Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: JCHenyo Selling Fake NBA Jerseys  (Read 12396 times)

Kayne

  • Deep Penetration Agent
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 552
  • Karma 40
JCHenyo Selling Fake NBA Jerseys
« on: September 21, 2011, 07:26:49 pm »
Mga ka-espiya, ingat lang dito sa seller na ito. NBA Jersey Collector po kasi ako. Then one time, mga last week of July this year, nakita ko advertisement nya sa sulit & multiply, ang dami nya binebentang NBA Jersey.  Kya na-engganyo ako na makipagtransact sa kanya dahil sabi nya mga original/authentic binebenta nya so hindi na ako nagreklamo about the price. I ordered NY Knicks St. Patricks Day Edition Swingman Rev30 Jersey ni Carmelo Anthony for the price of 2800 pero naging 2900 dahil yung 100 para sa shipping fee. Dahil nasa Dubai sya, almost 2 months hinintay ko para dun sa jersey. Laking gulat ko ng dumating ang jersey sa amin. As in sobrang fake sya mga ka-espiya. Kinontak ko na sya sa email add nya & yung kapatid nya dito sa pinas, kaso both of them wala ako nareceive na reply. Kya kyong mga NBA jersey collector na katulad ko, ingat lang kyo na makipagtransact sa taong ito. Much better talaga kung sa NBA Store nalang kyo bumili or sa mga legit seller talaga ng original NBA Jersey. Kung alam ko lang, pwedeng 2 replica jerseys ang nabili ko sa NBA Store. :(

Eto yung proof of payment ko dun sa inorder ko na NBA Jersey. Una 1k deposit for reservation then 1900 para dun sa balance.



Eto naman yung address na nakalagay dun sa plastic, JRS ang courier na ginamit.


Eto naman yung image link mga ka-espiya. You be the judge. Gusto ko man magalit talaga, kaso nandito na, wala na ako magagawa. Bigay ko nalang dun sa pinsan ko, advance xmas gift ko nalang sa kanyan.



Yung mga advertisement link nya
SULIT: http://jchenyo.sulit.com.ph/
MULTIPLY: http://jchenyo.multiply.com/
Yung sa ebay nya, hindi ko na mahanap ngayon. Pero may isang seller na close to his username & the items he is selling
was same dun sa sulit & multiply account nya. But i dont want to drag that name. Mahirap na baka hindi sya yung tinutukoy ko na jc.

Ingat nalang mga ka-espiya. Tama ng ako nalang naloko nya.

pining

  • Pioneer
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 141
  • Karma 0
  • Gender: Male
Re: JCHenyo Selling Fake NBA Jerseys
« Reply #1 on: September 21, 2011, 08:00:44 pm »
Henyo nga siya, kaso sa masama niya ginamit. You should pay thru paypal if possible, para may habol

swaaat

  • Err....ego??
  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 694
  • Karma 9
  • Gender: Male
  • Kalbo ako...so?
Re: JCHenyo Selling Fake NBA Jerseys
« Reply #2 on: September 21, 2011, 09:02:38 pm »
shoot for real? kaka-text inquire ko lang sa kanya nun Tuesday since balak kong um-order din ng swingman jerseys. Kakaasar naman yan  >:(


I never failed...Just found out 1000 ways that didn't work...

rbspiderX

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 798
  • Karma 10
Re: JCHenyo Selling Fake NBA Jerseys
« Reply #3 on: September 21, 2011, 09:13:02 pm »
online sya ngaun sa sulit kapatid....

Kayne

  • Deep Penetration Agent
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 552
  • Karma 40
Re: JCHenyo Selling Fake NBA Jerseys
« Reply #4 on: September 21, 2011, 10:01:05 pm »
online sya ngaun sa sulit kapatid....

Sabi nya hindi daw sya aware nung ipinadala sa kanya na ganun ang design. Sa pagkakaalam ko kasi, sa Dubai muna darating ang shipment then ipapadala nya sa pinas. Given na ganun ang process, bat hindi nya muna chineck yung mga items before nya ipinadala sa pinas, eh transparent naman yung plastic kya makikita mo agad kung fake ba o hindi. Kya napa-PUNYETA ako kasi agad tumambad sa akin nung buksan ko yung plastic ng JRS ay yung logo ng adidas, kita naman ninyo dun sa image link. Ang sabi din nya ibabalik daw pera ko then ibalik ko sa kanya yung item. Ang sabi ko padala nya muna yung pera ko then ibabalik ko sa kanya yung item. Hindi ako maniniwala sa kanya hanggang hindi pa nya naibabalik pera ko sa bank account ko. Kya para sa akin, scam parin ito. Bahala sya na sirain reputasyon nya as an online seller dahil sa isang pagkakamali or kalokohan nya. Kya ingat parin kyo mga ka-espiya na makipagtransact sa taong ito.
As of now, dinelete ko muna yung negative feedback ko sa kanya sa sulit.

  • Pioneer
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 280
  • Karma 3
Re: JCHenyo Selling Fake NBA Jerseys
« Reply #5 on: September 22, 2011, 01:09:45 am »
mas maraming kang matutulungan kung dun ka magpopost sa feedback ng ads nya ........

Kayne

  • Deep Penetration Agent
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 552
  • Karma 40
Re: JCHenyo Selling Fake NBA Jerseys
« Reply #6 on: September 22, 2011, 01:24:36 am »
Quote from:  link=topic=140809.msg1135524#msg1135524 date=1316668185
mas maraming kang matutulungan kung dun ka magpopost sa feedback ng ads nya ........

wait ako ng moves nya sir regarding dun sa refund na sinasabi nya. pag hindi nya ginawa yun lahat ng ads nya kung san sya member magpa-file ako ng protest. i have all the evidences para malaman ng mga iba na fake ang idineliver na jersey sa akin.thanks sir.

Ethan Hunt

  • IMF Agent
  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 688
  • Karma 3
  • It isn't mission difficult-it's mission impossible
Re: JCHenyo Selling Fake NBA Jerseys
« Reply #7 on: September 22, 2011, 08:34:39 am »
marami talagang ganyan ngayon sir. magke-claim na authentic ang binebenta nila. e mas peke pa sa replica. sana nga nagreplica ka na lang kung ganon nga. ingat-ingat na lang sa mga makikitransact sa future.

Kayne

  • Deep Penetration Agent
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 552
  • Karma 40
Re: JCHenyo Selling Fake NBA Jerseys
« Reply #8 on: September 23, 2011, 06:56:43 pm »
Update lang mga ka-espiya regarding on this. Binalik na nila yung pera ko, in return, ibabalik ko yung item. Sinabi ko kasi na i will file protest sa lahat ng ads nya and i will make a legal move. Pero nung una deadma lang sila sa text ko, pero ng sinabi ko na i will file a protest & i have all the evidences, dun lang sila nakipag communicate sa akin.
So sa mga gustong makipagtransact sa taong ito, its your discretion na mga ka-espiya. Pero kung ako, hindi na. Sobrang hassle ang naging transaction ko sa taong ito. Basta ingat nalang para wag kyo magaya sa nangyari sa akin.