Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: "SILA"  (Read 1142 times)

deosh_pilyo

  • Knights of PS
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 785
  • Karma 13
  • Gender: Male
  • pilyong makata... simpatikong mangingibig!
"SILA"
« on: December 22, 2008, 10:07:57 pm »
samu't saring nararamdaman ng isang katulad kong malayo sa pamilya...

 :( :( :(

…at sa bawat dampi sa iyong mamula-mulang kutis ng malamig na simoy ng hanging hatid ng kapaskuhan… sa bawat patak ng puting-puting nyebe sa iyong mga bukas na palad na dagling matutunaw kapag iyong tinikom… sa walang sakdal na kirot na pakiramdam ng bawat himaymay ng iyong kalamnan na dulot ng taglamig… sa ligaw na diwang puno ng kahungkagan at pagkalungkot… habang nakatanghod sa kawalan at nanabik na masilayan muli ang mga halakhak.

…unti-unting tumulo ang mumunting butil ng luha sa iyong mapanglaw na mga mata… umagos sa mala-sutla mong mga pisngi… at dumurog sa iyong moog na pusong pinanday ng hirap at pasakit ng mga nagdaang panahon…

…ngayon nga’y isigaw mo ang iyong kahinaan… ang kabila ng iyong katauhan… ang takot na “MAG-ISA”… paano nga ba ang makibaka na tanging ang sarili mo lang kamay ang nakataas… walang nakahawak… kundi nakabigkis sa tanikalang nakakabit sa iyong leeg… at sa bawat pakikipaglaban mo’y lalo ka lamang nahihirapan… nabibigti… nasasakal… ayan na naman, suminghot ka at wag hayaang tumulo ang sipong dala ng iyong impit na mga hikbi… yakapin mo ang iyong sarili… bakasakaling mabigyan ka ng karampot na init na papawi sa lamig na iyong nadarama… nang iyong labis na pangungulila.

…umidlip ka muna kaibigan… ipahinga ang pagal mong isip at balintataw… ipikit mo ang iyong pugtong mga mata… at ilapat sa banig ang walang lakas mong katawan… hayaan mo, bukas… tapos na ang pasko… ang bagong taon… ang araw ng mga puso… tapos na ang panahon ng taglamig… subalit hindi pa tapos ang kabanata ng iyong buhay… malayo pa ang daang iyong tatahakin.

…at sa pagsapit ng panahon ng tagsibol… may panibagong pag-asa… at tiyak kong sa iyong paggising ay mayroon ka na muling sigla… sa iyong muling paglalakbay… umaasa ka at manalig… dahil may nagmamahal at naghihintay sa iyong pagbabalik… at umaasa sa iyong minimithing TAGUMPAY…. SILA…


deosh_pilyo
Seoul, south korea
Ika-17 ng Disyembre, 2008
Miyerkules (4:50 ng hapon)
« Last Edit: December 22, 2008, 10:10:06 pm by deosh_pilyo »

neckromancer

  • Senator Sayote
  • Staff
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3844
  • Karma 17
  • Gender: Male
  • Dungeon Master
    • Ang Aking Munting Blog
Re: "SILA"
« Reply #1 on: December 22, 2008, 10:29:24 pm »
Christmas angst, deosh_pilyo? hold on at kayanin mo ang lungkot. bukod sa SILA, wag mo kalimutan ang KAMI at TAYO dito sa espiya...

laitzu

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3254
  • Karma 23
  • Gender: Male
Re: "SILA"
« Reply #2 on: December 22, 2008, 10:50:55 pm »
hang in there bro.. di ka nag-iisa.. God be with you always.
Get $50 to start/Earn up to $20/day/Earn $5 per referral


deosh_pilyo

  • Knights of PS
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 785
  • Karma 13
  • Gender: Male
  • pilyong makata... simpatikong mangingibig!
Re: "SILA"
« Reply #3 on: December 22, 2008, 10:56:13 pm »
salamat mga budz! buti at may villa espiya... wala man ako sa aming totoong tahanan... at least lagi namang bukas ang pinto ng cyberhouse na ito para sa mga taong kailangan ng himpilan ng mga pusong nangungulila...  toast::

hush24

  • hush baby hush!!
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 874
  • Karma 11
  • Gender: Male
Re: "SILA"
« Reply #4 on: December 22, 2008, 11:10:50 pm »
labanan mo yan pre! sabi nga nila mind is better than emotions! ;)

madcarabao

  • Chief Carabao
  • Moderator
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 8021
  • Karma 76
  • Gender: Male
  • Pinoyspy is the reason why i surf the net!
Re: "SILA"
« Reply #5 on: December 22, 2008, 11:54:17 pm »
we should encourage espiyas to post more original lits..

 finger4u