Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Nakakawiling Mga Aral Mula Kay Inay At Itay  (Read 1590 times)

-=Kurabo=-

  • Patience is a Virtue but Time is Gold
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 5346
  • Karma 48
  • Gender: Male
  • Kurabo
Nakakawiling Mga Aral Mula Kay Inay At Itay
« on: February 18, 2008, 10:04:44 pm »
-Si Inay, tinuruan nya ako HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE. "Kung kayong dalawa ay magpatayan, doon kayo sa labas! Mga leche kayo, kalilinis ko lang ng bahay!

-Natuto ako ng RELIGION kay Itay. "Kapag may mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!"

-Kay Inay ako natuto ng LOGIC. "Kaya ganyan, dahil sinabi ko"

-At kay Inay pa rin ako natuto ng MORE LOGIC. "Kapag ikaw ay nalaglag sa bubong, ako ang mag-isang manonood ng sine"

-Si Inay din nagturo sa akin kung ano ang ibig sabihin ng IRONY> "Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!"

-Si Inay ang nagpapaliwanag sa akin kung ano ang CONTORIONISM. "Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tingnan mo!!!"

-Si Itay ang nagpapaliwanag sa akin kung ano ang ibig sabihin ng STAMINA. "Huwag kang tatayo dyan hanngat di mo natatapos yang lahat ng pagkain mo!"

-At si Inay ang nagturo sa akin kung ano ang WEATHER. "Lintek talaga kayo, ano ba itong kwarto nyong magkakapatid, parang dinaanan ng bagyo!"

-Ganito ang paliwanag sa akin ni inay tungkol sa CIRCLE OF LIFE. "Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maaari rin kitang alisin sa mundonh ito!"

-Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION. "Tumigil ka nga dyan! Wag kang mag mag-inarte gaya ng nanay mo!"

-Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung ano ang ibig sabihin ng ENVY. "Maraming mga batang ulila sa magulang, di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?"

-Si Inay ang nagturo kung ano ang GENETICS. "Nagamana ka ngang talaga sa ama mong walanghiya!"

-Si Itay ang naman ang nagturo kay Kuya kung ano ang ibig sabihin ng RECEIVING. "Uupakan kita pagdating mo sa bahay!"

-Si itay naman ang nagturo sa akin kung ano ang ANTICIPATION. "Sige kang bata ka, hintayin mong makarating sa bahay!"

-Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOR. "Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawnmower huwag na huwag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita!"

-At ang pinamahalaga sa lahat, natutunan ko kina Inay at Itay kung ano ang JUSTICE. "Isang araw magkakaroon ka rin ng anak, tiyak magiging katulad mo at magiging sakit din sa ulo!"

it ain't over. . .till its over

Agent Tom

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 3539
  • Karma 93
  • Gender: Male
  • “I don't conquer, I submit.”
Re: Nakakawiling Mga Aral Mula Kay Inay At Itay
« Reply #1 on: February 19, 2008, 12:39:17 am »
ok palang magturo sila inay at itay, na explain nila ng maigi ang ibig sabihin ng mag salitang yan lalo na yang CONTORIONISM... ang alam ko may english version din ito... toast::

carlocarr

  • "Impossible is Nothing but You Cant Do Everything"
  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1361
  • Karma 26
  • Gender: Male
  • The Underwater Heartbreaker
Re: Nakakawiling Mga Aral Mula Kay Inay At Itay
« Reply #2 on: February 19, 2008, 01:59:45 am »
parang posted na ata to.. pero thanks pa rin.. nakakatawa eh..ahehe
For more post visit here:http://finetimey2c.blogspot.com

QuicKie

  • Deep Penetration Agent
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1478
  • Karma 25
  • i love CHINITA.
Re: Nakakawiling Mga Aral Mula Kay Inay At Itay
« Reply #3 on: February 21, 2008, 12:01:10 am »
nyc post..