Espiya

Espiya Lobby => General Topics => : PinagpalA June 04, 2006, 11:22:07 AM

: VALUES LEARNED FROM MOST OF THE PARENTS!!!
: PinagpalA June 04, 2006, 11:22:07 AM
VALUES LEARNED FROM MOST OF THE PARENTS!!!

1. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB
WELL DONE.
"Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa
labas! Mga leche kayo, kalilinis ko lang ng bahay."

2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay.
"Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka
na!"

3.Kay Inay ako natuto ng LOGIC.
"Kaya ganyan, dahil sinabi ko."

4. At kay Inay pa rin ako natuto ng MORE LOGIC.
"Kapag ikaw ay nalaglag diyan sa bubong, ako lang
magisa ang manonood ng sine."

5. Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig
sahibin ng IRONY.
"Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng
iiyakan mo!"

6. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang
CONTORTIONISM.
"Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tingnan
mo!!!"

7. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung anong ibig
sabihin ng STAMINA.
"Wag kang tatayo diyan hangga't di mo natatapos
yang lahat ng pagkain mo!"

8. At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang
WEATHER.
"Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong
magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!"

9. Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa
CIRCLE OF LIFE:
"SALBAHE kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito,
maari rin kitang alisin sa mundong ito."

10. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR
MODIFICATION.
"Tumigil ka nga diyan! Huwag kang mag-inarte na parang
Nanay mo!"

11. Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin
ng GENETICS.
"Nagmana ka ngang talaga sa ama mong walanghiya!"

12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong
ibig sabihin ng ENVY.
"Maraming mga batang ulila sa magulang, di ba kayo
nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad
namin?"

13. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION.
"Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa
bahay!"

14. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong
ibig sabihin ng RECEIVING.
"Uupakan kita pagdating natin sa bahay!"

15. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang
HUMOR.
"Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong
lawnmower, wag na wag kang tatakbo sa akin at
lulumpuhin kita!"

16. At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina
Inay at Itay kung ano ang JUSTICE.
"Isang araw magkakaroon ka rin ng anak, tiyak maging
katulad mo at magiging pasakit din sa ulo!"

nararanasan nyo ba ang mga yan hahahaha!!!
: Re: VALUES LEARNED FROM MOST OF THE PARENTS!!!
: NaUTi June 04, 2006, 11:53:59 AM
hahaha nakakatawa to tol...hehehe... ;D :D ;D :D
: Re: VALUES LEARNED FROM MOST OF THE PARENTS!!!
: magister418 June 04, 2006, 11:57:04 AM
wakekek  nakakakatuwa.....nice one...
: Re: VALUES LEARNED FROM MOST OF THE PARENTS!!!
: -Anti-BAYOTicâ„¢- June 04, 2006, 05:22:11 PM
tol posted ko na yan before...eto ung link: http://espiya.net/forum/index.php?topic=41903.0.. but nyway ok lng un ala nnman nagpreply dun sa post ko eh.. :P
: Re: VALUES LEARNED FROM MOST OF THE PARENTS!!!
: greenjoseph June 05, 2006, 12:56:09 AM
ngayon ko lang nabasa to, nice post tol!
: Re: VALUES LEARNED FROM MOST OF THE PARENTS!!!
: foreveryoung June 05, 2006, 01:13:06 AM
Bravo... pinagpala... you made us happy and realize (on the other side of the coin) that parents however are the great source of values... kung anong puno ciang bunga...

Pagpalain ka pinagpala....
: Re: VALUES LEARNED FROM MOST OF THE PARENTS!!!
: Knivez117 June 05, 2006, 01:42:54 AM
buti nlng di ako tinuruan ng ganitong "values" ng mga magulang ko.. :D
: Re: VALUES LEARNED FROM MOST OF THE PARENTS!!!
: PinagpalA June 07, 2006, 11:31:35 AM
Bravo... pinagpala... you made us happy and realize (on the other side of the coin) that parents however are the great source of values... kung anong puno ciang bunga...

Pagpalain ka pinagpala....

actually tol hindi naman lahat ng mga magulang ay

ganyan, kumbaga para lang naman sumaya, alam

mo naman ang pinoy lahat ng kalokohan alam hahahaha
: Re: VALUES LEARNED FROM MOST OF THE PARENTS!!!
: Boy Abunda June 07, 2006, 02:51:39 PM
kasya kaya 'to sa text? pang quote eh, hahaha.
: Re: VALUES LEARNED FROM MOST OF THE PARENTS!!!
: tobertsarcher June 08, 2006, 11:38:49 PM
Nabasa ko lahat yan sa books ni bob ong....marami pang ganyan na pwede nyong gamitin pang joke sa ibang tao....hahahaha nice post anyway
: Re: VALUES LEARNED FROM MOST OF THE PARENTS!!!
: hoy June 10, 2006, 01:33:03 AM
nice post po!!!
: Re: VALUES LEARNED FROM MOST OF THE PARENTS!!!
: PinagpalA August 03, 2006, 02:03:49 AM
Nabasa ko lahat yan sa books ni bob ong....marami pang ganyan na pwede nyong gamitin pang joke sa ibang tao....hahahaha nice post anyway

pre saan ba mabibili mga books ni bob ong? meron

ba ng mga iyan sa ibang bansa o sa pinas lang meron?
: Re: VALUES LEARNED FROM MOST OF THE PARENTS!!!
: kinjikitatani August 03, 2006, 02:10:22 AM
pareng pinagpala, tnx for the post. ngayon ko lang nabasa ito. very nice.
: Re: VALUES LEARNED FROM MOST OF THE PARENTS!!!
: "Phoenix" August 03, 2006, 02:46:34 AM
nice one pre....

naalala ko tuloy ung mga kapalpakan at kalokohan na ginawa ko....hehehe....

tnx for posting this......
ang pinoy talaga...
: Re: VALUES LEARNED FROM MOST OF THE PARENTS!!!
: PinagpalA August 21, 2006, 01:35:30 AM
pareng pinagpala, tnx for the post. ngayon ko lang nabasa ito. very nice.

marami pa din talaga sa atin ang hindi nakakabasa

nyan lalo na iyong mga medyo bata pa.
: Re: VALUES LEARNED FROM MOST OF THE PARENTS!!!
: f1stbench August 21, 2006, 09:28:43 AM
pareng pinagpala, tnx for the post. ngayon ko lang nabasa ito. very nice.

marami pa din talaga sa atin ang hindi nakakabasa

nyan lalo na iyong mga medyo bata pa.

kya pala ngaun ko lang nabasa 'to...salamat Pinagpala... ;D
: Re: VALUES LEARNED FROM MOST OF THE PARENTS!!!
: coolitz7 August 23, 2006, 11:28:42 AM
okay na okay tong story mo bro pinagpala... ;D
: Re: VALUES LEARNED FROM MOST OF THE PARENTS!!!
: sweetbayag2 February 03, 2007, 11:23:48 AM
nakaka-relate ako ah!!
: Re: VALUES LEARNED FROM MOST OF THE PARENTS!!!
: fieldspaniel15 February 05, 2007, 07:24:02 AM
hahahahahaha!!!! pinatawa mo ako tlga tol! bnana