Espiya

Espiya Lobby => College/Alumni Talk => : Master Dave October 09, 2008, 08:03:46 AM

: UP: 100 taon ng kayabangan
: Master Dave October 09, 2008, 08:03:46 AM
an email from my classmate..


Kahit kaninong Pilipino nyo itanong, sasabihin na UP ang numero unong unibersidad sa 'Pinas. Yung mga nagsasabing hindi UP ang number one, mga in denial. Di nila matanggap ang laki ng pagitan ng UP sa iskwelahan nila. Yung iba naman mga bitter, hindi pumasa sa UPCAT kaya naninira?cheap daw ang U.P., Jologs ang U.P. (jolog: Gaudy, unelegant, without refinement in taste), magulo at delikado raw sa U.P., never daw nilang naisipang mag-aral sa U.P., pero deep inside U.P. ang dream school nila. Sabi nila, ito ang breeding ground ng mga future leaders ng Pinas ? pati na rin mga future rebels.
 
Sa U.P. mo makikita ang lahat ng klase ng tao. It's the "REAL WORLD" daw e--lalake, babae, binabae, tibo, tomboy, alanganin, syoke, mayaman, mahirap, jolog, sosyal, kristiyano, muslim, pagano, satanista, tarantado, sira ulo, basagulero, siga, duwag, 'langhiya, nerdoks, geeks, macho, sexy, payatot,  maganda, guwapo, panget, manyak, birhen, liberated, conservative, maginoo, bastos, peste, magnanakaw, manggagancho, mamamatay-tao, etc. etc. etc!
 
Dito mo rin makikita ang pinakamaraming fraternities - APO, S.J., Sigma Rho, Alpha Sigma, Pi Sigma, TOM, Mu, Sigma Phi, Upsilon, Downsilon, Rightsilon, Leftsilon, Babaylan, Alpha Phi Chupapi, etc.
Name it at meron ang U.P. Pati na rin ang source ng lahat ng masasarap na pagkain na makukuhanan ng sakit--fishballs, squidballs, kikiam, isaw, A.D.I.D.A.S (paa ng manok), bilog, tenga, balun-alunan, kwek-kwek, Mang Jimmys, Rodics,Beachhouse, at ang ever famous CASAA - na ngayon ay downloadan na ng mga mp3, at mpeg na bomba.
 
Kung ikukumpara mo sa mga ibang schools, sa U.P. mo makikita ang pinakabulok na systema kapag registration (ooops, may CRS na pala--copuntrzd regtrn) at ang pinaka mahihirap at mahahabang subjects. U.P. System ang tawag dahil maraming campuses all over the Philippines.
Nandyan ang U.P.Diliman, ang pinakamalaking school sa Pilipinas.
Sa sunken garden maraming milagrong nagyayari tuwing gabi. Sa sobrang laki pa ng campus, pwede kang magtayo ng house and lot at di ka pa masisita ng admin.
 
Sa U.P. Manila, nagkalat ang mga konyito at konyita. Airconditioned pa daw ang classrooms nila! Pampered! Andun ang pinakasosyal na UP building, ang UP Robinsons ( Robinsons Mall ). Nandoon din ang P.G.H., kaya kahit masaksak ka habang nag-aabang ng jeep kapag ginabi sa pag-uwi, o isa kang binabae na nabugbog dahil nahuli kang naghihipo sa sinehan sa Robinsons, o mamamatay-tao at hindi callboy ang napick-up mo sa may PWU, malamang ay mabubuhay ka pa.
 
Sa U.P. Baguio, para kang nagbabakasyon while studying. Malamig all year round, kaya marami ang laging may kayakap tuwing gabi. Familiar din ito sa mga Jolina Fans dahil dito shinoot ang isa sa mga super duper kilig movies nila ni Marvin.
 
Sa U.P. Los Banos, para sa mga gusto nang kumawala sa parents! Liblib na lugar, you can do what you never got to do when those parents are around! Ayos para sa mga nature lovers dahil bundok ang nasa likuran. Ayos din para sa mga nag-iinit na mga lovers, marami kasing talahiban.
 
Meron ding U.P. Visayas at U.P. Mindanao, para sa mga sawa na sa Luzon. And of course ang pinaka-underrated na branch, ang P.U.P.? or Philippine University of the Philippines, for short. (wahahahaha)
 
Meron ding mga hoping maging U.P-- nandyan ang UST or UP Sana Tayo, DLSU-di Lusot sa UP, at and ADMU (Ateneo de Manila Univ)-Ayaw Daw Mag-UP.
 
Hindi mo talaga makakalimutan ang buhay mo sa U.P. It's unique and one of a kind.
 
Unforgettable para sa akin yung oblation run na dinadayo pa ng taga ibang school, pati na ng mga tigang na foreigners, mga bakla, at mga kolehiyalang taga all girls school na akala mo mga inosente kapag nagtilian. First time nakakakita ng birdies ang mga virgin kuno (meron ako narinig, in a very coño accent: "ay why is that they look like sausages, wat?!? wahahahaha), nagpapapiyesta ang babaylan, labasan din ng mga video cameras ang mga gurang at mga walang asawang teachers at librarians, at tuwang-tuwa ang ibang mga lalaki dahil mas malaki pala ang mga alaga nila.
 
Laging nasa headlines ang UP! Dahil sa mga rally, sikat na alumni, at dahil na rin sa mga krimen na nangyayari all around campus. Naka-witness ako ng binaril sa A.S. walk.
 
Napaka-memorable din sa akin yung teacher ko sa KAS-I na hinarass at hinipuan ako sa cubicle nya. May kilala rin akong badaf na titser na nagbigay ng indecent proposal sa machong-macho at very papable kong kaklase, "Hoy Mr. ___, bumabagsak ka na. Kwarto o kwatro??"
 
Ang saya-saya talaga dito sa iskul natin! Taun-taon ay hindi nauubusan ng events ang U.P. Meron tayong yearly fair na ginagawa tuwing February, concerts like Elvis and Maskipaps, ang nabanggit nang Oblation Run and Lantern Parade tuwing December, ang pagpapaulan ng libreng condoms tuwing World Aids Day, pagpapa-premiere ng mga uncut versions ng bomba movies sa Film Center, halos araw-raw na mga rally, rumble ng Upsilon at Sigma Rho every month, at orgy ng babaylan every weekends. Kaya masasabi nating napaka aktibo ng eskwelahang ito.
 
Sa kabila ng lahat ng ito, nangunguna sa kahit anong bagay ang mga nag-aral sa U.P. Siguro dahil sa pinagdaanan nila sa eskwelahang ito naging mga !@#$ at street smart ang mga Isko at Iska. Kaya hindi mo mauutakan ang mga yan. Survival of the Fittest, 'ika nga, kaya kapag gumraduate ka sa U.P., you are ready for the real world. Angat ka talaga sa iba. Sa kahit anong field, mapa showbiz, politics, business, rebellion, etc. nangunguna ang mga taga UP! Mga bitter lang ang di makatanggap ng fact na yan.
 
Kaya sa lahat ng mga Isko, wherever you are (nangungurakot na pulitiko sa kongreso, namundok na kasama ang mga NPA), whatever you do (walang trabaho, director, producer, artista, model, singer, rebelde, tindera, doctor, abogado, mangingisda, magsasaka, magnanakaw, swindler, estafadora, congressman, presidente ng pinas etc.) saludo ako sa inyo!
 
Itaas ang bandila ni oble at ng buong UP System!
 
U.P. da best!
 
MABUHAY ANG MGA ISKO AT ISKA NG BAYAN!
: Re: UP: 100 taon ng kayabangan
: Hayblad October 09, 2008, 08:30:45 AM
@Master Dave: sangayon ka ba? ehehe!

 isa ngang kampay jan!  toast::
: Re: UP: 100 taon ng kayabangan
: Master Dave October 09, 2008, 08:35:36 AM
@Master Dave: sangayon ka ba? ehehe!

 isa ngang kampay jan!  toast::

oo naman..  :D  toast::
: Re: UP: 100 taon ng kayabangan
: templar October 09, 2008, 08:41:08 AM
well said!!!!

taga UP din ako ako at naranasan ko yung mga ibang sinsabi sa post

Matatalino't matatapang nga!! toast::
: Re: UP: 100 taon ng kayabangan
: b0ler0 October 09, 2008, 02:54:35 PM
Kulang pa yan.  Di pa binanggit ang 5 o'clock session sa Kalayaan - na naremedyuhan na nung nineties.  Pati na rin and paninilip sa Sampa mula sa Physics building pag gabi.  :D

Yun ring mga magkasintahang di kayang magbayad ng motel na nago-overnight na lang sa slopes ng Sunken Garden.  Pati na rin ang multo ng mga lamp posts along the Academic Oval... subukan mong maglakad dito ng alas-dos ng madaling umaga, mamamatay ang lamp post na dadaanan mo at sisindi pag nakalampas ka na.

Di rin ata nabanggit ang Beach House, and Mang Jimmy's, ang Rodic's, at syempre pag tight budget, and Coop.

Diliman ako, hinde Manila, pero sigurado akong mas maraming sosyal sa BA, Econ at AS lobby kumpara sa UP Manila.  Bilang pa lang ng kotse, mas marami pa sa mga estudyante sa mga classrooms.

Yung email, nagreklamo sa pila sa reg prior to computerized registration.  Wala yan sa pila sa STFAP, ang linya ay mula Vinzon's hanggang Educ.

Di rin nabanggit ang PCED, ang Gulod (sarado na ba to?), at ang Sarah's.

Speaking of PCED, pag panahon ng rumble, tambay ka lang dito ng mga alas-nuwebe ng gabi para makanood ng away a la Batch '81.

Sa UP lang mas matibay ang mga older buildings sa mga newer infrastructures.  1991 earthquake, facade ng BA, bumagasak, samantalang ang Educ at Law, ang AS at Eng, at ang Admin at Main Lib - ang tatlong set ng twin buildings - walang structural damage ni katiting.

Maraming maganda ang masasabi ukol sa Peyups.  Marami ding pangit.  Pero ang sigurado ay lahat sila, hinding-hinde mo malilimutan.  Kahit 20 years na simula nang lumisan ka mula sa unibersidad, pag mapadaan ka lang sa Katips, mapapangiti ka sa mga memories na iyong maaalala.

Sa UP, pag grumadweyt ka on time, abnoy ka.  Sa sobrang sarap ng buhay dun, nanaiisin mo talagang sultin ang MRR. 

At kahit abutan ka ng MRR, appeal lang and you will be admitted "for the last time."

After that, "for the very last time."

After that, "for the very, very last time."

After that, "for the very, very, very last time."

How many very's are possible?

Only Romeo Lee would know.  :D
: Re: UP: 100 taon ng kayabangan
: Master Dave October 09, 2008, 03:05:58 PM
Diliman ako, hinde Manila, pero sigurado akong mas maraming sosyal sa BA, Econ at AS lobby kumpara sa UP Manila.  Bilang pa lang ng kotse, mas marami pa sa mga estudyante sa mga classrooms.


pati nga teachers namin dati sa econ, de-kotse.. pero pagpunta mo sa AS, mga de-ikot/toki lang ang mga prof.. hehe..
: Re: UP: 100 taon ng kayabangan
: inton October 09, 2008, 09:06:38 PM
totoo magagaling sila... maraming good job, marami ding palpak.. to sum it up, di umuusad.. parang tug of war ang direction.. ganito ang Pilipinas kasi gani ang gusto ng UP, walang majority. Proud ba kayo nito?

Noon meron nga tayong angat na kaalaman, pero sa pangkalahatan eh walang silbi.. Umaangkat pa nga tayo ng bigas eh.. Ngayon naman ay napag-iwanan na tayo sa kaalaman. Ang UP ay proud pa rin sa ginagawa nila, step down na sa kayo at gumawa na ng bagong landas tungo sa kaunlaran at wag pairalin ang baluktot nyong pag-iisip.

Kung may mamamatay sa loob ng isang school campus, malaking insulto yan, di kayo dapat proud dyan.. Ang mga estudyante ay nandyan para mag-aral hindi para mangaral...

eto para sa inyo,    ::WAKE UP!!!
: Re: UP: 100 taon ng kayabangan
: Master Dave October 10, 2008, 12:54:00 AM
totoo magagaling sila... maraming good job, marami ding palpak.. to sum it up, di umuusad.. parang tug of war ang direction.. ganito ang Pilipinas kasi gani ang gusto ng UP, walang majority. Proud ba kayo nito?

Noon meron nga tayong angat na kaalaman, pero sa pangkalahatan eh walang silbi.. Umaangkat pa nga tayo ng bigas eh.. Ngayon naman ay napag-iwanan na tayo sa kaalaman. Ang UP ay proud pa rin sa ginagawa nila, step down na sa kayo at gumawa na ng bagong landas tungo sa kaunlaran at wag pairalin ang baluktot nyong pag-iisip.

Kung may mamamatay sa loob ng isang school campus, malaking insulto yan, di kayo dapat proud dyan.. Ang mga estudyante ay nandyan para mag-aral hindi para mangaral...

eto para sa inyo,    ::WAKE UP!!!

exactly what is said on the first paragraph.. ;D

Kahit kaninong Pilipino nyo itanong, sasabihin na UP ang numero unong unibersidad sa 'Pinas. Yung mga nagsasabing hindi UP ang number one, mga in denial. Di nila matanggap ang laki ng pagitan ng UP sa iskwelahan nila. Yung iba naman mga bitter, hindi pumasa sa UPCAT kaya naninira?cheap daw ang U.P., Jologs ang U.P. (jolog: Gaudy, unelegant, without refinement in taste), magulo at delikado raw sa U.P., never daw nilang naisipang mag-aral sa U.P., pero deep inside U.P. ang dream school nila. Sabi nila, ito ang breeding ground ng mga future leaders ng Pinas ? pati na rin mga future rebels.
: Re: UP: 100 taon ng kayabangan
: keyjay October 10, 2008, 02:48:39 AM
I took my Masters in UP but i did not like the system. I came from a State University as well which is very similar to UP (Mindanao State University), and i swear the system in that school is far worse. When i took a job, i am paired up with a UP graduate. my boss gave a preferential treatment to her simply because she is from UP, even if she is not a performer and she did not graduated top of her class (which i did). bottomline is, UP is overrated. sure there are good students from UP but not all people from UP are as brilliant as one thinks. student factor pa din yan. pero syempre, angat ang UP sa ibang state universities. ano nga ba naman ang panama ng PUP or ng PLM sa UP. hehehe
i think di dapat icompare ang UP sa ADMU at LaSalle. im taking my MBA at Ateneo and they dont even care which is better. i doubt if La Salle even noticed the difference. saka parang di level ang comparison kung ipagpipilitan ng UP ang sarili sa circle. hehehe
: Re: UP: 100 taon ng kayabangan
: b0ler0 October 10, 2008, 05:03:38 AM
Keyjay, your experience merely shows that the person you were paired with - who happened to be a UP graduate - is overrated.  We cannot say that UP itself, as an institution, is overrated.  That would be a hasty generalization, wouldn't it?

You think that Ateneo and La Salle don't even notice UP?  That's correct.  They're too busy with basketball.  :D

Kidding aside, I received my AB degree from UP.  I received my JD from Ateneo.  When did you take your masterals?  We may have met each other along the hallowed halls of that ROckwell campus.

Just like you, however, I can speak for both schools, and I can say that I have a completely different experience from yours.  It is common for members of the academe, from any school, to take some pot shots at other institutions from time to time.  Fr, Joaquin Bernas, the Consti I and II teacher, for example, calls UP the "bastion of immorality."  All in good fun however.  Fact is, it's normal for any member of any academe to claim his school is the best and the rest are competing for leftovers.

It's called school pride.  It's called "love your own."  In your stay at the Ateneo, you may have never met an instructor who had enough bravado to use his wit to poke fun at other schools.  But this doesn't mean that they refuse to compare their school with other schools.

Pride, after all, is a product of comparison.  How can you be proud of something that falls pale in comparison with others, right?

You're right, UP cannot be compared to Ateneo or La Salle or Mindanao State College or De Guzman Institute of Technology.

UP is in a class of its own.  :D
: Re: UP: 100 taon ng kayabangan
: Bill Clinton October 21, 2008, 06:39:33 PM
Namiss ko tuloy ang isaw sa may Kalay at ang Mang Jimy's. 

By the way, nice one Bolero.  toast::

: Re: UP: 100 taon ng kayabangan
: blunatix003 December 16, 2008, 05:35:06 AM
Sa UP, pag grumadweyt ka on time, abnoy ka.  Sa sobrang sarap ng buhay dun, nanaiisin mo talagang sultin ang MRR. 

pasensya na po boss abnoy ako..
hehehe
Diliman centennial grad.Student number 2004-10***
: Re: UP: 100 taon ng kayabangan
: gkhan December 16, 2008, 06:43:53 AM


Kudos to my fellow Alumni here.   Kaya naman when I went to the Araneta Coliseum during the Centennial Celeb, I cant help but feel nostalgic.  While nagsasaya tayo sa mga achievements ng mga grad ng UP, so many also have fallen along the way.  Dami mga aktibista na ang nangamatay lalo na nung panahon ng diktadurya - they who lived up to their ideals, ideals that they learned when they first step into the hallowed halls of Palma Hall.

Yet, you cant help but despair dahil karamihan din ng mga pulitiko na panay ang pagnanakaw sa bayan eh mga UP grad.

Just the same, pare pareho tayo, mga espiya pa rin.  Walang pinagkaiba. Wag lang sanang mawala ang idealism sa ating puso at isipan.

Ano na nga ba yun nakalagay sa bluebook - academic excellence at ano pa yun kasunod?





: Re: UP: 100 taon ng kayabangan
: Master Dave December 16, 2008, 06:47:47 AM

Ano na nga ba yun nakalagay sa bluebook - academic excellence at ano pa yun kasunod?


UP Consumers Cooperative? yun yung nakasulat sa likod e.. hehe.. Honor Excellence yung nakasulat sa harap.. ;D
: Re: UP: 100 taon ng kayabangan
: gusabelgas December 25, 2008, 01:39:47 AM
pang ilan po ang UP sa World Rankings ng mga Universities worldwide? ::moreinfo
: Re: UP: 100 taon ng kayabangan
: chavit January 06, 2009, 09:58:51 PM
I took my Masters in UP but i did not like the system. I came from a State University as well which is very similar to UP (Mindanao State University), and i swear the system in that school is far worse. When i took a job, i am paired up with a UP graduate. my boss gave a preferential treatment to her simply because she is from UP, even if she is not a performer and she did not graduated top of her class (which i did). bottomline is, UP is overrated. sure there are good students from UP but not all people from UP are as brilliant as one thinks. student factor pa din yan. pero syempre, angat ang UP sa ibang state universities. ano nga ba naman ang panama ng PUP or ng PLM sa UP. hehehe
i think di dapat icompare ang UP sa ADMU at LaSalle. im taking my MBA at Ateneo and they dont even care which is better. i doubt if La Salle even noticed the difference. saka parang di level ang comparison kung ipagpipilitan ng UP ang sarili sa circle. hehehe

BITTER!!! SOURGRAPING YAN TOL!!! ipasa mo UPCAT ng malaman mo ang sarap!
: Re: UP: 100 taon ng kayabangan
: coated_pill January 06, 2009, 10:28:00 PM
UST ako.. but I am still proud of it..

honestly gusto ko sana sa UP but i never took the exam.. wala lang.. ewan ko nung mga panahon na yun.. mas naging feel ko lang ang maging thomasian..
: Re: UP: 100 taon ng kayabangan
: pspyrock January 06, 2009, 10:59:25 PM
iba talaga ang up.
matututo kang mabuhay sa up, hindi lang puro aral ang inaatupag, kaya nga kakaunti lang ang araw ng pasok dun e. ang daming time for extra activities.  ;D
at yung experience na makasalamuha ng iba't ibang klase ng tao laging nandun. iba't-ibang personality at tauhan. may pagkakataon nga na may mga taong makikilala ka sa up na wala kang chance makilala sa labas ng unibersidad, lalo na yung mga weird.  ;D
all in all, panalo ang experience ko sa up. buti nga 2 up system ang na-experience ko, manila at diliman, may pagkakaiba ang mga tauhan dun at kultura pero parehong astig.  ;D
: Re: UP: 100 taon ng kayabangan
: sinnerman January 07, 2009, 02:40:52 AM
mabuhay! ang sarap pagka graduate mo ng peyups.
mabuhay tayong mga isko!
: Re: UP: 100 taon ng kayabangan
: zugstwit January 07, 2009, 04:24:57 AM
Sa UP Visayas ako gradweyt ng Masters Program on Rural Development Management, keso na phase out yung program kaya't di na kami nakumbida nung ika-100th anniv. Anywiz....
: Re: UP: 100 taon ng kayabangan
: UnGraTefuL SchoLaR January 23, 2009, 11:40:09 PM
kahit d ako grad sa UP, na feel ko pa rin ang pagiging isko... 3 yrs din ako dun until i decided to VOLUNTARILY drop out from the system...  engineering student ako 97-566**.. hehehe!
: Re: UP: 100 taon ng kayabangan
: Master Dave January 24, 2009, 08:45:19 AM
kahit d ako grad sa UP, na feel ko pa rin ang pagiging isko... 3 yrs din ako dun until i decided to VOLUNTARILY drop out from the system...  engineering student ako 97-566**.. hehehe!

mabuhay ang mga dropouts! toast:: Econ ako, '04.. :D
: Re: UP: 100 taon ng kayabangan
: UnGraTefuL SchoLaR February 27, 2009, 09:05:57 PM
ilang years ka pala nag stay sa econ pre?
: Re: UP: 100 taon ng kayabangan
: Master Dave February 28, 2009, 05:00:27 AM
ilang years ka pala nag stay sa econ pre?

3 sems, tapos non-major na.. hirap kasing magklase sa mga auditorium ng 7am.. hirap magpigil ng antok.. ;D
: Re: UP: 100 taon ng kayabangan
: wereturtle February 28, 2009, 07:37:41 AM
Pambihira! natira pa ng UST!

Binalak ko din mag UP noon, kaso ayaw ako pagaaralin ng magulang ko dun. Baka daw masali ako sa kung ano ano. hehe!

Kaya ayun sa UST ako graduate.
: Re: UP: 100 taon ng kayabangan
: sweetbayag2 March 07, 2009, 09:15:55 PM
mabuhay! i graduated from samson institute in cubao! awa ng dyos eto ako sa japan, naghohosto!!  toast::
: Re: UP: 100 taon ng kayabangan
: claudine69 March 26, 2009, 07:34:21 AM


You think that Ateneo and La Salle don't even notice UP?  That's correct.  They're too busy with basketball.  :D


YEAH!
: Re: UP: 100 taon ng kayabangan
: simpleng_espiya March 26, 2009, 11:08:56 AM
one of my life's frustrations was to study in UP..

di ako pinayagan e..di din ako pinayagan kumuha ng UPCAT..
hanggang ngayon nanghihinayang pa din ako dun.. kahit graduate din ako ng isang state university naisip ko naiinggit
ako sa inyo mga sirs..hehe

: Re: UP: 100 taon ng kayabangan
: marteniko March 26, 2009, 04:09:52 PM
UP rin ako mga budz...... yupian ng lata.  toast::
: Re: UP: 100 taon ng kayabangan
: malebox March 29, 2009, 11:55:43 PM
as i grow old,whenever i go back to uplb,the chicks stay the same...hehehe....
: Re: UP: 100 taon ng kayabangan
: mantelisetal November 18, 2019, 12:33:35 PM
UP ISKO HERE HEHEHEHHE