Espiya

Fitness and Health / Malusog na Espiya ==> Happy! => The Clinic => : pugsit October 28, 2012, 10:41:41 PM

: Eyebrow Dandruff
: pugsit October 28, 2012, 10:41:41 PM
Good Day po mga Sir/Ma'am.

  Help po mga Sir/Ma'am sa nagbabalakubak na kilay. Nakakaranas po kasi ako ng ganito ngayon, madalas din po kasi itong mapansin di lang ng akin pong mga magulang pati na rin ang mga kaibigan ko, napagtanong tanong ko na din po ito sa mga kaibigan ko at sa magulang ko, pero ang sabi nila ay normal lang daw po ito. Medyo nakakainis na din po kasi, dahil paulit ulit lang po na bumabalik ang pagbabalakubak ng aking mga kilay. Sabi nila, hayaan ko lang daw ito at mawawala din, pero hindi naman mawala, naliligo naman po ako araw araw, dalawang beses pa nga ho sa isang araw. Anu-ano po ba ang mga dahilan ng pagkakaroon ng balakubak sa kilay? At paano din po ba ito maiiwasan upang hindi ng muling magbalik? Sana po may makatulong sa ating mga ka espiya.


Maraming Salamat po.

: Re: Eyebrow Dandruff
: Master Dave October 28, 2012, 10:50:35 PM
Ako dati sa bigote nagkakaron nyan.. Gumamit lang ako ng moisturizing soap sa mukha (yung Dove men).. Nawala na sya at yun na ang gamit ko ever since.. Di naman na bumalik.. ;)
: Re: Eyebrow Dandruff
: pugsit October 28, 2012, 10:53:06 PM
Try ko po yang sabon na yan Master, thanks po ng madami
: Re: Eyebrow Dandruff
: FerminaDaza October 29, 2012, 12:02:27 AM
it might be a case of seborrheic dermatitis/eczema-over production of sebum.which usually treated by hydrocortisone. But again of course , mainam pa din po magcheck up po sa isang Dermatologist.

: Re: Eyebrow Dandruff
: l33t_matt October 29, 2012, 07:27:31 PM
nangyayari sa akin yan kapag dry ang weather or nasa office ako the whole day at hindi humid ang hangin... try mo muna yung moisturizing soap kapag hindi pa din kaya try mo kuskusan ng baby oil (konti lang)...
: Re: Eyebrow Dandruff
: nardo123 October 30, 2012, 02:44:04 AM
patingin mo muna. tama si ma'am :D
wag naman sana psoriasis yan sir. medyo hawig kasi mga symptoms. pero try mo muna magpalit ng sabon baka di ka lang hiyang. pag di pa din naalis patingin mo na.
: Re: Eyebrow Dandruff
: sixty9 October 30, 2012, 08:10:52 AM
Pde din, pansamantala mong lagyan ng petroleum jelly pero kung ayaw mo, may gamot, hydrocortisone na cream, tapos palit kna din ng sabon, at Kung sasabunin mo ung part na yun wag mo tadtarin ng sabon, malamang yun ang dahilaN or pwede rin wag mo sabunin ung part na yun depende nalang kung madumi talaga.. Nagkakaroon din ako nyan lalo na pag napapalakas ang inom yosi at puyat, pati pag stressed.. tsaka pag sobrang lamig ng panahon
: Re: Eyebrow Dandruff
: Topi d Great October 30, 2012, 10:53:27 AM
wag kamutin at maligo b4 tulog (use any anti-dandruff shampoo)