Espiya

Espiya Lobby => Personal Advise Corner => : kenji321 June 21, 2014, 11:39:31 AM

: May nabalitaan na ba kayong yumaman sa MLM?
: kenji321 June 21, 2014, 11:39:31 AM
In particular eh Business Royale, mga ka espiya, may mga nabalitaan na ba kayo na yumaman dito? Yung hindi second hand information ha, yung talagang kilala ninyo na guminhawa ang buhay mula nang pumasok dito. Ang dami kse na napopost sa fb na nagkaruon na nang bagong car, ang daming tseke na malaki ang halaga. Are these things true?
: Re: May nabalitaan na ba kayong yumaman sa MLM?
: rodeo June 21, 2014, 11:57:26 AM
input lang about MLM, usually yumayaman dyan yun unang downline at yun madaming recruit.

 Wayback late 90's and early 2000 naging member ate ko sa isang MLM , malaki kinikita nya kasi paumpisa pa lang yun MLM company na yun at marami sya narecruit . Minsan may checke sya for 20 t , 30 t per month.  at yun pinaka head na nakarecruit sa kanila naka magandang sasakyan, porsche, ang dating trabaho nya ay dyip driber.

after 1-2 years medyo naging congested na yun market at medyo tumamlay yun ibang narecruit di na nagbenta tumigil na rin sila .

: Re: May nabalitaan na ba kayong yumaman sa MLM?
: tigerwing June 21, 2014, 12:24:42 PM
In particular eh Business Royale, mga ka espiya, may mga nabalitaan na ba kayo na yumaman dito? Yung hindi second hand information ha, yung talagang kilala ninyo na guminhawa ang buhay mula nang pumasok dito. Ang dami kse na napopost sa fb na nagkaruon na nang bagong car, ang daming tseke na malaki ang halaga. Are these things true?

wag ka masyado mag papaniwala dun.. yan tlga ang marketing strategy ng mga MLM para maka engganyo ng marerecruit. Ang mag pakita kuno ng napakalalaking kita... pero as with all ads.. hindi nmn dapat maging realistic.. isipin mo nlng yung comercial ng burger na mukhang napakasarap pero pag binili mo na di nmn ganun ang ibibigay sayo..

yayaman ka sa mlm kung isa ka sa mga pioneers at magaling ka mambola.. remember, the bussines model is to recruit more people under you.. kung di ka makarecruit dahil over saturated na ang market or dahil lng tlga hindi ka magaling mambola ng tao, malayo ka sa pagyaman..

madami ako kilala ng nag mlm.. kumikita oo, kahit pano. pero di yumayaman..
: Re: May nabalitaan na ba kayong yumaman sa MLM?
: wildgang_10 June 21, 2014, 03:21:16 PM
Many Years ago i was abducted to attend a seminar in Forever Living in Green hills...

sa umpisa palang about their lectures they try to brainwash yung mga new recruits nila kaaagad.

pero ang tutuo ang multi level only works sa mga pioneers na nag umpisa yung mga downlines nya mostly ang mag trabaho ng husto para sa upper level..

to a point na walang ng ma recruit and maloko yung downlines ang nangyari maraming na discourage and lumipat sa ibang networking kaya nag collapse yung group nila.

marami akong kilala na na-hooked diyan sa ganyang multi level scheme

and sila mismo inamin nila na naloko sila!

some of them ginawang career talaga they spend so many years kaka recruit ng kung sinu sinu to a point na yung mga kaibigan nila naiinis na and most of them iniiwasan na sila!! (dahil palagi silang kinukulit na mag join sa group)

yung neighbor namin dati he even told me na wala ng atrasan, malaki na kasi yung nakunsumo nya na effort, money and time kaka recruit...

after many years kinain din nya yung pride nya!

 ang bagsak nag call center na lang..

so sad pero kawawa yung mag maliliit na naloko..
: Re: May nabalitaan na ba kayong yumaman sa MLM?
: VeilSpy June 21, 2014, 08:49:29 PM
meron  ;D
: Re: May nabalitaan na ba kayong yumaman sa MLM?
: maniac2999 June 21, 2014, 09:12:02 PM
MLM = pyramid style recruitment. Yayaman yung nasa unang members na magrerecruit, that is kung aabot ng maraming levels yung pyramid. ang difference lang ng MLM sa pyramiding eh may tunay na "products" daw yung MLM, mga produktong puro " NO THERAPEUTIC CLAIMS" e.g PLACEBO which is not much different from selling titles/nothing hahaha

PROTIPS:

a. pag gagawa ng produkto para sa MLM, gumamit ng exotic ingredients na di kayang idistinguish tulad ng paglagay ng Royal Jelly sa Sabon o 10 ingredients sa powdered coffee

b. lagyan sa label ng "HELPS fight [insert malalang karamdaman here]"

c. lagyan ng malaking pangalan ng MLM group / creative name ang produkto : Royale Cleanse Lotion

d. magingat sa RAID ng BFAD , mahirap mapaTV

e. maghold at magbayad ng walang prinsipyo na artista para ipromote ang produkto
: Re: May nabalitaan na ba kayong yumaman sa MLM?
: VeilSpy June 21, 2014, 09:27:11 PM
sad. this kind of thinking is exactly kung bakit most of us still wish some green pasture.  :(
: Re: May nabalitaan na ba kayong yumaman sa MLM?
: tigerwing June 21, 2014, 09:52:27 PM
sad. this kind of thinking is exactly kung bakit most of us still wish some green pasture.  :(

Is it not the truth? Ganyan namn tlaga ang MLM diba?

Totoo nmn na puro walang kwena mga produkto ng mga MLM, puros claim ng ganito ganyan wala namn maipakitang suppoting documents, walang published journals, research or any clinical trials na ginawa ng company nila..

Totoo naman na Pyramiding ang pattern nun. Yun nga lang legalized kuno.. the main objective is to recruit a downline..

You know whats more sad? Its when people tolerate/promote this kind of business practice. Ang tao nga naman basta kumita lang, kahit pangita nmn na lokohan pag pipilitang tama..
: Re: May nabalitaan na ba kayong yumaman sa MLM?
: maniac2999 June 21, 2014, 09:56:16 PM
In particular eh Business Royale, mga ka espiya, may mga nabalitaan na ba kayo na yumaman dito? Yung hindi second hand information ha, yung talagang kilala ninyo na guminhawa ang buhay mula nang pumasok dito. Ang dami kse na napopost sa fb na nagkaruon na nang bagong car, ang daming tseke na malaki ang halaga. Are these things true?

Oops, forgot TIP F:

forget rational thinking, bumili ng mamahaling mga bagay na tutulong magadvertise ng negosyo e.g. CARS, wag mansyon, hindi mo madadala sa exhibit yun

at G:

ipunin at manghiram ng pera, ideposito sa banko under your name then withdraw/write a check! rinse and repeat for all members

and the list goes on.. if there's anything worse than luring people into a scam, it's giving them FALSE HOPE.
: Re: May nabalitaan na ba kayong yumaman sa MLM?
: 호밀 크루즈 June 21, 2014, 10:56:08 PM
May mga yumaman talaga dyan, which is yung mga nauna nga. Yung mga nag-member nung kakaumpisa pa lang nyan. Way back 2010 nag member yung classmate ng kapatid ko dyan sa Royale. Bigtime na nga talaga sya ngayon. Taga Balanga, Bataan yun. Nakasama pa ko sa bahay nila noong 2012 kasi nga ininvite nya si kuya ko dun at niyayang mag-royale din. So napa- Oo nya si kuya ko. Kumuha ng 7 accounts, kasi kagagaling nya sa abroad nun kaya may pera sya. Kumita/kumikita ba si kuya ko? Oo naman. Kaya lang MALAYO sa inaasahan nyang kikitain nya. Ang resulta? Eto kami ngayon, magkasama bilang OFW sa oman.

So about sa tanung mo TS, meron talagang yumaman dyan. Marami din sila. Kaya lang sa ngayon, di na praktikal yan sa palagay ko kasi marami ng nasa taas.
: Re: May nabalitaan na ba kayong yumaman sa MLM?
: Pierro7 June 23, 2014, 03:10:50 AM
personally, wala akong kilala.
well, I guess yung "asawa-ng-elementary-classmate" ko ... considered as one. ;D
: Re: May nabalitaan na ba kayong yumaman sa MLM?
: Idiot June 23, 2014, 09:41:41 AM
hahahahhahah

obviously at realistically at literally kahit anong MLM ang mga pioneers lang medyo masasabi natin magkakaroon ng magarang sasakyan or bahay in short sila lang yayaman.

nasabi na nila yung iba

masasabi ko lang na mahirap mag-recruit lalo na kung nasa pinakadownline kana
yung mga sasakyan at iba pang-akit lang ng company yun stimulate nila yung desire at fantasy ng isang tao  para ma-trap silang sumali

: Re: May nabalitaan na ba kayong yumaman sa MLM?
: arabellelopez June 23, 2014, 12:44:26 PM
(http://::thanksforhelp

Totoo yan... Mga kaibagan ko lahat yumaman na yung isa me ari ng AIM Global na sa Royale lahat yan totoo. No hype.... Napuno na nila Araneta Col. And SM MOA Arena. Next Goal nila punuin ang INC Arena....

Ako kumita sa MLM.... i have my business right now through MLM. And now I handle a company)
: Re: May nabalitaan na ba kayong yumaman sa MLM?
: arabellelopez June 23, 2014, 12:49:03 PM
In particular eh Business Royale, mga ka espiya, may mga nabalitaan na ba kayo na yumaman dito? Yung hindi second hand information ha, yung talagang kilala ninyo na guminhawa ang buhay mula nang pumasok dito. Ang dami kse na napopost sa fb na nagkaruon na nang bagong car, ang daming tseke na malaki ang halaga. Are these things true?

Totoo yan... Mga kaibagan ko lahat yumaman na yung isa me ari ng AIM Global. Yung mga friend ko sa Royale lahat yan totoo. No hype.... Napuno na nila Araneta Col. And SM MOA Arena. Next Goal nila punuin ang INC Arena.... After forever living nagkahiwalay hiwalay na kami.

Ako kumita sa MLM.... i have my business right now through MLM. And now I handle a company
: Re: May nabalitaan na ba kayong yumaman sa MLM?
: leightot July 06, 2014, 11:11:15 AM
mga dating forever living at uno nandyan sa royale ahaha POWER daw. oo power sa recruit para yumaman yung upline.  naalala ko pa kaklase ko ng college libre nya daw kami lunch hayuf after lunch dinala kami sa isang POWER meeting ayun ubos oras namen sa kakasigaw ng POWEEEEERRR! lolllll
: Re: May nabalitaan na ba kayong yumaman sa MLM?
: naruto789544 October 13, 2014, 03:38:17 PM
as most stated here, ang yumayaman ung mga pioneers since sila ang makikinabang sa halos lahat ng downlink..  i personally knew some of them from the forever living and barclay days... if you want to get rich in this mlm work, look for a new company then after a year or two pag medyo saturated na ung downlinks resign ka na.. at least iwas ka na sa problem pag collapse nito...
: Re: May nabalitaan na ba kayong yumaman sa MLM?
: niek_niek October 13, 2014, 07:46:01 PM
Nasa MLM ako pero hindi kami nagbebenta ng mga gamot gamot, pamparegla or something like that. Pag nagpre-present ako sa mga tao, never kong sinabing "Yayaman ka agad dito" kasi hindi naman talaga madaling yumaman sa MLM but hindi rin ganun kahirap para kumita ng pera. Let say, may extra income ka kahit pang grocery or pang gas man lang every week which I think hindi naiisip ng karamihan. Sad to say, madaming pinoy pa din na gustong yumaman agad kinabukasan kaya napapasali sa MLM kahit hindi pinag-aaralan kung anong system and products meron yung MLM company na sasalihan nila.

And please, sa mga nagiisip pa lang na sumali sa mga MLM, wag na wag kayong papadala sa mga sinasabing "Yayaman kayo dito agad" because there's no such thing na madali kang yayaman except kung manalo ka sa lotto :)

Lastly, kung sasali kayo sa MLM, dapat yung product eh nagagamit nyo talaga. Yung sinasabing "Needs over Wants" para kahit hindi kayo makapag-refer, kikita pa din kayo kahit papano. Let say may discount kayo sa bagay ng ginagamit nyo araw-araw na talagang kailangan nyo.

And yes, kumikita ako sa MLM but I'm not saying na milyonaryo ako :)
: Re: May nabalitaan na ba kayong yumaman sa MLM?
: Prince Barry October 13, 2014, 09:15:52 PM

 ::uhaw ::uhaw ::uhaw ::uhaw
: Re: May nabalitaan na ba kayong yumaman sa MLM?
: redsand October 13, 2014, 09:57:58 PM
 bnana

tulad din nyan nung AIM GLOBAL....yung isang recruiter pakita ng pakita ng account nya...panay display katabi ng mga bagong sasakyan.....pero nahuhuli rin sa mga pix nya na wala syang sasakyan kasi lahat ng pix nya na bumibiyahe...naka BUS ang loko!!!!!
: Re: May nabalitaan na ba kayong yumaman sa MLM?
: niek_niek October 13, 2014, 10:16:54 PM
bnana

tulad din nyan nung AIM GLOBAL....yung isang recruiter pakita ng pakita ng account nya...panay display katabi ng mga bagong sasakyan.....pero nahuhuli rin sa mga pix nya na wala syang sasakyan kasi lahat ng pix nya na bumibiyahe...naka BUS ang loko!!!!!

Kaya wag agad magpapadala sa mga sabi sabi at mga pinapakitang sasakyan at mga cheke....
: Re: May nabalitaan na ba kayong yumaman sa MLM?
: raberdaki October 14, 2014, 12:58:03 AM
ang gf ko nasa MLM business din let's say nasa middle level siya which kumikita din naman siya pero di gaanong kalakihan sapat na pang-ambag sa electric bills, telephone at pang grocery nila...

: Re: May nabalitaan na ba kayong yumaman sa MLM?
: Ilonggo-by-blood October 14, 2014, 01:44:52 AM
may kilala ako sa My Video talk nag si yaman but yung downline kawawa
: Re: May nabalitaan na ba kayong yumaman sa MLM?
: franksterling October 14, 2014, 03:11:34 AM
papano yayaman, eh pagkakuha pa lang ng commission shopping to the max para may pakita sa fb.... that I can say I know one directly and its annoying....
: Re: May nabalitaan na ba kayong yumaman sa MLM?
: dweizz October 14, 2014, 06:24:14 AM
mlm? parang zero sum game yan... ninanakaw mo lang pera ng nasa baba mo...
: Re: May nabalitaan na ba kayong yumaman sa MLM?
: ONEP1ECE.MCMXCIII October 14, 2014, 07:50:43 AM
i know someone...honeslty sa World of warcraft ko lang siya nakilala ang proven dito siya yumaman sa Royale..Pm me kung gusto mo malaman fb niya
: Re: May nabalitaan na ba kayong yumaman sa MLM?
: weng151515 October 14, 2014, 08:18:35 AM
ratio 1- 10000, so kung sasali ka ano chances mo...frankly pag sumama ka, mababawasn kamag anak mo at kaibigan pati opis mate mo posible lalayuan ka... so take your chances...
: Re: May nabalitaan na ba kayong yumaman sa MLM?
: niek_niek October 14, 2014, 09:02:24 AM
mlm? parang zero sum game yan... ninanakaw mo lang pera ng nasa baba mo...

Sir, paki-explain nga po kung papano nyo nasabing "ninanakaw" :) Natry nyo na po ba mag MLM?
: Re: May nabalitaan na ba kayong yumaman sa MLM?
: Smitty Werben Man Jensen October 14, 2014, 10:41:28 AM
The guy who owns Rue Bourbon Tagaytay, produktong XTRM! Classmate ko yun dati

Yun isa naman kapatid ng asawa ng relative ko (i don't want to be specific)
from Mazda to Mini Cooper to Jag (plus a house).. though medyo nakapag-aaalala ito kasi parang di nagiinvest ng ibang long term business, puro Royale dinadaan e.

Laking tulong talaga ng FB sa MLM haha  ::laffman

Naalala ko tuloy FQ nun college days, sabi ko dun sa nagaalok, kung ganun po kalaki kinikita niyo, edi pwede niyo muna sagutin yung membership fee ko tapos pag kumita na ko baka pwedeng bayaran ko na lang kayo hahaha
: Re: May nabalitaan na ba kayong yumaman sa MLM?
: Zbuffer101 October 14, 2014, 12:59:22 PM
may mga yumayaman talaga... pero mas maraming nagsasayang ng pera haha