Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Sold Online: Authentic Lacoste Overruns  (Read 6892 times)

C.R.E.A.M.

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1840
  • Karma 23
  • Gender: Male
Sold Online: Authentic Lacoste Overruns
« on: April 13, 2011, 09:33:16 pm »
Mga boss, don't be fooled sa mga nagbebenta sa net (facebook,ebay,sulit,multiply) ng Lacoste polo shirts and the sellers claim their shirts to be authentic and are factory overruns. I bought one cuz I was curious with the quality at tska para maikumpara na din sa original na lacoste. Ibang-iba sa orig at kung bakit ay aking isisiwalat:

1. Yung quality ng pagkakatahi, halatang PINAS made.
2. Yung tags, na pinagmamalaki pa ng mga seller na may price pa na $59 or $72, ay gawa sa mumurahing materyales. Manipis at panget ang pagkakaimprenta.
3. Yung logo ng alligator o buwaya, ay masyadong matapang ang kulay kumpara sa original.
4. Yung etiketa sa polo shirt ay maayos tingnan pero kung titingnan mo yung likod ng etiketa, makikita mo dun ang pagkakatahi ng mga letra, (wala kang makikitang ganyan sa mga orig, kahit anong brand pa)


If you intend to buy these shirts, then its your risk but do not wear it at special gatherings or special occasions, cuz you might end up looking like a social climber.  Baka kasi feel na feel mo pa na naka-lacoste ka pero alam na pala ng katabi mo na sa internet mo lang nabili yung shirt mo. ;D

Kung pang-lakad lang pwede sya, pero on a date, lalo na kung dumidiskarte ka pa lang sa chic, iba na lang suotin mo.


At sa mga gustong bumili para pangregalo, sana hindi marunong tumingin ng orig yung pagbibigyan nyo. Obvious kasi talaga na dyapeyks, sa tags pa lang obvious na. Although maganda yung tela, yun nga lang hindi cotton.


Warning din about sa mga seller ng ganyan, paglalaban talaga nila na authentic ang tinda nila. Kapalan nga lang ng mukha, kahit nabuking mo na.


Price nito is ranging from P500-750, may makapal pa na mukha na nagbebenta sa FB ng P2,500 buy 1 take 1.  smoking::

camz00

  • 2009 Cavaliers
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 935
  • Karma 4
  • Gender: Male
  • ESPIYA ROCKS!!!
Re: Sold Online: Authentic Lacoste Overruns
« Reply #1 on: April 13, 2011, 10:03:32 pm »
salamat dito sa info sir CREAM!  :)

kasi yung tito ko mahilig bumili ng shirts sa FB akala nya orig talaga.pero yun pala d2 lang din sa pinas ginagawa.. smoking::

leightot

  • Pioneer VIP
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 7234
  • Karma 270
  • Gender: Male
  • BEA SUZY! ftw
Re: Sold Online: Authentic Lacoste Overruns
« Reply #2 on: April 13, 2011, 11:05:13 pm »
pareng CREAM paki pm sakin kung kanina ka nakabili.

neckromancer

  • Senator Sayote
  • Staff
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3844
  • Karma 17
  • Gender: Male
  • Dungeon Master
    • Ang Aking Munting Blog
Re: Sold Online: Authentic Lacoste Overruns
« Reply #3 on: April 13, 2011, 11:12:01 pm »
@C.R.E.A.M.: Comment lang ako sa isang point, pero otherwise I agree. Bago nagsipagsarahan ang mga garment at textile factory sa Pilipinas, (GenTex, GTI, etc.) dito sa Pilipinas ginagawa ang mga product na iyan. Minsan dito na rin tinatatakan ng mga brands. I say this as a person whose mother once worked in such a factory.

Ergo, it doesn't mean na porke gawa sa Pilipinas, pangit o haphazard ang pagkakagawa.

Pierro7

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 4340
  • Karma 59
  • Gender: Male
Re: Sold Online: Authentic Lacoste Overruns
« Reply #4 on: April 13, 2011, 11:46:30 pm »
@C.R.E.A.M.: Comment lang ako sa isang point, pero otherwise I agree. Bago nagsipagsarahan ang mga garment at textile factory sa Pilipinas, (GenTex, GTI, etc.) dito sa Pilipinas ginagawa ang mga product na iyan. Minsan dito na rin tinatatakan ng mga brands. I say this as a person whose mother once worked in such a factory.

Ergo, it doesn't mean na porke gawa sa Pilipinas, pangit o haphazard ang pagkakagawa.
good point, sir.
pero nakakainis nga namang maloko dahil ang nakuha kong produkto ay hindi ang inaasahan ko o hindi ang ipinakita sa akin.
tapos ang presyo ay hindi pa akma.
well, hindi nga rin natin masisisi ang mga nagbebenta. dahil baka sila mismo ay hindi marunong tumingin ng orig sa hindi. kaya pinipilit nilang orig ang binebenta nila.
buti na lang hindi ako marunong bumili via facebook. ehehe.
A person becomes strong by accepting their fears.

Ethan Hunt

  • IMF Agent
  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 688
  • Karma 3
  • It isn't mission difficult-it's mission impossible
Re: Sold Online: Authentic Lacoste Overruns
« Reply #5 on: April 14, 2011, 02:34:53 am »
remember mga sirs, pagsinabing OVERRUNS/CLASS AAA or kahit ano pang class yan, it means that the product/s is/are fake/imitation/counterfeit. trust me, I know a lot of bazaristas/sellers and their sources. pampaganda lang pakinggan yung term na OVERRUN. ;)

C.R.E.A.M.

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1840
  • Karma 23
  • Gender: Male
Re: Sold Online: Authentic Lacoste Overruns
« Reply #6 on: April 14, 2011, 02:56:04 am »
@ sir neckro: Yep, may mga gawang pinas din naman na maayos ang pagkakagawa, like bench tama ba mga boss?
kaya lang yung lacoste na tinda online, parang sastre or kanto-kanto lang na mananahi yung gumawa.

Ang hindi lang maganda eh parang panloloko na din ang ginagawa kasi nila eh, they fool buyers by saying its authentic pero if you have an original lacoste shirt, you could really see the difference. Tela pa lang hindi na 100% cotton, although ok naman yung tela kasi hindi manipis.

gardov

  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1359
  • Karma 43
Re: Sold Online: Authentic Lacoste Overruns
« Reply #7 on: April 14, 2011, 09:07:55 am »

Hirap naman kasi tingnan yung pagkakaiba ng fake sa orig... sa dragon pa lang hirap na malaman  ::lmao




nakuha ko lang sa internet ( google )

how to spot fake from orig

- sa patch pa lang... sa image sa taas kitang kita na



- yung orig, yung patch nya nasa pagitan ng dulong stitching at saka yung pangalawang butones, habang yung sa fake naman naka align sya sa dulong stitching

- yung butones ay gawa sa  totoong perlas at hndi plastic. at since yung perlas ay nakukuha sa nature, hindi dapat magkakaparehas ang itsura nila. sa fake kasi plastic kaya mass produced at may tatak na lacoste. sa orig, walang nakatatak na lacoste

- kung masyadong mura, siguradong peke

- syempre, sa tela na rin malalaman. 100% cotton dpat. pero madali lang naman sabihin sa etiketa na 100 percent sya. so kailangan talaga mafeel mo din yung tela.

- sa sizes, i guess ang lacoste, nakabase sa numbers ang sizes nila at hindi sa "small" "medium" "large"

yun lang...pulot lang.

KaMushroom

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1648
  • Karma 24
  • Gender: Male
Re: Sold Online: Authentic Lacoste Overruns
« Reply #8 on: April 15, 2011, 03:47:48 pm »
may nabasa ako sa FB once..
"hindi to fake. Class A to!" fuuuuuuuu.....
.

Ethan Hunt

  • IMF Agent
  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 688
  • Karma 3
  • It isn't mission difficult-it's mission impossible
Re: Sold Online: Authentic Lacoste Overruns
« Reply #9 on: April 19, 2011, 09:26:28 am »
may nabasa ako sa FB once..
"hindi to fake. Class A to!" fuuuuuuuu.....


ahhahahaha! parang nanggagago lang...  ::lmao