Espiya

Espiya Investigation Agency => Isumbong sa Espiya! => Scams => : xtian1986 August 16, 2007, 01:04:19 PM

: Pharmanex/NuSkin?
: xtian1986 August 16, 2007, 01:04:19 PM
ni recruit po ako nung isang araw at system nya ay parang pyramid marketing, pero di daw cla scam kasi malaki na daw clang kompanya.. meron ba sa inyu d2 ang kasali or natry ito?
: Re: Pharmanex/NuSkin?
: zaraki kenpachi August 16, 2007, 04:22:40 PM
 payo ko lang sayo tol, magfocus ka sa product na ibebenta mo, at pagaralan mong mabuti... dahil kung faulty at useless ang mga products nila, eh scam ang company na sinalihan mo...

ang kung kasali ka sa isang scam na company at pinipilit mong ibenta ang products mo sa masa, eh pangloloko yun...

yun lang po...
: Re: Pharmanex/NuSkin?
: • Count Alucard of South • August 16, 2007, 04:25:21 PM
sabi nga ni ben tulfo : mag-ingat, mag-ingat, mag-ingat sa mga pyramiding marketing. marami nang sumusulpot na mga tulad
nito parang kabute.
: Re: Pharmanex/NuSkin?
: japz77 August 16, 2007, 08:45:02 PM
nuskin has been here for a while already, it uses the pyramid scheme for members to generate revenue but is not really a scam. Medyo challenging lang magbenta kasi ng products nito especially now na maraming skin products na lumalabas. In other words baka ang mangyari lang is mabawi mo lang ang initial investment mo.
: Re: Pharmanex/NuSkin?
: batang_satellite August 16, 2007, 11:22:06 PM
NU-Skin matagal na sa market.. Usually mga doctor ang recommend nyan dati dahil maganda talaga mga products. Yun nga lang medyo mahal pero sulit nga lang.. Pharmanex is their new product. More on supplements sila. Ang maganda lang sa product ng pharmanex ay very effective.. You must try it first, ako kasi na-try ko na.. Naging member din ako pero di ko maasikaso due to my sched.  rating9.5::  :D
: Re: Pharmanex/NuSkin?
: xtian1986 August 17, 2007, 01:43:37 AM
uu nga ang mahal ng initial investment.. 12,600 for the products + training..
: Re: Pharmanex/NuSkin?
: rivsy October 06, 2007, 05:38:01 AM
alam ko scam yan office nla sa ortgas sa may octagon building...ingat kayo ah
: Re: Pharmanex/NuSkin?
: fsb716 October 06, 2007, 09:23:42 AM
style nila e kailangang bumili ka muna ng produkto nila. tapos magbebenta ka. kung mag-recruit yan e tatawagan ka. kesyo me nag-refer sa iyo. at maganda daw performance mo. pero hindi nila sasabihin ang pangalan ng office. basta magpunta ka na lang sa bldg na me ericson sign. pag kumagat ka sa buladas nila, yari ka na. mga anak ko muntik nang magoyo nila. umpisa pa lang alam kong ginigoyo na sila. tatawag sa phone tapos di man lang sasabihin kung ano pangalan ng kumpanya nila. style nila...a ewan. me deceit.
: Re: Pharmanex/NuSkin?
: MisterSuave October 06, 2007, 09:30:39 AM
so far, ang pinakamagandang napag aralan kong ganito is DXN (im not advertising ha)(di ako member).. kahit na di ka na mag recruit. very affordable yung products. binibili talaga ng masa. tsaka 800 lang yung membership.
: Re: Pharmanex/NuSkin?
: dark12 October 06, 2007, 09:45:05 AM
na invite na rin ako sa NuSkin, under the guise of some employment opportunities.

di naman ako sumali. pero yung nagrefer sakin, challenged me to try one of their products. i bought it and was very satisfied. in a way, di sila scam,  kasi maganda yung mga products nila; and you get something out of your money. imho, ok na rin yung 12k na membership kasi converted ito sa consumable products.

yun nga lang, nainis lang ako kasi kelangan manloko pa para pumunta...
: Re: Pharmanex/NuSkin?
: Rockergod October 21, 2007, 01:08:24 PM
that nuskin is true, they tried to recruit me pro ang mahal pra lng magstart and i was kinda doubting the scheme of things, how its a pyramid style business, so since walang pera at doubtful ako, i didn't join, but it is the real thing nmn, but its just not for me,,, hehe its not a scam, my friend from high school is currently working there.. bnana::
: Re: Pharmanex/NuSkin?
: broadband November 14, 2007, 09:21:18 AM
member ako ng nuskin. quality products nila and totoong company sya na di
mag fo-fold. kung gusto nyo join good luck. it's a lot of hard work. if i were
you i'd study yung business nila kung kaya nyo gawin kasi, yan ang problem
sa nuskin. yung business super duper hirap.
: Re: Pharmanex/NuSkin?
: rivsy December 09, 2007, 09:11:42 PM
pero dude kung hindi scam yan bakit iba yun sinasabi sa phone na hindi na lang nila deretsuhin na yun pala???diba kung maayos at marangal nyan eh dapat sabihin ang totoo kung hindi totoo yun sinasabi eh may anomalya yan diba??kawawa naman yun kaopis ko nun day na nagabsent pa cya siyang para pumunta diyan...need explanation please...
: Re: Pharmanex/NuSkin?
: bigdong200 December 10, 2007, 02:46:51 AM
it's not a scam but its very very misleading. I once became a member also but ang daming hidden agenda. They will not tell you till you reach a certain level. But in fairness to them, their products are quite good din naman talaga, which should be in the first place dahil sa sobrang mahal nga. Imagine kung nag invest ka na ng mahal tapos low quality pa? Pag isipan mo lang ng 100 times bro para di ka magsisi sa huli.
: Re: Pharmanex/NuSkin?
: boytiks March 05, 2008, 01:08:01 PM
Yes, hindi scam 'to, pero maraming exaggeration sa figures. walang proper statistically processed info... puro top lang ang ang considered. plus these things, walang regulation, kaya pag nasa ilalim ka, bagsak ka.
: Re: Pharmanex/NuSkin?
: pikapika2501~ June 14, 2008, 03:32:52 PM
para mabara mo sila sa mga ganyang pyramiding scam eh sabihin mo pag may friend kang nagprogram ng isang system ng pyramiding. at talagang may mark up ang computation na pag lumaki ang tree eh talo ang company.

sa tutoo lang eh kung tutoo ang pyramiding edi kahit boy bawang eh may point system na. eeinclude na nila palagi yan sa mga goods ng mga product.
: Re: Pharmanex/NuSkin?
: siryessir December 09, 2008, 10:21:32 AM
NU Skin is DEFINITELY not a scam bro! I am a member of this company and it's without a doubt not a pyramiding. The business works if you only work for it. It's not that easy but doable . . . even if your a new member you can earn also. The company is very stable and the quality of the products are one of the best.
: Re: Pharmanex/NuSkin?
: corrupted_one December 10, 2008, 03:15:04 AM
Merong ganto ang kakilala ko. Ni rerecruit ako give it a try daw. hehehehe

Ayun kinulit ako pabalik balik sa bahay bat di ko daw i try. Naglibot siya ek ek nag demo sa mga tao sa munisipyo. Style niya e facial, ek ek, actually bumili na ako ng isang produkto nila para matigil lang siya dinemo pa sakin. I feint na namamangha ako bumili na lang ako ng matigil.

Ayun,





LUGI SIYA AT MAY UTANG NA 50,000 PESOS  ;D
: Re: Pharmanex/NuSkin?
: pikapika2501~ January 10, 2009, 09:15:22 AM
NU Skin is DEFINITELY not a scam bro! I am a member of this company and it's without a doubt not a pyramiding. The business works if you only work for it. It's not that easy but doable . . . even if your a new member you can earn also. The company is very stable and the quality of the products are one of the best.

no way. there is no possibility na ang isang pyramiding eh hindi mag narrow down sa huli. lahat yan eh may mathematical structure at may collapsing point yan.

syempre medyo vague para madiscuss kaya scheme na. hindi mo na e eelaborate ng todo ang collapsing point. subukan mo e multiplier ang trees ng isang pyramid. collapse palagi sa huli. kasi hindi naman basta incremental ang pera dyan eh.
try searching the word cumulative. meaning eh 1+1=2; 2+2=4; 4+4=8... parang ganung systema. sa huli eh wala nang papasok na pera at puro labas na... bago dumating sa ganyang stage eh atrasan na at magsasarado na yan.

kasi nga diba, sabi ko sayo nag proprogram ako. lahat ng ganyan eh may software based system. pag pinagana mo yung program at naglagay ka ng millions of entries. makikita mo bagsak ang profit.
: Re: Pharmanex/NuSkin?
: Redsauce January 10, 2009, 04:43:20 PM
basta ako napilitan lang akong umatend ng recruitment nila dahil ininvite ako ng crush ko sa friendster hahaha...  ;D