan pag usapan dun, daya talaga....

Sir, i just cant see where the "daya" is... even in the so called evidence video there is nothing there that point to a cheating... what the video confirm is the fact that all "wheels" start with ZERO... they just reshuffle the films indicating the prices in different colors each day... please do explain to us what you see in the video other than what i have indicated so we may understand where you're coming from... thanks...
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: The Dark Knight August 28, 2007, 02:19:52 AM
brod, daya tlaga eh, no explanantion needed..
may dayaan talagang nangyari..
wag ka sanang maging bulag..
katulad nang ibang nasisilaw sa pangako ni Willie at Wowowee
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: rogue_agent August 28, 2007, 02:41:02 AM
brod, daya tlaga eh, no explanantion needed..
may dayaan talagang nangyari..
wag ka sanang maging bulag..
katulad nang ibang nasisilaw sa pangako ni Willie at Wowowee

should i just take your word for it? i dont think so... like you said, i'm not blind... i just dont see any cheating in that video... and if you're saying there is cheating without giving any evidence, that would be hearsay... and if you just tell us to take your word for it, that would be like saying to us to have "blind faith" in you... which a normal thinking person won't do... that is just how i see things... now if there is no evidence against cheating this may be smear campaign which "blinded" you into putting somebody down... which makes no sense to me at all... because judging from all the post from this thread, the host willie is really unpopular, or more appropriately nobody watches the show... so why put down an already down and out person?? just a thought...
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: TobleRONe August 28, 2007, 03:06:02 AM
here's a thought

would you play a game where in you'll choose your own prize in a box, knowing there are two prizes inside. 1 is the jackpot and the other is just a consolation all in the same box. let' us say i am the host and i dont like the player/contestant and i'll give him/her the consolation instead of the jackpot and produce another box with the jackpot.

in willie's case, doesn't it make you wonder why there are two numbers in one wheel? as for the DTI representative, they can be bought

: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: Ravy August 30, 2007, 07:23:18 AM
maliwanag na daya talaga. kung trip nilang panalunin ang contestant magagawa nila. dalawa pala ang nakakabit na number, hehehe! si willie talaga, di lang maniac, madaya pa.
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: shinigami7 August 30, 2007, 07:31:39 AM
HINDI KO YAN TATANTANAN!!!
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: life39 August 30, 2007, 09:03:13 AM
obvious naman na daya eh, bat 2 number sa i box, tsaka pano kung napili yung violet? eh di lalong nagkaloko loko. me paiyak iyak pang nalalaman yung ungas na yun la namang luha, parang engot
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: joggre August 30, 2007, 05:28:50 PM
joey marquez mag retired kana.... may std kapang kupal ka. ay si kempee de leyot pla letsi
: Re: Another Wowowie Game Show Scandal.
: Van Gogh August 31, 2007, 03:29:03 AM
here's a thought

would you play a game where in you'll choose your own prize in a box, knowing there are two prizes inside. 1 is the jackpot and the other is just a consolation all in the same box. let' us say i am the host and i dont like the player/contestant and i'll give him/her the consolation instead of the jackpot and produce another box with the jackpot.

in willie's case, doesn't it make you wonder why there are two numbers in one wheel? as for the DTI representative, they can be bought

TAMA!
 bakit dalwang prize yung laman! EXPLAIN BEFORE YOU COMPLAIN! haha..

Eto pa isang style nila.. Pera o bayong nman..

Willie: pera o bayong
COntestant: Bayong
Willie: sige may oras pa, ilan pa?
Staff: 2 mins
Willie: okay Pera o Bayong?
Contestant: Bayong!(di parin ni willie bubuksan ang bayong sasayawsayaw lang siya at sa huling minuto)
Willie: Pera o bayong?
Contestant: Pera(medyo di sigurado)

antimano pagkasabi ng pera hinugot ni willie ang laman ng bayong na 1 Million...
talo ang kawawang contestant.

Willie: ay sori, dapat nagbayong ka!

BWISET! bayong nga yung contestant ayaw niya hugutin, nung magpera, di na niya tinanung ulit kung sigurado na hinugot niya kagad!

pandaraya din ito pero mdeyo malinis ang pagkakgawa ni willieboy!

BWISET!