BSIT graduate din ako, masusuggest ko lang is assess mo sarili mo kung san ka marunong, (Web Development, Application development, Hardware, Networking, etc.) tapos dun ka mag stick pag mag jojob hunt ka na. Nung nag graduate me nung 2004, 3 months muna ako nabakante bago ako nakahanap ng job, hirap kasi pag nasa entry level ka so dapat yung papasukan mong job is may alam ka na kahit konti lang para malaking chance mo na makuha.
Ako nag stick sa web development/programming specifically sa PHP, sa field ng web devev, pwede tumaas ang position mo, start ka muna as jr. programmer tapos sr. programmer, tapos team leader, tapos project manager, etc.
Sa field ng web developement, malaki rin ang salary (salary range is around 800-2000 USD tax free.) lalo na pag ang employer mo is from first class country like US, Australia, UK. Isa pang maganda sa web developer/programmer is may mga work dyan na pwede ka home-based, like me po, boss /company ko nasa US tapos wala silang office d2 sa Pinas kaya allowed ako mag work sa house lang, fulltime ang work.
Tip: Yung mga foreigner nde maselan sa paghahanap ng manpower nila, nde kailangang matataas grade mo at galing ka sa magandang school, they just look for people na hardworking, responsible at alam yung work.