Espiya

Fitness and Health / Malusog na Espiya ==> Happy! => The Clinic => : ONEP1ECE.MCMXCIII September 09, 2011, 05:51:50 PM

: Toothache
: ONEP1ECE.MCMXCIII September 09, 2011, 05:51:50 PM
guys pa help naman...kahapon sobrang sakit ng ngipin ko, sa sobrang galit ko eh halos bunutin ko na siya :(


ngayon ang problema is...namamaga ng kunti yung pisngi ko, sa gums ko namamaga rin sa loob pero di gaanong malaki. Mafefeel ko talaga na namamaga mukha ko :'(


pa help naman kung ano pwede kong gawin  ::moreinfo
: Re: Toothache
: sikensangwits September 09, 2011, 05:57:57 PM
Dentista  ;)   
: Re: Toothache
: gumagapang September 09, 2011, 06:01:01 PM
consult ka po dentist... for sure antibiotics na ibibigay sa'yo... di naman po kasi bubunutin pag namamaga...
: Re: Toothache
: ~Muska~ September 09, 2011, 06:08:28 PM
Go to your dentist na. Kung walang budget try mo sa nearest public hospital mo. Hindi na pinapatagal yan.
: Re: Toothache
: TobleRONe September 09, 2011, 06:11:16 PM
di naman bubunutin iyan. reresetahan ka lang ng antibiotics, 3x a day for 1 week. at mefenamic acid for the pain.
: Re: Toothache
: ONEP1ECE.MCMXCIII September 09, 2011, 06:12:59 PM
bukas pa kasi schedule ko sa Dentist namin.. :'(
: Re: Toothache
: Lanchao September 09, 2011, 06:14:40 PM
guys pa help naman...kahapon sobrang sakit ng ngipin ko, sa sobrang galit ko eh halos bunutin ko na siya :(


ngayon ang problema is...namamaga ng kunti yung pisngi ko, sa gums ko namamaga rin sa loob pero di gaanong malaki. Mafefeel ko talaga na namamaga mukha ko :'(


pa help naman kung ano pwede kong gawin  ::moreinfo

Try mo massage ang kamay mo. Palm down..press mo malambot na parte in between hintuturo at hinlalaki. Hanapin mo nerve..if you feel the pain then yun na ang nerve. Press hanggang kaya mo sakit. Massage with oil..unti unti mawawala yang sakit. Effective din yan sa migraine..no need for painkiller.
: Re: Toothache
: neckromancer September 09, 2011, 06:52:18 PM
Habang nagaantay sa checkup you can use ice. Get an ice cube, ibalot mo sa face towel, tapos imassage mo sa pisngi nang mga 3-5 minutes hanggang mamanhid. Pampamanhid lang ito ha, hindi long-lasting ang relief. Pero OK para hindi ka masyadong aasa sa painkiller. Mefenamic acid ang mabisa diyan.
: Re: Toothache
: xeoxander01 September 12, 2011, 12:04:57 PM
amoxicillin 3x a day for 1 week.. mefinamic acid inumin lng kung sumasakit..

walang dentista na bubunot dyan kung namamaga pa.. kailangan humupa yung pamamaga saka pa sya mabubunot..

good luck brad!..
: Re: Toothache
: MasterChief63 September 12, 2011, 08:09:08 PM
Door Knob + String + Tooth =  ;)

hehehe just kidding, as said inflammation has to go down bago yan bunutin so get it checked ASAP and do whatever the dentist tells you
: Re: Toothache
: zeppelin September 12, 2011, 08:53:51 PM
Your best move there is to have it checked ASAP. Take the medication diligently as prescribed by the dentist and DO AVOID touching or poking it (the tooth or gum) with your finger(s) or any material for that matter! We do not want tetanus to set in..had a friend before who just poked and poked his aching tooth cavity with a toothpick and a week after, he lost his life. Careful bro, hinde basta-basta pababayaan yan..
: Re: Toothache
: Paprika September 13, 2011, 12:25:29 AM
P&%(*%(*%*a, darknail, ikaw ba ako? Paano mo nalaman ang condition ko? Sino ka ha?  laffman::
: Re: Toothache
: ONEP1ECE.MCMXCIII September 13, 2011, 12:31:51 AM
hahahaha :))


yan talaga condition ko pre..
: Re: Toothache
: gardov September 13, 2011, 03:35:17 AM
naimpeksyon yang gum mo... baka may nanguya kang matigas tapos yung ipin mo ay medyo loose na or yung gum mo ay nagrecede na konti.

nangyayari sa akin yan lagi dati. ang magandang solusyon jan ay yung isang baso ng tubig na may half a teaspoon ng asin.

mumog ka every night before you go to sleep. napaka simple lang pero epektib talaga ng husto.

if you do it every night, hindi ka na mamomroblema jan sa namamagang gums mo pramis.
: Re: Toothache
: Paprika September 13, 2011, 03:40:35 AM
Ang sa akin binutas ko ng karayom.  laffman::
: Re: Toothache
: gardov September 13, 2011, 03:53:41 AM
Ang sa akin binutas ko ng karayom.  laffman::

nakupo. never mong gagawin na ulit yan pareng paprika. mas lalong mainfect yan. 

also, inom ka ng chamomile na tea. kasi para sa healthy gums.

minsan kapag nagrerecede yung gum or laging inflamed, mahina daw ang immune system. so research ka din ng pangpalakas ng immune system.
: Re: Toothache
: Paprika September 13, 2011, 04:07:03 AM
Suspetsa ko kasi nung una pus lang tulad ng kamakailang nangyari sa fingers ko. Gumaling lang ng binutasan, inaspirate yung deposits. Pero yun pala dugo yung sa bibig ko. Medyo magaling na, yun nga lang mahirap pang kumain kasi mas malaki pa sa ngayon ang swelling kaysa sa ngipin. Nilagnat ako nung unang gabi at kagabi dahil dito, hindi ko alam kung paano irerelate, bwisit talaga, pero okay na. Gusto ko na sana bunutin ang questionable wobbly tooth na maaring sanhi. Pero isa din sa diagnosis ko ay wisdom tooth na hindi pa buo sa likuran ng ngipin in question.