May Laptop po ako Aspire V5-132, ginagamit ko po to mostly sa School, for encoding or di nman ay para sa Media Purposes. Ginagamit ko rin po to in designing katulad ng Photoshop at tsaka sa web development.
Lately may gnagawa ako na website, kaso nag lalag na po yung laptop. Ka Espiya, may suggestion po bah kau kung paano ma memaintain ang laptop ko? Suggestion kasi ng friend ko e resfresh ko daw os, at tsaka mag delete ng di na nagagamit na files at tsaka programs. Malaki pa naman po yung free Drive space nya.
Sana po may suggestion kau kung paano ma memaintain ang laptop..malaking tulong po sa akin to
dahil medyo complicated magrun ng PS sa linux, I would not recommend na magpalit ka ng mabilis na OS..
assuming naka windows machine ka:
Use Firefox, _NEVER_ Google Chrome
Alisin mo lahat ng effects ng OS mo, google mo lang "make windows faster" madami dyan tips
lakihan mo page file (google ulit!)
ioff mo lahat nung autorun apps na di mo kelangan(google!)
alisin mo din lahat ng browser extension na di kailangan saka screen widgets, as much as possible wag mo ipollute desktop