Espiya

Member Reviews / Recommendations => Reviews/Ratings => Avoid This Place => : Quatro December 12, 2011, 02:17:34 AM

: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: Quatro December 12, 2011, 02:17:34 AM
Mga kapwa espiya kung sino man kumakain sa Chic-BOY iwas iwasan nyo na. napakasama ng Service nila akalain nyo ba naman ang Ginisang kangkong nila ay may kasama pala centipede higad bulate kung ano man toh nakakadiri! Napaka palpak ng Sanitation nila dito. at sobrang defensive pa nila. e pagkakalaking HIGAD na yan. itatangi pa nila. kesyo hindi daw nila alam kung bakit nagka meron ng ganun kesyo may cctv camera. nung pinapa check naman ung record ayaw naman i check. Ingat ingat kayo dito mga espiya.
[/b][/font][/color]


(http://i40.tinypic.com/xdc7q1.jpg)
(http://i44.tinypic.com/ezi28.jpg)
(http://i39.tinypic.com/1rsqd2.jpg)
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: SimpleMetry December 12, 2011, 02:27:23 AM
siningil ba kayo ng extra sa ginisang centipede?
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: TobleRONe December 12, 2011, 02:32:25 AM
Halos naubos na bago nyo napansin yung ganoon kalaking higad?
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: rbspiderX December 12, 2011, 02:42:47 AM
nde naman sa namimilosopo pare..pero sa laki ng higad na un nde mo man lang napansin? halos paubos na ung pagkain mo pre.yung gulay putol putol..halos half lang ng higad.






.pero kahit ano pa man..sobrang kadiri amf
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: Smitty Werben Man Jensen December 12, 2011, 02:43:24 AM
hmm nakakagana! favorite ko pa naman yan chic boy sa bf. Buti batchoy, manok, liempo lang ako hehe
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: Quatro December 12, 2011, 02:43:59 AM
nagulat nga ako sa ilalim ng kangkong ay may kasama ng talong ung Ginisang Kangkong nila hindi ko muna pinansin kain lng ako ng kain pagkatapos pinansin ko ung pag aakala kong "talong" Sinubukan kong hiwain ito sa pamamagitan ng tinidor, pero ang kunat nito. hanggang sa itinihaya ko ito. At sa pagtihaya ko nito, tumambad sa akin ang kanyang mga paa at pati ang mukha. tang ina. napamura na lng ako bigla. lesson learned tingnan muna mabuti lahat ng kakainin. wew!
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: waldner December 12, 2011, 02:44:42 AM
Sauteed Water Spinach with roasted Chenille.  ::drool  toast::
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: leightot December 12, 2011, 02:50:04 AM
hahaha anu lasa ng sinabawang centipede? :D
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: Smitty Werben Man Jensen December 12, 2011, 02:52:30 AM
nakakakilabot naman yung kwento haha! ewwwww!
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: alucardver December 12, 2011, 03:00:33 AM
swerte mo pre, pwede mo silang singilin ng mahal dyan bago mo nilabas sa public.
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: alucardver December 12, 2011, 03:10:55 AM
swerte mo pre, pwede mo silang singilin ng mahal dyan bago mo nilabas sa public.

nga pala sinabi mo ba yan sa management?
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: Belphegor December 12, 2011, 03:11:49 AM
eto yung link nyan from facebook hehehe

https://www.facebook.com/media/set/?set=a.10150528208361303.431874.616451302&type=3

yummy!!
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: Langabe December 12, 2011, 03:17:52 AM
Nakita ko na Ito post na Ito sa Facebook nov 21, 2011 nangyari Ikaw din bayan ts?

https://www.facebook.com/media/set/?set=a.10150528208361303.431874.616451302&type=3
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: ftc December 12, 2011, 03:27:21 AM
Ts ikaw ba first hand naka experience nyan kasi kalat na sa facebook, chickboy timog pla yun!
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: Quatro December 12, 2011, 03:55:29 AM
Ts ikaw ba first hand naka experience nyan kasi kalat na sa facebook, chickboy timog pla yun!

OO kami ng friend ko andrea is a good friend of mine paki basa na lng nag file na din ng case against samin ung Chicboy Lechon lalo na kay andrea kasi siya nag kalat sa FB.
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: mangkepwing December 12, 2011, 04:00:36 AM
nakakapagtaka , ung nagluluto panong hindi niya mapapansin yan kapag nilagay niya sa plate at sa itsura nung bulate , mukang nung naluto eh buong buo . at dun sa nakakain mukang nabawasan ung laman nung bulate ah , anu lasa?  hehehe
sampahan mo ng kaso mas maganda videohan mo yan , pati kung paano mo nireklamo eh
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: Breath December 12, 2011, 05:13:55 AM
Niyaaaahh... hindi na ako kakain sa Chickboy!!!  :o
grabe naman ang Cook nila, ni hindi man lang ata
hinugasan yung gulay bago iluto?

humm... kung kinasuhan na kayo at wala kayong malapitan
tip ko, isapul niyo na sa tulfo brothers, yan lang katapat niyan!

tanong ko lang hindi ba kayo kinausap ng manager? or tinanong
man lang na alukin kayo ng perang pambayad sa nagawa nila?
kasi most of Fast food Chain's eh nagbabayad ng 1M or more, sa
madaling salita suhol matahimik lang yung costumer ng hindi na
kumalat pa yung kabalastugang ginawa nila?
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: Masterbation December 12, 2011, 05:43:59 AM
it's just an isolated case. Di naman siguro sapat na reason yun para hindi na kayo kumain sa Chickboy. Kahit saang restaurants, fastfood, and etc. nangyari na rin yan. Kahit mga bigatin pa. Sa mga ganyang bagay pwede naman mag-file ng kaso or reklamo. Usually na sa chef or cook ang sisi nyan. Hindi dapat na-ge-generalize yung buong chain or yung mismong branch. Kapag naman naaksyunan yan, either natatanggal lang yung cook/chef then magbabayad lang ng danyos yung nasabing branch.

Pwede rin masabi na nagtrip or nang-gago yung cook, or kung sino man dapat sisihin dyan. May mga videos na nga na kahit saan naman na food chain or restos eh may gumagawa nyan, yung mga walang magawa sa buhay.
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: b0ler0 December 12, 2011, 07:02:03 AM
OO kami ng friend ko andrea is a good friend of mine paki basa na lng nag file na din ng case against samin ung Chicboy Lechon lalo na kay andrea kasi siya nag kalat sa FB.

Why would Chicboy file a case against you?  You're not the one who slandered them through deed (the only applicable case in this scenario).  Chicboy does not have a cause of action against you until this thread of yours which was merely created a few hours ago, so I don't think you're even a respondent to the case, ASSUMING such a case was indeed filed.
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: alucardver December 12, 2011, 07:27:42 AM
dapat tumawag agad kayo ng media. ^_^ or nagpabayad ka ng 1million kapalit ang pananahimik nyo. ^_^ at kung matigas at ayaw magbayad, i-tawag nyo agad ng media. ^_^
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: Pierro7 December 12, 2011, 09:29:51 AM
buti hindi ko alam 'yang chicboy na yan. laffman::
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: Quatro December 12, 2011, 09:48:19 AM
weeeeeeeee! nsa news na. http://newsinfo.inquirer.net/109857/%E2%80%98look-there%E2%80%99s-caterpillar-on-my-veggies%E2%80%99  smoking::
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: TobleRONe December 12, 2011, 09:53:31 AM
di naman imposible na magkaroon ng higad sa niluluto kahit malaki pa iyon. baka aksidenteng nahulog habang niluluto. syempre di mapapansin iyon.

lately, dito din sa amin ang daming higad. everyday for the past 2 weeks may nakukuha ako sa loob ng bahay. panahon kasi ng migration ng buterflies ngayon kaya madaming higad.
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: thom_qa December 12, 2011, 10:30:07 AM
at least sir masasabi mo na ikaw ang unang pinoy na kumain ng ginisang centipede
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: Topi d Great December 12, 2011, 11:36:23 AM
centipede=alupihan

caterpillar=uod
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: krave December 12, 2011, 12:47:18 PM
centipede=alupihan

caterpillar=uod

I would like to point that out too, baka sabihin lang nagmamagaling ako. Pero sure ako na hindi centipede yan.
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: raberdaki December 12, 2011, 01:39:59 PM
caterpillar yan kumakain yan ng dahon ng kangkong napasama siguro sa pagharvest at hind nahugasang mabuti ang mga dahon bago lutuin..... di naman marumi yan kasi dahon lng ang kinakain pero nakakadiri lang tingnan pag napasama sa kinakain mo hehehe
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: incywincy December 12, 2011, 01:43:35 PM
Kayo pa unang nasampahan ng kaso? Dapat kayo mauuna magsampa. Hindi sila. Tumawag sana kayo ng media or sinabihan niyo sila na ikakalat niyo ang picture pag hindi sila nakipag areglo senyo. Sayang, magkakapera pa sana kayo diyan. Hehe.
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: Xin_Ra December 12, 2011, 02:55:32 PM
Why would Chicboy file a case against you?  You're not the one who slandered them through deed (the only applicable case in this scenario).  Chicboy does not have a cause of action against you until this thread of yours which was merely created a few hours ago, so I don't think you're even a respondent to the case, ASSUMING such a case was indeed filed.

tama. smoking::

: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: g_spot_stimulator1 December 12, 2011, 03:32:34 PM
Nanunuod siguro yung chef ng Bizaare Food ni Andrew Zimmern.... ;D
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: backfill December 12, 2011, 03:56:43 PM
caterpillar yan kumakain yan ng dahon ng kangkong napasama siguro sa pagharvest at hind nahugasang mabuti ang mga dahon bago lutuin..... di naman marumi yan kasi dahon lng ang kinakain pero nakakadiri lang tingnan pag napasama sa kinakain mo hehehe


agree ako dito.....

nagtataka lang ako bakit itim na ang kulay?
kasi green ang alam ko na kulay nung makunat na uod (kagaya nasa pic)
 ginisa di yan magiging black pwera nalang kung sinunog

 smoking::
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: Asiong Salonga December 12, 2011, 05:31:41 PM
Barbero naman to ni TS hahahahaha
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: Idiot December 12, 2011, 06:15:00 PM
hindi centipede yan tol centipede payat ang katawan at maraming mga paa

it is more a caterpillar para sa akin

tama isolated cases lang to di sakop ng buong management ng chicboy kase outsourced lang karamihan ang mga trabahador nila at may mga protocol ang mga manager problema kase sa mga pinoy e mga sira-ulo di sila sumusunod sa protocol

tsaka di pa yan malala

1.  fastfood na nalalason ang mga kumakain especially spaghetti (bubuyog) noon 90's and yet tahimik may nag-post dito na huwag oorder ng spaghetti kapag closing kay bubuyog kase mga trabahador ay mga sira-ulo

2. yung iba e may amoy na na yung BBQ (ricky reyes BBQ)

3. yung snozel ba ang tawag dun sa softdrink dispenser yung saan lumalabas yung sofdrinks nahulog yun at may nakabili (Mang Donald)

4. may mga small time na business na may uod, langaw, nagtatae

5. may nabalita pa nga tindera lang ng kakanin nakalason


may mga policy ang mga yan at protocol dapat kausapin ang management at humingi ng danyos kase kung dalawa lang kayo masisiyahan sa ginagawa nyo iisipin nyo yung walang kasalanan madadamay dyan mula manager hanggang crew na kasalanan lang ng isang tao kung nagsara ang buong chickboy ang daming madadamay para sa kasalanan ng isang tao.

dapat kaysa post ka ng post dyan mukhang naninira ka ng negosyo kausapin mo management kung ayaw magbigay doon kayo magdemanda may mga procedure yan

except na lang kung barbero ka
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: Breath December 12, 2011, 06:56:02 PM
I just found out na yung nag Post pala ng Pictures sa FB
about sa Chickboy Scandal is friend of my friends friend.
yung Andrea na friend ni Quatro.

gets niyo ba?  laffman::
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: The Dark Knight December 12, 2011, 07:06:14 PM
hindi na QA yung mga kangkong...:)

and i think, Chicboy chain ay independent..meaning kanya-kanyang bili pag dating sa sahog like gulay and etc.
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: batman217 December 12, 2011, 07:15:18 PM

2. yung iba e may amoy na na yung BBQ (ricky reyes BBQ)

4. may mga small time na business na may uod, langaw, nagtatae

5. may nabalita pa nga tindera lang ng kakanin nakalason


(2) si idiot talaga, ginawa pang nagbabarbe-que si ricky reyes, sige ka pag may nagpunta sa saloon nya at magtanong kung may tindang barbe-que, hehe. . chot reyes na lang sana. laffman::

(4) uod, langaw pwede. pero wala naman sigurong tae? magtatae ka lang pag nakakain ka.

(5) sa bohol yon, ung madaming namatay na bata sa pagkain ng kakaning gawa sa balanghoy (kamoteng kahoy).
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: Bolster December 12, 2011, 08:15:13 PM
At sa pagtihaya ko nito, tumambad sa akin ang kanyang mga paa at pati ang mukha. tang ina.

 laffman::
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: brandon_jom December 12, 2011, 11:10:56 PM
Ilang beses ko ring tinitignan at pinagmamasdang mabuti ang larawan kung nasaan ang centipede...


pambihira caterpillar pala...hahaha!


hayaan mo TS. wala namang masama kung makakain ka ng caterpillar (at luto pa) kesa sa sinasabi mong centipede.

Ingat lang sa susunod sa pagkain sa mga fastfood or restaurants
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: jg December 12, 2011, 11:23:31 PM
hindi ba yung adobong kangkong ng chicboy maliliit ang hiwa? parang tadtad? etong may caterpillar mahahaba ang hiwa e.
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: TobleRONe December 12, 2011, 11:29:45 PM
hindi ba yung adobong kangkong ng chicboy maliliit ang hiwa? parang tadtad? etong may caterpillar mahahaba ang hiwa e.
alam mo ba kung gaano kahaba ang caterpillar? tingnan mo mabuti, mas mahaba pa yung caterpillar sa chopped kangkong.
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: xxx December 13, 2011, 02:58:05 AM
TS... sana kinain mo na lang sabay lunok at kanta ng

HAKUNA MATATA!!!   music::

joke lang, pano yan nakademanda ka na ngayon?
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: jg December 13, 2011, 03:20:04 AM
alam mo ba kung gaano kahaba ang caterpillar? tingnan mo mabuti, mas mahaba pa yung caterpillar sa chopped kangkong.
parang pinalalabas mo na tanga ako ah? natural alam ko kung ano ang haba ng caterpillar. ikaw alam mo ba itsura ng pagkatadtad ng kangkong sa chicboy? hindi ganyan kahahaba.
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: jg December 13, 2011, 03:31:57 AM

yan ang actual or usual na itsura ng kangkong sa chicboy. siguro naman toblerone naiintindihan mo na ang sinasabi ko.
(http://www.mykyusi.com/wp-content/uploads/2011/01/chic-boy-kangkong.png)

source:
http://www.mykyusi.com/2011/chic-boy-restaurant-little-budget-big-serving/
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: TobleRONe December 13, 2011, 04:14:26 AM
yan ang actual or usual na itsura ng kangkong sa chicboy. siguro naman toblerone naiintindihan mo na ang sinasabi ko.
(http://www.mykyusi.com/wp-content/uploads/2011/01/chic-boy-kangkong.png)

source:
http://www.mykyusi.com/2011/chic-boy-restaurant-little-budget-big-serving/
di kita pinalalabas na tanga. yang picture mo, lagyan mo ng catepillar makikita mong kasinlaki rin ng kangkong ni TS yang kangkong ng chic boy mo. isa pa, sa chic boy Timog ka rin ba kumakain?

para bang sinabi mo na lahat ng chic boy branches eh pare pareho ng haba ng tinadtad na kangkong. at para bang sinabi mo na rin na all the time pare pareho ng sukat ang pagkakatadtad ng kangkong

sa in-upload mo na rin na picture meron mahahabang kangkong:
(http://i39.tinypic.com/t0p1s1.png)

siguro naman jg naiintindihan mo ang sinasabi ko
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: Smitty Werben Man Jensen December 13, 2011, 04:14:36 AM
(http://d24w6bsrhbeh9d.cloudfront.net/photo/959797_700b.jpg)

(http://28.media.tumblr.com/tumblr_ld4xjtL8U41qfu4tho1_400.jpg)
why you so different! I SUE!
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: erap December 13, 2011, 04:24:02 AM
caterpillar ata ung nakasama sa gulay... mataas ang protein nyan bro...  ;D ;D ;D
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: balanar016 December 13, 2011, 04:25:26 AM
Dapat natadtad din yung uod kasi yung kangkong tinadtad din eh. parang imposible kasi masmahaba pa yung uod kesa sa kangkong na tinadtad eh.
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: Xin_Ra December 13, 2011, 04:34:55 AM
di kita pinalalabas na tanga. yang picture mo, lagyan mo ng catepillar makikita mong kasinlaki rin ng kangkong ni TS yang kangkong ng chic boy mo. isa pa, sa chic boy Timog ka rin ba kumakain?

para bang sinabi mo na lahat ng chic boy branches eh pare pareho ng haba ng tinadtad na kangkong. at para bang sinabi mo na rin na all the time pare pareho ng sukat ang pagkakatadtad ng kangkong

sa in-upload mo na rin na picture meron mahahabang kangkong:
(http://i39.tinypic.com/t0p1s1.png)

siguro naman jg naiintindihan mo ang sinasabi ko

Siguro empleyado sya ng chicboy kaya pinoprotektahan nya itong company. Just my opinion
At tama din yung sinabe ni sir tobleron ndi lahat ng brancges ng chikboy e pareparehad ang pagkakahiwa ng kangkong di bale nalang kung si jg din yung empleyado dun. :D
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: t2boi December 13, 2011, 04:36:09 AM
duda ako jan bro, imposible ata yan.
kita niyo naman kung gaano kaiksi hiwa ng kangkong tapos yang uod kamo eh hindi man lang nahati? nak ng! lokohan ko.
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: Xin_Ra December 13, 2011, 04:45:50 AM
duda ako jan bro, imposible ata yan.
kita niyo naman kung gaano kaiksi hiwa ng kangkong tapos yang uod kamo eh hindi man lang nahati? nak ng! lokohan ko.

Kung sa delata nga may nakikitang ipis at bubwit sa kangkong pa kaya?
Nothing is impossible boss  >:D b*;
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: t2boi December 13, 2011, 04:52:38 AM
para sakin da best pa rin chic-boy

madalas kong order dito CB6 lalo na kung malutong




pwede mangyari ang mga ganyan pero sa kuhang yan duda talaga ako :P gusto lang yata ng P _ _ A ahahaha
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: t2boi December 13, 2011, 04:55:19 AM
THE COMPETITOR IS DESPERATE!!!

There are rumors going around Facebook that a caterpillar (or "bulate" as they call it) was found in our Ginisang Kangkong sa Bawang. If you are familiar with Chic-Boys ginisang kangkong sa bawang, our kangkong is cut into bits. HOW COME IN THE PHOTO THEY POSTED, THE CATERPILLAR IS WHOLE?

We are not surprised with this demolition job. We have only been in the market for a year and a half and we have grown to 64 opened stores and 48 under construction. Do you think the competition will just take us sitting down?

We are entrepreneurs who have good business ethics. We will build our name and business by giving our best to our customers and not destroy the name of our competitor for our gain. You be the judge!!!!



end of quote
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: jg December 13, 2011, 05:11:40 AM
di kita pinalalabas na tanga. yang picture mo, lagyan mo ng catepillar makikita mong kasinlaki rin ng kangkong ni TS yang kangkong ng chic boy mo.

ayos hugas kamay bigla! :) at may kasama pang chicboy "ko" sumundot pa ng pang asar e. ehehehe



isa pa, sa chic boy Timog ka rin ba kumakain?


tignan mo sa link timog branch yan ng chicboy. kahit dito saamin ganyan din itsura.

para bang sinabi mo na lahat ng chic boy branches eh pare pareho ng haba ng tinadtad na kangkong. at para bang sinabi mo na rin na all the time pare pareho ng sukat ang pagkakatadtad ng kangkong

hindi naman pare pareho pero syempre may standards sila na sinusunod. may reyes bbq ba or any fastfood resto ka na nakainan na iba iba ang timpla ng luto at itsura ng pagkain kada branch? iba ba ang itsura ng mcdo burger jan sa lugar nyo kumpara lets say sa cebu?

 
sa in-upload mo na rin na picture meron mahahabang kangkong:
(http://i39.tinypic.com/t0p1s1.png)

ahaha so sa picture na yan may isang mahaba kang binilugan. samantalang sa picture ni ts lahat mahaba.

siguro naman jg naiintindihan mo ang sinasabi ko

wag kang pikon, trinato mo akong tanga at sinagot lang kita. may sarili akong opinion meron din kayo pero kung malawak ang pagiisip nyo bukas din dapat mga utak nyo sa opinion ng iba.


nagumpisa lang to sa comment ko na iba ata ang itsura nung pic ni ts sa pangkaraniwang luto ng chicboy. masama bang magbigay ng opinion? kung hindi sangayon ang isang tao sa pananaw nyo e dapat bang kutyain na? may humirit pa na empleyado daw ako? sumawsaw pa e. anong klaseng pag iisip yan?
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: Breath December 13, 2011, 05:49:40 AM
humm... naisip ko lang, since caterpillar lang pala at dahon lang naman ang kinakain edi ok padin kumain sa Chikboy  ;D totoong organic ang ginamit nilang kangkong na hindi ginamitan ng pesticide meaning hindi siya harmful sa kalusugan. Ito ang good side!

Ang bad side lang, depende sa taong kakain lalo na kung may malaking uod sa ginisang kangkong ahehe...

Pero sa ibang Asian Countries kinakain yan uod na yan, yun nga lang, ang malas ng "Chickboy TIMOG" at doon pa sila naka-in-counter ng costumer na hindi sanay na makakita ng ganyang freebies ahehe...

well anyway I'm just joking around to add some twist! masyado na kasing high-blood yung iba dito ng dahil lang sa ginisang kangkong na may uod. laffman::

Cool lang kayo! Cool  8)

Since I read some post around the net focusing about the issue's sa Kangkong na may uod,
I think I will eat padin sa Chickboy ahehe... binabawi ko yung naunang statement na sinabi
ko sa pagkabigla kanina ahehe... tao lang eh nagkakamali ;D
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: TobleRONe December 13, 2011, 10:29:35 AM
eto rin opinyon ko, talasan ang mata. marami rin mahahaba sa picture na yan

(http://i40.tinypic.com/qx0361.png)

gaya ng sabi ko sa kauna unahan kong post dito. di imposible na malagyan ng higad iyang kangkong dahil panahon ng mga higad ngayon. posibleng nahulog iyong higad habang niluluto iyong kangkong

ayos hugas kamay bigla! :) at may kasama pang chicboy "ko" sumundot pa ng pang asar e. ehehehe

di ako naghuhugas ng kamay. di ko kasalanan na ganoon ang pagkaka intindi mo sa tanong ko na "alam mo ba haba ng caterpillar?" at totoo namang chic boy mo, dahil ikaw yung nag upload ng isa pang photo ng ginisang kangkong dito sa espiya, alangan naman sabihin kong kangkong ni TS?

pa-OT:

paging wyld_boys paki lipat nga yung higad sa kangkong ni jg  toast::
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: jg December 13, 2011, 12:28:12 PM
pwede rin naman kasing luto yang kangkong ni ts sa bahay nila or binili sa carenderia. kasi nga hindi sya katulad ng pangkaraniwang kangkong ng chicboy.

pwede ring sinadya yan para siraan sila. isipin mo nalang kelan lang binili ng jfc and mang inasal. ilang milyong $$ nila binili yun. tapos after a few months may lalabas ng competitor na mas masarap at mas mura ang tinda.

at pwede rin namang hinalo nalang yang caterpillar matapos i serve sa kanila. tulad ng statement ng chicboy tadtad ang kangkong nila kung bago pa man lutuin e andun na yung caterpillar dapat napuna na nila.




: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: batman217 December 13, 2011, 02:36:01 PM
Do ko alam kung totoo o tsismis lang ha, may nagsiete lang sa akin na ang may-ari daw ng chicboy eh yong dating may-ari ng Mang Inasal na si Injap Sia? At karamihan nga daw ng branches nila eh tinatabihan existing na Mang Inasal branches.

Mula kasi nung nabili ng JFC ang Mang Inasal parang bumaba kalidad pagkain nila especially yong chicken inasal nila, alam naman natin ang jolibee, more on money sila, di sa quality ng tinitinda nila. At ayun din sa aking mga bubuwit, hehehe. . mas may kalidad daw ang lasa ng chicken inasal or pagkaing sineserve in general sa Chic-Boy. ;)
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: edpoli December 13, 2011, 03:15:29 PM
I release na lang nila yung video na sinasabi nila. Ni review daw nila and instead of showing to the customer yung video, they explained to her kung papano daw nila mini maintain ang kalinisan ng pagluluto sa kanilang restaurant. Its either wala silang nakita sa video o maaaring tama yung sinasabi ng customer.

di pa ko nakakain dyan sa alinmang chic boy na yan. itry ko sana kahapon. magkalapit lang sila ng inasal sa terraza dasma. pero naalala ko yung caterpillar. Nag KFC na lang muna ako ::drool
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: godo12345 December 13, 2011, 03:30:50 PM
(http://i.imgur.com/ulAmc.jpg)

Visit their new branch in timog and avail a free caterpillar for every kangkong dish you order.
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: grimm December 13, 2011, 04:33:40 PM
lol naunahan ako magcorrect :p uod nga naman yan. ibig sabihin nyan organic yung pinagkukunan nila ng veggies at hindi tadtad ng pesticide :D kadiri nga lang  :o
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: DjDaveTrance December 13, 2011, 05:40:24 PM
What happen to this thread?

 >:(
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: beaverjohn2006 December 13, 2011, 05:43:57 PM
Mga kapwa espiya kung sino man kumakain sa Chic-BOY iwas iwasan nyo na. napakasama ng Service nila akalain nyo ba naman ang Ginisang kangkong nila ay may kasama pala centipede higad bulate kung ano man toh nakakadiri! Napaka palpak ng Sanitation nila dito. at sobrang defensive pa nila. e pagkakalaking HIGAD na yan. itatangi pa nila. kesyo hindi daw nila alam kung bakit nagka meron ng ganun kesyo may cctv camera. nung pinapa check naman ung record ayaw naman i check. Ingat ingat kayo dito mga espiya.
[/b][/font][/color]


(http://i40.tinypic.com/xdc7q1.jpg)
(http://i44.tinypic.com/ezi28.jpg)
(http://i39.tinypic.com/1rsqd2.jpg)


Eto yung caterpillar mo.... 

http://it.wikipedia.org/wiki/File:Black_caterpillar.jpg
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: Idiot December 13, 2011, 06:07:10 PM
(2) si idiot talaga, ginawa pang nagbabarbe-que si ricky reyes, sige ka pag may nagpunta sa saloon nya at magtanong kung may tindang barbe-que, hehe. . chot reyes na lang sana. laughing man

(4) uod, langaw pwede. pero wala naman sigurong tae? magtatae ka lang pag nakakain ka.

(5) sa bohol yon, ung madaming namatay na bata sa pagkain ng kakaning gawa sa balanghoy (kamoteng kahoy).

so serious mo yan may twist yan kontra slander he he he

nagtatae ka dahil sa E.coli at salmonella some foodchain or small time turoturo na di maganda ang practice sa hygiene prone kang magtae (wrong word used sa first post)

even sa tabi ng daan kung exposed yung food prone kang magtae yung organism sometimes giardia lambia or e.coli

demolition job yan kase di proper yung ginamit na means bakit mo ipost what's your intention naturally paninira dapat humingi na lang ng danyos dahil doon din naman pupunta yan but sa greed at gustong makaganti e di humingi ng compromise yung kaibigan mong si Andrea. Sa proper guideline Mananagot ang cook dyan dahil sa negligence not the whole institution 

I release na lang nila yung video na sinasabi nila. Ni review daw nila and instead of showing to the customer yung video, they explained to her kung papano daw nila mini maintain ang kalinisan ng pagluluto sa kanilang restaurant. Its either wala silang nakita sa video o maaaring tama yung sinasabi ng customer.

as a said before may mga protocol yan kahit anong food chain sa kanila they believe what they say kase alam nila tinutupad nila protocol at magiging variable lang naman dyan ay yung mga tauhan because di lahat ng oras nakabantay si manager at di lahat ng oras banidoso si cook minsan may gagong cook at may gagong crew

to TS the damage was done mali ang approach na ginawa nyo at magmumukha kayong kontrabida instead na yung sympathy nasa inyo. kung humngi kayo agad ng compromise agreement at kung di kayo bibigyan dun kayo humingi ng tulong especially sa media   

: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: Ethan Hunt December 13, 2011, 06:54:09 PM
duda akong si Quatro talaga naka-experience nito. parang nauna lang sya magpost at inangkin ang storya.  smoking::

anyway, regarding sa storya(hee) parang imposible nga naman na hindi makita ng nagchochop yung uod. saka habang ginigigsa, yung ganong kalaking uod hindi makikita?!  ???

hindi nyo ba nakita yung closing remarks ng letter?

NAGMAMAHAL,
MANG INASAL...  laffman::
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: bugsymalone December 14, 2011, 06:09:01 PM
ang complainant ay friend daw ng isang manginasal franchise owner....coincidence?

 ::investigate
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: Smitty Werben Man Jensen December 14, 2011, 07:42:31 PM
competitor ba yung mang inasal, parang kinompara sa jolly jeep yung chic-boy niyan kung ako tatanungin haha
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: prinzshady223 December 14, 2011, 08:04:04 PM
kangkong lang kasi sa resto pa inoorder... ^_^
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: Shadow_Brainiac December 15, 2011, 03:01:48 AM
Sayang!!!! Kung umaksyon kaagad kayo at ipinablotter nyo yan sa Police Station at iniREPORT sa DTI.....laking SCANDAL sana yan. At malamang sila pa ang lumapit sa inyo at mag OFFER ng kahit ano na FAVOR sa inyo.

Sa bandang huli kayo pa ang aabalahin ng mga yan. At malamang mauwi sa DRAW yan at LEGAL Settlement na lang.
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: dop888 December 15, 2011, 06:30:40 AM
IMHO

kung ako ang nasa lugar nung customer na may uod yung kangkong na inorder niya, unang una ang laki nung uod at malayong malayo ang itsura niya sa talong. kung sakin na serve yun pansin kagad yun at may tentacles pa, ang talong kasi at ang caterpillar ibang iba talaga e, medyo mag ka kulay nga pero yung physical attributes niya, titigan niyo mabuti ulit yung pics para nga siyang buntot ng scorpion, ang layo talaga sa talong isa pa pics lang yan sa personal kitang kita mo yan na uod talaga sa laki niyan kitang kita mo yan imposibleng talong ang tingin mo jan nyahaha, at sabe nung nag reklamo sinipsip daw niya, ang talong ba kapag kinain sinisipsip, ano yan kuhol/shrimp. hehehehe

isa pa sa cook naman at nag prepare ng kangkong napaka imposible kung hindi niya makita yung caterpillar dahil ALL GREEN yung kangkong (green din yung caterpillar) pero habang ginigisa mo yun at hinahalo-halo (saute) mangingitim yung caterpillar/uod habang naluluto, mapapansin ko kagad yun na may biglang nag iba ng kulay na mahaba at malake. pwera na lang kung palpak yung cook at walang last inspection na naganap. pero imposible parin, sa laki nun. kung maliit lang pwede pa e. napaka laki nung uod sa pic. OA sa laki. nyhahahaha

opinion lang po mga sir. toast::
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: pspyrock December 15, 2011, 06:46:51 AM
Bear Grylls wouldn't mind eating that.  laffman::
Mabuti na lang at hindi ako mahilig sa gulay.
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: dop888 December 15, 2011, 08:06:18 AM
(https://fbcdn-sphotos-a.akamaihd.net/hphotos-ak-ash4/377204_319806608038126_100000263679585_1211669_376508882_n.jpg)

hehehhe
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: Xin_Ra December 16, 2011, 04:25:22 AM
Ireport nyo nalang sa T3 yan. Tapos kaagad problema nyo hahaha  ;D
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: pd_trash December 31, 2011, 12:29:32 PM
alam ko rich in proteins naman yang uod, ok lang yan.

para sakin ha, imposible talaga na di mo agad mapansin yan sa laki nan at naubos na ang sabaw hahaha, depende na lang siguro kung gutom na gutom talaga ung umorder at hindi na namalayan  laffman::
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: biraboyz January 09, 2012, 03:28:42 AM
just asking may ganyan bang kalaking talong, pero ang uod naman ay hinde nakakasama specially uod ata yan malamang na kasama sa mga gulay, high in protein pa nga yan and others eat it raw...

Usually sh!t happens sa mga fastfoods madami me alam mas malala pa like inihiang ice tea, minsan pinag hugasan naman ng pamunas etc, mas safe pa talaga sa bahay kumain bantay mo ang quality.... ;D
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: Smitty Werben Man Jensen October 10, 2012, 11:12:13 AM
hmm gusto ko ng chic boy this weekend, pampagana
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: highvoltage001 January 05, 2013, 08:00:06 AM
Sarap pa din.
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: Jigo13 April 22, 2013, 10:16:11 PM
exotic na pagkain yan pre... Kinakain yan sa Thailand. Ganunpaman mandidiri ka talaga kung di ka sanay sa ganyan.
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: IORIâ„¢ August 06, 2013, 10:11:36 PM
hindi naman yan madumi kasi kinakain nyan eh un leaves not like ipis,langaw or other insect mas nakakadiri yun ..
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: schwack August 07, 2013, 03:05:29 AM
TS ano na ang update dito sa issue? Ano na nangyari?
: Re: Beware at Chic-boy TIMOG Branch
: $Money-Talks$ December 22, 2013, 12:07:13 PM
WTF says! Needs Closure of that branch.